It's our last day, and ang contest day ni Shan.
"Goodluck Shan.."
"Goodluck Associate Editor-in-chief!"
Kanya-kanya silang goodluck kay Shan. And ako, eto nakahiga parin. Wala akong balak bumangon. Hahaha.
Tungkol sa napag-usapan namin ni Kip, well hanggang dun lang talaga kasi pinatawag na kami ni ma'am nun. Kaya di ko nalaman kung sino.
Bigla namang may humila sa kumot ko at bumungad sa akin ang mukha ni Xia. Medyo napairap na naman ako. Medyo lang naman.
"Wanna hang-out?" Aya niya with that matching sobrang ngiti sa mukha.
"No.. I'm hanging out with Kip." Excuse ko kahit wala naman kaming usapan ni Kip.
"Pero contest niya ngayon?"
"After his contest.." sagot ko at nagtalukbong ulit ng kumot.
Gosh. Ang kulit niya ha kasi tinatapik niya na naman ako sa braso. Ibinaba ko ang kumot with matching irritated face. "What?" Tanong ko.
"Edi tayo muna, tapos kapag natapos na si Kip, edi kayo naman."
"Ayoko parin.. tinatamad ako."
"Please? Sige na Vielle..."
Wala na akong nagawa so.. "Okay."
"Yeyyy! Dali bumangon ka na at maligo! I'm ready na kanina pa." Masiglang sambit niya.
Kita ko ngang bihis na bihis na siya.
"Oo.. oo.." sagot ko at bumangon na at dumiretso sa CR.
Talagang nagtagal ako sa banyo, bahala siya maghintay. Hahaha.
Natapos ako after 1 hour and 30 mins.
"Ang tagal mo naman!" Reklamo niya.
"Sorry?"
"Hayy hayaan mo na nga. Let's go!" At hinila niya na ako palabas.
Ang dami niyang gustong puntahan. Kain dito kain diyan. Mamaya uupo tapos after ilang minutes, gusto na naman maglakad. Paano kaya natitiis ni Shan ang babaeng to? Ganun niya na to kamahal? Aish.
"Try mo to Vielle!! Masarap siya.." alok sa akin ni Xia sa kwek-kwek.
Duh. Kumakain din ako niyan ano. Hays.
"No, busog pa ako.."
"Anobayan. Pareho kayo ni Shan ayaw itry to.. arte niyo naman."
"Kumakain din ako niyan.. busog lang talaga ako."
"Eeeeeh okay! Sabi mo eh.." sabi niya at kumain na ng kwek-kwek.
"Manong, ang sarap po ng tinda niyooo." Nangingiting sambit niya sa tindero.
"Nako.. salamat." Sagot naman ni manong.
Hay nako manong. Naniwala ka naman.
"Tara Vielle?" Hindi ko napansin at tapos na pala siyang lumalamon.
Kanina pa to eh. Ganto na ba siya? Eh bakit hindi tumataba? Bakit....ang sexy niya parin? Okay I admit, sexy nga siya. Pero duh, hindi rin naman ako mataba, hindi rin payat. Pero di naman ako ganyan kasexy.
"Huy Vielle!"
"Ahh... ano yun?"
"Tara na sabi ko! Baka tapos na contest ni Shan at Kip."
"Ah okay.. tara."
Nagtungo nga kami sa contest room at nakita namin ang ibang delegates na palabas na. Mukhang natapos na nga. Sakto namang lumabas si Kip nang makarating kami dun.