Bumalik na kami ni Kip sa room namin before lunch kasi nga pipila pa kami para makakuha ng pagkain. Malapit na kami sa room nang makasalubong namin si Shan....with Xia.
"Look Shan, nandito pala sila o." Sabi ni Xia habang nakaturo sa amin.
"Uy Vielle.. Kip.. Kanina pa namin kayo hinahanap." Sambit naman ni Shan habang naglakad palapit sa amin.
"Sorry bro.. Hahaha." Patawang sabi naman ni Kip.
Tumingin naman sa amin si Xia na may halong panunukso. "Siguro nagdate kayo ano? Yieeee.."
"No way!" Sabay namin sagot ni Kip at nagkatinginan pa talaga kami.
Natawa naman si Xia and so with Shan. "Kayo naman, masyadong defensive! Hahaha."
"Tara na? Pumila na tayo." Aya naman sa amin ni Shan.
"Yung mga iba?" Tanong ko.
"Nauna na. Kanina pa. Sabay din sana kami sa kanila kaso wala pa kayo, eh ayun, inutusan ni ma'am." Sabi ni Xia at hinawakan ako sa braso.
Nasa likod naman namin si Shan at Kip. Naglakad na kami at nakapila. Hindi naman na ganun kahaba ang pila kaya madali lang kaming nakakuha.
"Ako na.." alok ni Shan sa pagkain ni Xia.
"Haha, salamat.." Xia.
Medyo napairap naman ako. Sa loob lang naman. Tsaka medyo lang. Hahaha.
"Selos ka?" Nagulat naman ako sa biglang pagbulong ni Kip.
"What the hell! Nakakagulat ka naman Kip!"
"Hahaha. Peace!" Nagpeace sign pa ang gago. "Akin na yang pagkain mo, ako na.." alok niya naman.
"No thanks, kaya ko." Pagsusungit ko.
"Sus, inggit ka nga kila Shan at Xia e."
"Baka gusto mong tadyakan kita?" Inis na sambit ko.
"To naman. Di mabiro, hahaha."
Naghanap kami ng lugar kung saan pwede kaming kumain at nakakita naman kami ng kubo na kasya sa aming apat.
Kaharap ko si Xia at magkaharap naman si Kip at Shan.
"Know what guys? Biglang sumakit tiyan ni Shan kanina.. Hahaha!" Kwento sa amin ni Xia.
"Xia.. nakakahiya!!" Suway naman ni Shan.
"Hahahahaha. Sorry Shan, di ko talaga mapigilan eh."
"O bakit? Anyare bro?" Tanong naman ni Kip.
"Mahabang kwento.." sagot ni Shan.
"Paiikliin ko nalang.. Ako magkkwento." Sabi ni Xia at tinignan naman siya ng masama ni Shan pero tumawa lamang ito.
"Eto kasi si Shan..." panimula ni Xia. "Ang daming kinain na kung ano-ano. Patay-gutom much eh. Hahaha. Tapos ayun.. Maya-maya sumakit na yung tiyan niya.. Kaya yon, pumuntang CR, alam na.." kwento ni Xia habang tumatawa pa.
"Wag nga kayo mag-usap ng tungkol sa ganyan.. Kitang kumakain tayo e." Sabat ko naman.
"Ay kj." Sambit ni Kip ngunit tinignan ko lamang siya ng masama.
"Okay ka lang ba?" Tanong naman ni Shan. Sinuklian ko siya ng nagtatanong na tingin. "Ang tahimik mo eh.."
"Baka mood swings.." sabat ni Xia.
Di na ako umimik at sa wakas ay natapos din.
"Ako na.." alok ni Kip sa pinagkainan ko.
"Okay."