19

10 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa gym para sa closin program. And syempre para na rin sa awarding of winners. Nilibot ko ang buong gym, at wow! Ang daming tao. Halo-halong mga delegates at teachers. Yung iba ay nakatayo nalang kasi wala ng mauupuan. Mabuti nalang pala at napaaga ang pagpunta namin rito.

Ang katabi ko ngayon ay sina Shan at Kip. Bale nasa gitna nila ako. Ang saya ko na sana kaso katabi din netong Shan yung bruhang Xia.

Wait nga lang. Bakit ba ako naiinis kay Xia? Hahaha. Kaibigan ko parin naman siya. Di niya naman siguro kasalanan na siya yung minamahal ng mahal ko. Hahahaha lol.

Di ko namalayan na napatingin rin pala si Xia sa akin kasi hindi ko namalayang napasulyap ako sa kanila ni Shan.

"Uy Vielle, ayos ka lang?" Tanong ni Xia.

Nginitian ko siya. "Kinakabahan ako eh."

"Anokaba, manalo o matalo, atleast ginawa mo ang best mo. Diba? Diba Shan?"

"Ah.. Hahaha. Oo. Kaya ikaw Vielle, huwag kang kabahan. Alam ko namang ginawa mo ang best mo." Sambit ni Shan.

Tumango nalang ako. Bigla namang may kumalabit sa akin. Tinignan ko naman si Kip na nakasimangot.

"Oh?"

"Di mo na ako pinapansin ha." Nakasimangot na sabi niya. Pababy effect pa ang gago.

"Anong hindi pinapansin?"

Lumapit naman siya sa akin at bumulong. "Katabi mo lang si Shan, hindi mo na ulit ako kilala."

At dahil dun, hinampas ko siya. Bigla pa namang humagikhik malapit sa tenga ko. "Gago. Bakla ka ba?"

"Omygosh! How did you know?" Kip with his beki moves.

Wala na akong nagawa kundi ang irapan siya.

"Ano Kip? Bakla ka???!" Malakas na tanong ni Xia.

Wow. Paano niya narinig ang usapan namin? May lahing chismosa ba to? O malakas lang ang pandinig niya. Hala, kailangan ko palang mag-ingat kung ganun.

"Bakla ka?" Tanong ng mga iba pa naming kasama.

And here's Kip with a -____- reaction.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" And here's me na hindi ko na napigilan ang malakas na pagtawa ko.

Wala na akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao rito. Eh kasi naman, di ko na mapigilan. Hahahahahaha.

"Guys, sa atin lang yun ha? HAHAHAHAHA. Hindi pa kasi siya handang umamin." Sambit ko sa mga kasamahan namin.

"Omg! For real?"

"Kip? Totoo?"

"Hala sayang. Ang gwapo mo pa naman."

"Ayos lang yan Kip."

"Tanggap ka namin."

At boom. Mas natawa ako sa mga sinabi ng mga kasamahan namin. Nilingon ko si Kip and as usual, -______- parin.

Pero bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.

"Guys, hindi ako bakla." Sambit niya at tinignan ang aming mga kasamahan. Maya-maya ay nilingon niya ako.

"Nababaliw lang kasi tong girlfriend ko, kaya sakyan nalang natin." Pamatay na sabi niya at inakbayan pa ako.

W....t....h. Pinandilatan ko siya at binelatan niya naman ako.

"Omg. How sweet!!!"

"Kip and Vielle?"

"KiVi?"

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon