7

10 1 0
                                    

Pagkabukas namin sa room kung nasaan ang iba naming kasamahan ay nakita namin si Ma'am Lucy, ang school paper adviser. Nakita namin ang mga iba naming kasama na nagpapasa ng mga output nila.

Pumunta ako sa pwesto ko at kinuha ko ang papel na nasa ibabaw lamang. Ipinasa ko ito kay Ma'am Lucy at pagkatapos ay hinayaan niya na kaming magrecess. Inayos ko naman muna ang gamit ko na nagkalat sa mesa. Medyo natagalan ako kaya nakalabas na ang lahat maliban kay Xia at Shan.

Napagtanto ko namang kailangan nila ng oras para sa isa't isa kaya minadali ko ang pag-aayos ay lumabas na. Hindi ko alam kung bakit nila hinayaang malaman ko ang relasyon nila kung itinatago naman nila ito sa lahat. Pero sabi nga ni Xia habang pabalik kami rito ay pinagkakatiwalaan niya ako bilang kaibigan.

Nang medyo makalayo na ako sa room ay nakita ko naman si Ania na patungo ata sa room kung nasaan sila Shan at Xia. Bigla naman akong kinabahan at parang may nagtulak sa akin na pigilan siya.

Binangga ko muna siya sa paraang parang hindi ko sinasadya. Dahil nga sa isa siyang maarteng nilalang, di niya pinalampas ang eksenang iyon.

"Hindi ka ba tumitingin sa daan ha?" Maarteng tanong nito sa akin habang nakapameywang.

Kinuha ko naman agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Xia. Sinabi kong paparating si Ania sa room kung saan nasaan sila. Pagkatapos kong maisend at siniguradong naisend ay ibinalik ko na ito at nilampasan si Ania na nakapameywang parin sa harap ko.

Bago pa man ako makahakbang muli ay hinila niya ang buhok ko.

"How dare you to disrespect me? I'm the SSG Secretary for pete's sake!" Sigaw nito sa akin habang hawak-hawak parin ang buhok.

Aaminin kong masakit ang pagkasabunot niya sa akin pero ininda ko ang sakit. Pinilit ko parin ang ngumiti at pilit na inalis ang kamay niya sa buhok ko at hinarap siya.

"Huwag na huwag mong ipanlalaban ang posisyon mo sa SSG. Dahil alam mo sa sarili mo na nakuha mo lang yan dahil sa pandaraya mo." Sagot ko sa kanya at umalis na. Naiwan naman siyang napatulala sa daan.

I know her deepest secret. That desperate girl. She's just a Grade 9 student pero dahil sa posisyon niya akala niya nasa taas na siya. I know what she did on the night before the election day. I'm sure na si Xia ang dapat nanalo over that girl.

Tumungo nalang ako sa canteen para magrecess. Kumuha ako ng Chuckie at cheesecake at umupo sa bakanteng mesa na nasa dulo. Chineck ko ang phone ko dahil naramdaman ko ang pagvibrate nito habang kausap ko si Ania.

Nakita ko namang may reply si Xia kaya napanatag ang loob ko na hindi sila nakita ni Ania. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain sa cheesecake ko ay biglang may umupo sa harap ko.

Napatingin ako at si Kai pala. Wala lang naman sa kanya na ako ang kaupo niya ngayon dahil parang wala naman itong pakialam sa mundo dahil nakaheadset pa ito.

Napansin niya naman ang pagtitig ko sa kanya na nagtataka kung bakit siya ay nakaupo sa harap ko. Itinuro niya nalang ang buong paligid at sinundan ko naman ito. Nakita ko namang puno na ang lahat ng mesa at wala ng bakante. So that explains everything.

Binilisan ko nalang ang pag-inom sa Chuckie ko dahil sobrang awkward na kaharap ko ngayon ang SSG Vice President. Tumayo na ako agad at kinuha ang bag ko.

"Bilis naman." Sambit ni Kai kaya napatingin ako sa kanya pero nakatuon parin ang napansin nito sa cellphone niya. Sinulyapan ko ang ginagawa nito at nakita kong naglalaro siya.

Akala ko ako yung kinausap niya. Maybe that was all about whatever he's playing on his phone. Umalis na ako sa canteen at dumiretso sa room dahil wala na din akong mapuntahan. Panigurado kasing nasa room na si Kira ngayon.

Pagkarating ko sa loob ay nakita ko si Shan na katabi si Ania. Oo, yung maarteng sekretarya ang nasa tabi niya. Hinanap ko naman si Xia ay wala ito sa loob. Mukhang umalis ito nang tinext ko siya kanina.

Nakita ko naman ang panlalandi ng Ania na to kay Shan. May pahawak pa to sa kamay nito pero si Shan wala lamang reaksyon dito. Nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa laptop at nagttype. Masasabi mo talaga ang kaibahan kapag kasama niya si Xia at kapag kasama niya ang ibang babae.

I'm still confused kung bakit kailangan nilang itago sa lahat? Wala naman akong nakikitang mali sa relasyon nila. Maybe it's all about their families? Or what? Inalis ko nalang lahat ng confusions sa isip ko at nagfocus sa pagsusulat.

Hanggang ngayon ay hindi parin umaalis si Ania dito sa loob. Wala ba itong klase o inuuna talaga ang kalandian? Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone ko at chineck ko naman ito. Isang text mula kay Xia. Tinatanong niya kung nandito pa ba si Ania. Sinabi ko namang hindi pa siya umaalis.

"That bitch." Sagot nito sa akin kasabay ng pagpasok niya sa loob. Malamang ay nasa tapat na siya ng pintuan ng magtext ito.

Pagpasok nito ay nabaling ang direksyon niya kay Ania at kay Shan. Nagpakita ito ng mukhang pagkagulat at nagsalita.

"Ms. Secretary, bakit nandito ka pa? Hindi ka ba aattend sa klase mo? Nagstart na ang klase ng lahat."

Tumayo naman si Ania at umirap. Pero bumaling ito kay Shan at ngumiti.

"Shannnnn~ see you later." Malanding sabi nito kay Shan pero walang sagot si Shan dito.

Naglakad na si Ania palabas pero bago niya buksan ang pinto ay nag-iwan muna ito ng mga ilang salita.

"Xia, just move on already okay? Alam ko namang nag-assume ka na makukuha mo ang posisyon bilang sekretarya pero sorry ka nalang ha, ako kasi pinili ng schoolmates natin e. Don't be bitter na ha?" Sambit nito. Napatigil naman ang lahat sa kanilang ginagawa dahil sa namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Baka ikaw ang di makamove on dahil sa nangyari four years ago?" Nakangiting tanong ni Xia kay Ania na nakahawak na ang kamay sa doorknob.

Nakita ko naman ang paghigpit ni Ania sa hawak nito sa doorknob at parang pinipigilan ang paglabas ng galit nito.

"Magpigil ka baka malaman nilang ang SSG Secretary nila ay punong-puno ng inggit at pagkadesperada." Sambit ni Xia habang nakangiti parin.

Pagkatapos nun at mabilis na pinihit ni Ania ang doorknob at umalis na sa room. Napatawa nalang si Xia.

"Poor little girl." Mahinang sambit nito pero sapat na para marinig namin.

Humarap naman ito sa amin.

"Sorry guys for the show! Sana walang makalabas sa lahat ng nangyari sa loob ng room na ito. Maaasahan ko ba yan?" Tanong nito sa amin.

Dahil siya ang EIC ay tumango ang lahat bilang tugon sa kanya.

"Okay. Let's go back to work." Sabi niya at umupo na sa kinauupuan niya kanina. Nakita ko naman si Shan na nakatingin kay Xia buong scenario kanina. Mukhang di yun napansin ng lahat dahil ang atensyon nila ay na kay Xia at Ania.

Bumalik nalang ang lahat sa normal at nagsimula ulit na magtrabaho.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon