23

4 0 0
                                    

After that incident, I decided to act normal. Napag-isip isip ko din na this feeling will fade away soon. Siguro parte lang to ng pagdadalaga, liking someone and having a crush. And napagtripan lang siguro ng puso (or ng isip ko) na si Shan ang magustuhan nito. Like "Oh heto si Shan, gustuhin mo para magkaexperience ka naman."

And Shan called me that night asking me if I'm okay and ofcourse I said yes. At kinaumagahan niya, nagulat ako dahil nasa harap siya ng bahay naghihintay. Grabeng level up naman to. Dati isinasabay niya lang ako pauwi, tapos ngayon sinusundo niya na ako papuntang school. Wow, how's that?

So heto kami ngayon sa school kung saan gaganapin yung contest namin. And yes, sasabak na kami after this day. Too bad, sabay ang event namin.

"Magpahinga na kayo para mapaghandaan niyo ang contest niyo bukas." Bilin sa amin ng coach namin.

"Opo ma'am." Sagot naming pareho. At umalis na si coach. May orientation pa kasi siyang pupuntahan at kailangan ang lahat ng mga coach doon. So heto ako, with Shan sa isang room.

Hihiga na sana ako para magpahinga pero pinigilan niya ako.

"Labas tayo?" Alok niya sa akin.

"Hindi mo ba narinig si ma'am? Sabi niya magpahinga na daw tayo." Ofcourse I would love to go out with you.

"We have two hours before the meeting ends. Pwede tayong lumabas at makauwi nang hindi nila nalalaman?"

"Edi lumabas ka mag-isa." At humiga na ako at pinikit ang aking mata.

"Pero gusto kong lumabas kasama ka."

Bakit ba ang galing ng lalaking to na gawin akong speechless? Parang everytime na may sasabihin siya, laging bumibilis yung heartbeat ako. Siguro kung lagi siyang ganito, mamamatay na ako dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Pero since ayaw mo akong samahan, okay. Lalabas nalang akong mag-isa. Sayang naman, ang ganda pa man din maglakad lakad dito kapag gabi."

Narinig ko ang paghablot niya sa kanyang bag at ang kanyang mga yapak patungo sa labas.

Makalipas ang ilang minuto, tumahimik ang paligid. Nagiging creepy na ang room na ito knowing na I am here alone. Kahit sino naman siguro matatakot kapag nandito sa kalagayan ko.

Lumilipad-lipad pa ang mga kurtina dahil sa ihip ng hangin. At ang room na kinalalagyan namin ay walang katabing mga room o kahit ano. Tanging ang Chemistry lab lang ang pinakamalapit dito at walang nag-iistay dun. Kung bakit ba naman kasi dito kami na-iassign.

I grabbed my jacket and my bag at umalis sa room na iyon. Malamang sa malamang kapag nagtagal pa ako doon, baka mamatay na ako sa takot. At sa puntong ito, sana sumama nalang ako kay Shan.

Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa kabihasnan. Buti nalang at nakayanan kong maglakad mag-isa mula sa room namin hanggang sa gym. Hindi naman masyadong nakakatakot sa daan sapagkat may mga ilaw rin pero iba pa rin kasi kapag mag-isa ka.

At kung gaano katahimik sa room namin, ganoon naman kaingay dito sa paligid ko ngayon. Ang daming stalls, ang daming nagtitinda, at ang daming mga tao.

Lahat sila nag-iingay kasabay ng mga kantang pinapatugtog ng sound system ng school. Siguro sa mga mata ng ibang tao, napakalonely kong tao. Lahat kasi ng mga nakakasalubong ko, may mga kasama.

Samantalang ako, heto nagpabebe kaya nawalan ng bebe. I mean ng kasama. Minsan talaga totoo yung "Grab the opportunity." Kasi ang bilis din mawala. Hindi ba talaga marunong magpumilit si Shan?

Nasaan na nga ba yun? Ofcourse hindi yun lalandi dito no, sa pagkakaalam ko sobrang loyal yun. Hindi ko alam kung bakit nilalandi niya ako. Or hindi naman talaga, at assuming lang talaga ako. Hay basta! Should I look for him? Or hayaan nalang na magtagpo kami?

Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ng jacket ko. Halla, baka nakabalik na si Shan at nakita niyang wala ako dun?

But I was wrong. It was from Kip. Ano na naman kayang trip neto?

But to be honest, namimiss ko rin ang presensya niya. Kasi sigurado ako na kapag nakapasok sana siya sa top 5, panigurado hindi ako tatantanan nun. Pero hindi na baleng makulit siya, atleast hindi sana ako nag-iisa tulad ng kalagayan ko ngayon.

From Kip:

Hey, what's up?

Wow, close kami agad? May pa what's up what's up pa ang gago?

To Kip:

K lang.

O diba lakas maka "hindi-ako-interesado-sayo" reply. Hindi naman kasi siya si Shan so bakit ko papahabain ang usapan.

Siguro kung si Shan to, I would reply:

"Hey Shan. Ikinagagalak kong ako ay padalhan mo ng mensahe at kumustahin ako. Ang sagot ko sa iyong katanungan ay hindi ko matukoy. Sapagkat halo-halo ang aking emosyon sa panahong ito. Pero natitiyak kong ako ay nasa mabuting kalagayan. Salamat sa pagtatanong sa aking kalagayan, at kung ipagpapahintulot mo, maaari ko rin bang tanungin kung kumusta ka sa mga oras na ito? Ako'y maghihintay sa iyong sagot."

O diba, mukhang makakagawa na ako ng isang article sa aking reply. Ganyan naman talaga kapag gusto mong kausap ang isang tao, gagawin mo ang lahat huwag lang maputol yung usapan. Yung tipong kahit alam mong wala ng patutunguhan yung usapan, ililiko mo parin para lang makausap mo pa ng mas matagalan.

From Kip:

Can I call?

Feeling close din to eh. Mga ilang araw lang naman kami nagsama at nag-usap.

To Kip:

Hell no.

Mas gusto ko pang hanapin nalang si Shan. But then my phone goes shalala-lala, it rang. I said no, pero tumawag parin siya. What's the sense of asking me kung pwede ba siyang tumawag? I declined.

Then he called again. I declined.
He called. I declined.
He called and I answered kasi ang kulit eh!

"Yow babe." Bati sa kabilang linya.

"Shut up. What do you want?"

"I want you."

I literally rolled my eyes. I was about to hang up pero pinigilan niya ako.

"Don't hang up okay? I'm just joking. Gusto lang naman kitang kumustahin."

"Diba I already replied that I'm okay lang?"

"Pero okay lang can mean many things right. Could you please elaborate?"

Why the hell do I need to elaborate? We're not even that close diba? Kahit nga tatay ko hindi ako kinukumusta ngayon e.

"Wala kang pake."

"Ofcourse wala akong pake. Pero 'tong kasama ko ay mamamatay na kakaisip kung kumusta ka na. He just wanna make sure na you're doing fine there."

"Bro just hang up." Sabi ng isa pang lalaki sa kabilang linya.

"Okay okay." And then the call ended.

So what was that?

What. Was. That?

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon