3

15 2 0
                                    

Papasok na ako sa gate ng school namin. Chineck ng guard ang aking ID at tuluyan na akong pinapasok sa loob.

Napansin kong may nagkukumpulang mga estudyante sa harap ng bulletin board. Nais ko sanang makihalubilo ngunit masyado silang madami kaya naisipan ko nalang na dumiretso sa room namin.

Lumiko ako at naglakad sa ibang daan upang di ko madaanan ang mga nagkukumpulang estudyante. Nasa hallway na ako ng makasalubong ko ang teacher namin sa English at ang school paper adviser.

Binati ko sila at nginitian nila ako pabalik.

Lalagpasan ko na sana sila ngunit bigla akong tinawag ng English teacher namin.

"Vielle, diba't may kahusayan ka sa pagsusulat? Subukan mo kayang sumali para sa nalalapit na contest ngayong susunod na buwan."

Sasang-ayon na sana ako ngunit sumagi sa isip ko na wala akong magulang upang suportahan ako sa pinansiyal na aspekto.

"Pag-iisipan ko po Ma'am." Sagot ko sa aming guro.

"Nako. Sayang ka namang bata ka kung di ka sasali. Sige, approach me if you've made up your mind." Sambit ng aking guro.

Ngumiti lang ako bilang tugon at nagpaalam sa guro.

Pumasok na ako sa room namin at umupo sa aking upuan. Pagkaraan lang ng ilang minuto ay ang pagdating naman ni Kira.

"Uy Ga. Nabasa mo na ba yung nakapaskil sa bulletin board? Sumali ka kaya dun!" Sabi ni Kira habang ibinababa niya ang kaniyang bag sa katabing upuan.

"Pag-iisipan ko pa. Alam mo namang walang tutustos sa gastusin ko kapag sumali ako dun diba?" Sagot ko sa kanya.

Siya lang ang nakakaalam sa hiwalayan ng parents ko. Ang alam ng iba ay nag-abroad lang si Mama upang magtrabaho at si Papa naman ay nasa bahay dahil may sakit siya at hindi makalabas.

"Meron naman si Papa mo e. Bakit di mo sabihin sa kanya? Paniguradong susuportahan ka nun."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Meron pa nga si Papa. Pero wala kaming komunikasyon. Di ko nga alam kung nasaan siya ngayon e." Sagot ko habang pinipigilang umiyak dahil sa mga ala-alang iyon.

"Tsaka nagpapadala lang siya ng pera na sakto sa gastusin ko sa isang buwan. At isang sulat galing sa kanya."

Bago pa man siya nakasagot ay dumating na ang teacher namin. Umayos na kami ng upo at binati ang gurong nasa harapan namin.

Nag-umpisa na ang klase. Nabanggit din ng guro namin ang tungkol sa nakapaskil sa bulletin board. Binigyan niya din ako ng pansin at sinabing sumali ako. Ngumiti lang ako bilang tugon sa guro.

Alam ng lahat ang kahusayan ko sa pagsusulat. At lahat sila ay ineencourage akong sumali. At ang tanging sagot ko lamang ay

"Pag-iisipan ko."

Gusto ko sanang sumali ngunit hindi ganun kadali. Wala tutustos sa aking pangangailangan at paggagastusan.

Kaya naisip ko na huwag nalang sumali. Mas mabuti na yun kesa naman magpanggap ako na kaya kong pumunta, kahit na ang mapait na katotohanan ay di ako makakapunta.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa faculty room upang hanapin ang school paper adviser. Buti nalang at nadatnan ko siyang nag-aayos ng gamit at mukhang papaalis na.

Binati ko siya at ngumiti naman siya pabalik.

"O Vielle. Ano, nakapag-isip isip ka na ba?" Tanong nito sa akin at sinenyasan akong umupo sa upuan na nasa harap ng kanyang mesa.

"Opo ma'am." Sagot ko habang di makatingin sa kanya.

Ibinaling ko nalang ang mata ko sa flower vase na nakapatong sa katabing mesa nito.

"So anong desisyon mo? Sasali ka ba?"

Napalunok muna ako bago sumagot.

"Hindi na ako sasali Ma'am. Gusto ko po munang magfocus sa academics ko." Sagot ko sa guro tsaka yumuko.

"Ganun ba.." sambit ng aking guro. Napaangat ako ng ulo at nakita ang pagkadismaya sa kanyang mga mata.

"Sige, makakaalis ka na. At may pupuntahan pa ako. Kung yun ang desisyon mo, okay." Sabi nito sa akin.

Di ko na siya tinignan at umalis nalang sa faculty room. Di ko na napigilang lumuha pero di na ako lumingon pa.

Nasa hallway na ako ng biglang may nakabangga ako. Napaupo ako dahil wala ako sa aking matinong pag-iisip. Lutang na lutang ako.

Pagabi na nun kaya madilim na sa hallway kaya di ko siya nasilayan. Pero naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa aking kamay at tinulungan akong lumayo.

Di siya umiimik. Sinubukan kong tignan at alamin kung sino siya ngunit sadyang malabo dala na rin siguro ng aking pag-iyak.

Naramdaman ko ulit ang kanyang kamay na binuksan ang palad ko. Naramdaman ko ang paglahad niya ng isang malambot na bagay sa aking palad.

Umalis na siya papalayo at nanatili ako sa aking kinaroroonan. Nang nasa dulo na siya ng hallway ay bigla niyang binuksan ang ilaw na siyang nagbigay liwanag sa hallway.

Napatingin ako sa bumbilya na nasa taas at ibinalik kung nasaan siya. Pero wala na akong masilayan ni anino niya.

Dinama ko ang malambot na bagay sa aking mga palad. At dun ko nakita ang isang puting panyo.

Mas lalo akong naiyak sa hindi malamang dahilan. Napaupo ako sa gitna ng hallway habang humahagulgol.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak ng biglang may yumakap sa akin at ako'y itinayo.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata upang masilayan siya at dun ko nakita si Kai.

Kai Serill Arevalo. Ang vice president ng Supreme Student Government. Kumpara kay Shan ay mas mabait ito ng konti. Konti lang kasi mas lamang lang siguro siya ng isang paligo.

Napatingin ako sa kanyang mata at ramdam dito ang kanyang pagkaseryoso. Isa siyang seryosong tao. Ni minsan ay di ko pa siya nakitang tumawa. Madalas siyang mag-isa kahit na may mga kaibigan naman siya.

"Bakit nandito ka pa?" Bumalik ako sa aking sarili nang tinanong niya ako. Di ako agad nakasagot dahil na rin sa hirap akong hanapin ang aking boses.

"Bakit nandito ka pa sa ganitong oras?" Tanong niya muli sa akin. Napaayos ako ng tayo at sumagot.

"Kinausap ko lang ang English teacher ko. Pauwi na din ako." Tugon ko sa kanya at tinahak ang hallway papalayo sa kanya. Di ko na makaya ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Masyado siyang seryoso.

Napansin kong medyo madilim na kaya mahihirapan na naman akong makauwi neto. Malapit na ako sa gate ng makarinig ako ng huni ng isang motorsiklo.

Pagkalabas ko ng gate ay siyang paglabas din ni Shan na nakasakay sa kanyang motor. Minsan talaga dala niya ito ngunit madalas ay nagcocommute siya.

Humiling ako sa hangin na sana ay makita niya ako at maisipang isabay pauwi. Malapit lang naman ang bahay namin sa kanila. Siguro naman okay lang yun.

Alam kong di kami ganun kaclose. Nag-uusap lang naman kami kapag kailangan. Masasabi kong hindi kami magkaibigan.

Pero kahit ganon ay umaasa parin akong masapian siya ng kabaitan at maisipang iangkas ako.

Napabuntong hininga nalang ako at tuluyan ng nawalan ng pag-asa ng bigla siyang dumaan sa harap ko. Tinignan niya lamang ako sandali at nilampasan. Di niya man lang akong niyaya na ihatid man lang o ano.

Ano pa nga bang aasahan ko? Sinipa ko nalang ang nakita kong plastic can ng coke sa harap ko sa sobrang pagkadismaya.

Habang tinotorture ko ang bote ng coke ay bigla akong nakaramdam ng pag-asa ng isang tricycle ang nakita kong papadaan dito sa school. Agad ko itong pinara.

"Manong, sa Sta. Binago po." Sabi ko at nginitian lamang ako ng driver sabay ng kanyang pagpapaandar ng kanyang tricyle.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon