Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na dumampi sa aking mukha. Nagising ako at nakita kong nakahinto ang van sa isang paaralan. Mukhang nakarating na kami. Chineck ko ang oras at alas otso na pala. Halos apat na oras pala ang byahe namin.
Wala na ang mga kasamahan ko maliban kay Kip na nakatingin lamang sa akin.
"Nasaan sila?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina pa sila nakababa."
"Bakit hindi mo'ko ginising?!" Medyo pasigaw kong tanong sa kanya.
Paano kung maya-maya pa ako magising? Iiwan nila ako rito kung ganun?
"Utos ng presidente e. Bilis na, baba na tayo. Nakuha na ang mga bagahe mo." Sabi nito at saka naunang bumaba.
Sumunod nalang ako sa kanya sa paglalakad dahil hindi ko naman alam kung saan ang magsisilbing kwarto namin.
Huminto kami sa isang pinto. Nakita ko mula sa labas ang mga kasamahan namin.
"Pumasok ka na. Maglalakad-lakad lang ako." Sambit nito at saka umalis.
Pagkapasok ko ay nakita ko naman agad ang bagahe ko. Kinawayan ako ni Xia at sumenyas na sa tabi niya ako. Nagulat ako dahil nakaayos na ang beddings ko roon at pati ang unan at kumot ay nakapwesto na rin.
"Inayos ko na para magkatabi tayo." Sambit nito sa akin. Inalis ko ang sapatos ko at sumalampak sa higaan.
"Matutulog ka na naman ba? Sabi ni Shan buong byahe daw tulog ka. Inaantok ka parin?" Natatawang tanong ni Xia sa akin.
"Hindi. Gusto ko lang humiga." Sagot ko sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko dahilan kung bakit ako napaupo.
"Tara. Magmasid-masid muna tayo!" Wala na akong nagawa kaya sinuot ko nalang ulit ang sapatos ko at kinuha ang bag ko.
Napadpad kami sa cafeteria ng school. Malawak ito at maraming tinda. Sa isang mesa ay nakita namin sila Shan kasama ang iba pang mga lalaki na kasama namin. Nandun rin si Kip. Nakita nila kami kaya kumaway sila. Kumaway naman kami pabalik.
Tumungo kami sa kanila. Nakita ko naman ang sulyap ni Shan sa akin bago tinuon ang mata kay Xia. Nakita kong nag-uusap sila sa mata habang patungo kami roon.
"Alis muna ako ha? May pupuntahan lang ako." Paalam ni Shan sa kanyang mga kasama. Nagthumbs up lamang ang mga ito dahil busy sila sa pagkukwentuhan.
Ilang segundo lang ang lumipas nang makaalis si Shan ay hinila naman ako ni Xia palabas. Nandun si Shan sa labas ng cafeteria na naghihintay. So eto pala ang ibig sabihin ng pag-uusap nila kanina gamit ang mga mata. Gusto nilang magsama.
Aalis na sana ako ngunit pinigilan ako ni Xia.
"Vielle. Sama ka samin. Maglibot tayo." Pag-aaya nito sa akin. Ngunit bakas ko sa kanyang boses ang kahilingan niyang sana'y hindi ako pumayag
Ngumiti ako sa kanya at sumagot.
"Hindi na. Babalik pa ako sa kwarto natin. May tatawagan pa kasi ako." Pagsisinungaling ko sa kanila.
Umalis na ako at tumungo sa kung saan. Napadpad ako sa isang kubo kaya umupo muna ako rito at pinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone kaya napamulat ako at tiningnan kung kanino galing ang mensahe.
Xia
Salamat.
Clinose ko ang cellphone ko nang mabasa ang mensahe. Pinikit ko ang aking mga mata.
Mahal ko pero hinahayaan kong makasama ang mahal niya. Ganun ba lagi ang pag-ibig? Mas pinipili mong maging masaya ang taong mahal mo kahit na ang ibig sabihin nito ay hindi ikaw ang kasama?
Mas gusto mong makasama niya ang taong mahal niya kaysa sa sarili mong nagmamahal sa kanya? Hindi ito makasarili. At siguro, nagmamahal na nga ako.
Kung nais ko sanang maging makasarili, sana ay pumayag akong sumama sa kanila. Sa pag-ibig ba, kailangang may nagpaparaya?
Napadilat ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Nakita ko si Kip na may nakasalpak na earphone sa tenga nito. Tumingin naman ito sa akin. Awkward.
"Umm, hi?" Awkward na bati nito sa akin.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit? Masama bang nandito ako?" Sagot nito sa akin.
Napairap naman ako. Ganito nalang ba lagi ang mga lalaki? Lahat ba sila ay nagagawa nilang pairapin ako ng 360°?
Pumikit nalang ako para maitago ko ang inis ko kay Kip. Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.
"Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo, ikaw pa ang nagustuhan niya."
Napadilat ako ng aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Tiningnan ko siya ngunit nakapikit ito. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Hindi naman ikaw yung tipong dyosa ng kagandahan."
Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. "Gusto mong mamatay?"
Bahagya siyang tumawa. "Tapos, ang sungit pa."
"Gusto mo talagang mamatay ano?" Inis na sambit ko rito. Kapal neto, di naman kami close tapos kung makapagsalita ng tungkol sa akin parang wala ako dito.
"Mukhang mamatay tao pa. Tsk tsk." Dahil sa huling sinabi niya ay inamba kong suntukin ang mukha ng feeling close na lalaking to.
Agad niyang nahawakan ang kamay ko kaya hindi ito natuloy.
"Chill. Ginagawa ko lang naman ang utos ng nakatataas sa akin." Sambit nito at saka binitawan ang aking mga kamay.
Tumayo ako at umalis dun. Ayokong makita ang pagmumukha ng Kip na yun. ANG KAPAL! Bahala na kung saan ako mapadpad.
Nasa garden ata ako ng school na to. Naramdaman ko naman ang presensya ng isang tao sa likod ko. Lumingon ako upang alamin kung sino ito.
"KIP?!" Medyo pasigaw na tanong ko. Napatingin naman ito sa akin.
"Sinusundan mo ba ako ha?!" Tanong ko ulit sa kanya.
"Sumusunod lamang ako sa utos, Your Highness." Sagot nito at nagkunwari pang nagbow.
"Utos? Utos na sundan ako?" Tanong ko habang nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman ko namang sumunod si Kip sa akin.
"Utos na alagaan, subaybayan at bantayan ka."
Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Napatigil din siya.
"Sino bang nag-utos sayo ha?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lamang ito.
"Secret daw po e." Sagot nito. At sa ikalawang pagkakataon, napairap na naman ako sa kanya ng 360°.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Natanaw ko ang isang bench na nasa ilalim ng mga puno. Sa bench na ito, may nakaupong dalawang taong kilalang-kilala ko. At as usual, magkahawak ang kanilang kamay. Dahil sa kasama ko si Kip, ay hindi ko hinayaang makita niya ito.
Lumiko ako at dumaan sa ibang direksyon.
"Akala ko ba sa garden ang diretso mo?" Tanong ni Kip sa akin.
"Pake mo ba? Close ba tayo para makialam ka?" Masungit na sambit ko sa kanya.
"Soon. Isa ako sa mga taong importante na dadalo sa iyong kasal sa hinaharap."
"Whatever." Sambit ko at tinahak ang daan patungo sa kawalan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.
Hindi ko na napansin si Kip na sinusundan ako dahil sa malalim na pag-iisip kung sino ang tinutukoy ni Kip. Gusto kong isipin na si Shan ang tinutukoy niya. Maaari ba? Posible kaya?
Naalala ko ang sinabi ni Kip sa akin kanina nang nasa loob kami ng van at tanging siya nalang ang naroon at kung bakit hindi niya ako ginising.
"Utos ng presidente e."