9

5 2 0
                                    

Naaksidente si Bise Presidente.

Naaksidente si Bise Presidente.

Naaksidente si Bise Presidente.

Naaksidente si Bise Presidente.

Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan sa buong praktis. Napansin pa ng isang kasamahan namin ang pagkawalang focus ko sa praktis.

Tinanong nila kung may problema ngunit sinabi kong okay lang ako kahit ang totoo niyan ay kanina pa ako binabagabag dahil sa aking nasagap na balita.

Parang kanina lang ay hinatid niya pa ako pauwi tapos ngayon ay mababalitaan ko nalang na naaksidente siya.

Makalipas ang mahabang oras ng pag-iisip sa nabalitaang aksidente ay napagdesisyunan kong bisitahin siya kung nasaan man siya ngayon. Ngunit ang isang problema ay di ko alam kung nasaan siya, kung saang hospital ba siya nag-iistay.

Kaya nung natapos ang praktis namin ay agad akong nagtungo sa Senior High School department upang hanapin ang mga kaibigan ni Kai.

Hindi naman ako nahirapan sapagkat nakita ko agad si Gab na masasabi kong pinakamatalik na kaibigan ni Kai.

Hindi namin ako ganun kaclose dahil nga sa Senior High na sila at nasa Junior High palang ako. Pero kinapalan ko na ang mukha ko dahil determinado na akong bisitahin si Kai.

Lumapit ako dito. Nang makita niya ako ay bahagya siyang tumigil na para bang alam niyang siya ang sadya ko rito. Ngumiti naman siya nang nasa harapan na niya ako.

"Umm. Kuya. Uhm. Pwedeng magtanong?" Saad ko nang magkaharap na kami.

Nakita ko namang napatingin din ang mga ibang Senior High students sa amin. Or more like sa akin.

Bihira lang kasi makisalamuha ang mga Juniors sa mga Seniors kaya ganun nalang ang reaksyon ng halos lahat ng estudyante na nandito ngayon na nakakakita sa amin.

Di ko nalang sila pinansin at itinuon ko ang atensyon ko sa kung anong pakay ko sa pagpunta rito.

"St. Clair Hospital." Sabi nito sa akin. Nagtaka naman ako at mukhang nalaman niya naman iyon.

"St. Clair Hospital ang sagot ko sa magiging tanong mo." Sabi ulit nito at saka ako nilagpasan.

Iniwan niya akong nagtataka sa sitwasyon. Nang makalayo na ito ay saka ko naman siya nilingon.

Paano niya nalaman ang itatanong ko kung di pa man din ako nagtatanong? Paano niya nalaman ang sadya ko rito? Masyado bang halata? Masyado bang halata ang aking itatanong? O mind reader lang talaga siya?

Nawala na siya sa paningin ko kaya kahit labis akong naguguluhan ay umalis na ako sa departamento ng Senior High.

Tumungo ako sa St. Clair Hospital dahil base sa sinabi ni Gab sa akin ay narito si Kai. Pumunta ako sa information area kung saan may mga nurses na nakaassign rito.

Nagtanong ako sa nurse na mukhang mabait. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako kaya sa kanya na ako nagtanong.

"Saang room po si Kai Arevalo?" Tanong ko sa kanya.

Nginitian niya naman muna ako at saka kinuha ang book of records ng hospital. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na ito sa paghahanap at tumingin sa akin.

"Room 142." Sabi nito. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya.

Umalis na ako at hinanap ang room 142. Hindi naman ganun kahirap dahil organized naman ang hospital na ito. Agad kong nahanap ang 142. At ngayon ay nasa harap na ako nito.

Bago ako pumasok ay sinulyapan ko muna ang loob nito. May maliit kasing glass window sa pintuan nito kaya makikita mo ang tao sa loob. Nang makita kong walang nakabantay sa kanya ay tuluyan na akong pumasok.

Nakita kong natutulog siya sa kama kaya minabuti kong huwag gumawa ng ingay. Nilapag ko ang ilang mga prutas sa tabing mesa nito na binili ko bago tumuloy at pumunta sa hospital.

Umupo ako sa tabing upuan at pinagmasdan ang kalagayan niya. Di ko alam kung bakit kailangan ko siyang bisitahin ngayon. Pero may feeling talaga ako na dapat. Siguro ay dahil nagmagandang-loob siya upang ihatid ako kanina.

May galos siya sa kanang kamay at nakacast ang kaliwang kamay. May mga pasa at sugat din siya sa kanyang binti. Konting galos lang naman ang nakuha niya sa kanyang mukha. Ang malalang parte lang ay ang kanyang kaliwang kamay.

Sa tingin ko ay nabalian siya dahil sa sitwasyon niya ngayon. Pagkatapos kong tignan ang kalagayan niya ay napagdesisyunan kong umalis na sapagkat natutulog naman siya.

Tumayo na ako at humakbang ngunit may humawak sa braso ko kaya napatingin ako. Nakita ko si Kai na gising na at hawak-hawak ang aking braso.

"Bakit ka nandito?" Tanong nito sa akin at sinubukang umupo sa kama.

Agad ko naman siyang inalalayan dahil nahihirapan siyang gawin itong mag-isa. Nang nasa maayos na posisyon na ito ay saka ako nagsalita.

"Nabalitaan ko kasing naaksidente ka kaya naisipan kong bisitahin ka. Kasi kanina hinatid mo ko, kaya bilang pasasalamat nalang." Sagot ko sa kanya habang nakatayo parin.

"You don't have to." Mahinang sambit nito pero tama lang upang marinig ko.

Tumahimik ang paligid dahil wala namang nagsasalita sa amin. Ang awkward tuloy. Nanatili parin akong nakatayo kaya medyo nangangawit na ako.

Tumikhim ako bago nagsalita.

"Umm..alis na ako, Kai." Pagpapaalam ko sa kanya dahil di ko na talaga kaya ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

Hindi siya umimik at nakatingin lamang sa may bintana. Humakbang na ako paalis ngunit hinawakan niya ulit ang braso ko upang pigilan ako.

"Stay." Sambit nito sa akin habang nakatingin parin sa bintana.

"Ha?" Takang tanong ko naman sa kanya.

Ngayon ay tumingin na siya sa akin at binitiwan ang braso kong kanina niya pa hawak.

"Dito ka muna hangga't wala pa ang ate ko." Sabi nito at humiga sa kama at ipinikit ang mata.

Tumango nalang ako kahit na di niya ito makita. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama nito at nagmasid sa paligid. Hihintayin ko nalang muna ang tagabantay niya. Masyado naman atang rude kapag iniwan ko siya ditong walang bantay.

Pero dahil na rin siguro sa pagod sa practice at mga pag-iisip ko ay nakaramdam ako ng antok. Tumingin ako sa pintuan baka sakaling meron na ang bantay niya ngunit wala.

Sinilayan ko siya at ganun parin ang pwesto niya. Nakahiga at nakapikit ang mga mata. Di ko alam kung tulog na siya o ano.

Di ko na malabanan ang antok na nararamdaman ko kaya minabuti ko munang iyuko ang ulo ko ng ilang minuto at sinubukang matulog. Magigising naman ako at siguro ay gigisingin ako ng bantay niya kapag meron na siya.

Pagkayuko ko ay agad akong nakatulog. Sa kalagitnaan nito ay naramdaman ko ang mga kamay sa aking ulo na para bang inaayos niya ito.

Ang huli kong ala-ala ay nakapatong na ang ulo ko sa isang malambot na bagay.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon