8

22 2 0
                                    

Natapos na ang aming practice at pinauwi na kami ni Ma'am Lucy para sa lunch break namin. Naglakad na ako at dumaan sa hallway at napansin kong wala na ang ilang mga estudyante dito. Malamang ay nahuli na naman sa pagkakadismiss sa amin si Ma'am Lucy.

Habang naglalakad ako ay naramdaman ko naman ang presensya ng isang tao sa aking likod. Huminto ako upang alamin kung sino ito at nakita ko ang Presidente na abala na nakatingin sa kanyang cellphone na halatang may katext.

Ibinalik ko nalang ang tuon ko sa dinadaanan ko. Natanaw ko naman na ang gate kaya mas binilisan ko ang paglakad upang makauwi na agad.

Nang makalabas ako ng gate ay wala pa akong nasisilayang tricycle kaya naisipan ko naman munang tumuloy sa isang waiting shed sa harap ng school upang dun na ituloy ang paghintay.

Nakita ko naman si Shan na palabas na ng gate. Mukhang pauwi na din siya pero nakita niyang wala pang sasakyan kaya tumungo siya sa waiting shed kung saan ang kinaroroonan ko. Umupo ito sa isang upuan na hindi kalayuan sa akin habang patuloy parin ang pagtingin nito sa kanyang cellphone.

Makaraan ang ilang sandali ay napatingin ako sa harapan ng waiting shed dahil sa pagtigil ng isang motor. Nakita ko namang si Kai ang nakasakay dito.

"Halina kayo. Mahirap ng makakuha ng sasakyan sa mga oras na ito." Sambit nito habang walang pagbabago sa boses at ekspresyon nito. Di ko tuloy alam kung paano ako kikilos. Kung tatanggapin ko ba ang alok nito o ano.

Napatingin naman ako kay Shan na hanggang ngayon ay nasa phone parin ang atensyon. Nakauwi na si Xia dahil sinundo siya ng papa niya at ang mga ilang kasamahan namin ay may kanya-kanyang sasakyan.

Kung bakit kasi wala na akong kalugar sa kanila kundi si Shan. Kami nalang ang naiwan sa school. Mukha namang wala siyang balak tumayo at tanggapin ang alok ni Kai. Kung tatanggapin ko naman ay maiiwan siya.

Bigla nalang may humawak sa kamay ko at hinila ako patungo sa motor. Di ko pa man ito nakikita ay alam kong si Kai ito.

"Sakay na." Sabi nito, more like, utos nito sa akin.

"Pero," Pagtanggi ko dito at tumingin kay Shan na maiiwan kapag sumakay ako. Nakita ko naman ang pagsenyas ni Shan ng isang "GO" signal na nagpapahiwatig na okay lang at tumuloy na kami.

"Tss." Rinig kong mahinang sambit ni Kai. Tumingin ito sa akin at sinenyas na sumakay na ako.

Hindi parin ako gumalaw kaya laking gulat ko nalang ng buhatin ako ni Kai at isinakay sa motor. Muntik na akong mapasigaw dahil sa ginawa niyang pagbuhat ngunit napigilan ko ito.

Sumakay na din si Kai at sinimulan niya na ang pagdadrive. Bago pa man kami makalayo at sinulyapan ko si Shan sa waiting shed. Di ko alam kung tama ba ang nakita ko pero nakita ko siyang sumakay sa isang motor na kanina ko pa nakikita sa tabi ng waiting shed.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa likod ni Kai habang ito ay nagdadrive. Magkalugar din kami pero mas maunang madadaanan ang bahay nila bago ang sa amin. Mga ilang metro pa ang layo ng bahay namin mula sa kanila.

Pinagmasdan ko nalang ang paligid at nakita kong papasok na kami sa aming barangay. Nakita ko ang nakalagay ng Brgy. Binago na gawa pa sa metal na nakadikit sa isang matayog na poste. Makalipas ang ilang sandali ay nakita ko ang bahay nila Kai ngunit nilagpasan niya ito at pinagpatuloy ang pagdadrive hanggang sa makarating ito sa aming bahay.

Napaisip tuloy ako kung bakit nandun parin siya sa school nang ganung oras kung lahat na ng estudyante ay nadismiss na. Naisip ko nalang na baka may ginawa lang siyang tungkulin niya bilang SSG. Isa pa ay siya ang Bise Presidente.

Bumaba na ako mula sa pagkakasakay at hinarap siya. Bago pa man ako makapagsalita at magpasalamat ay nakita ko nalang ang motor niya na papalayo. Kahit kailan ang wala paring nagbabago sa kanya. Same old Kai, same cold Kai. Napailing nalang ako sa inasta nito at pumasok na sa gate.

Pero bago ako makapasok ay nakita ko ang isang sobre na nakalakip sa mailbox sa harap ng pintuan. Kinuha ko ito at pinagpatuloy ang pagpasok sa bahay. Dumiretso ako sa kusina upang kumain.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang mga nakita kong pinagkainan ko kaninang umaga. Habang naghuhugas ay napaisip ako kung anong laman ng sobre na nakita ko.

Maaaring padala yun ng papa ko sa akin. Ganun kasi lagi ang estilo ng pagbibigay niya ng pera sa akin. Ngunit kung siya nga, bakit napaaga ngayon? Di pa naman natatapos ang buwan.

Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan ko ay kinuha ko ang sobre na nakapatong sa mesa sa sala. Binuksan ko dito at nakalakip dito ang pera at isang sulat. Bago ko kinuha ang lamang pera nito ay binasa ko muna ang sulat. Sulat ito galing kay Papa.

Vielle,

Siguro nagtataka ka kung bakit ako nagpadala ng pera mo ngayon. Hindi ito ang monthly allowance mo kundi ang perang gagamitin mo sa iyong nalalapit na contest.

Pag-igihan mo ang pag-aaral mo. I miss you anak. I love you.

Papa

So totoo ngang nakaabot kay Papa ang tungkol sa contest na tinanggihan ko. Nagpasalamat naman ako sa hangin. Wala kasing binibigay na address si Papa kaya di ko siya mapadalhan ng liham upang magpasalamat. Gayunpaman ay sobrang swerte ko kasi di niya ako nakakalimutan.

Sana umuwi na siya. Bulong ko sa hangin habang patungo ako sa aking kwarto upang magbihis at pumasok na eskwelahan.

Dumiretso ako sa room 11 at nakitang wala pang tao dito. Mukhang napaaga ako. Kung nandito lang si Kira, malamang magugulat yun sa aga ko.

Dahil wala akong magawa ay kinuha ko muna ang phone ko at nakitang may mensahe akong natanggap. Nagtext pala si Kira sa akin kaninang uwian.

"Hoy. Narinig mo na ba yung balita?" Yan ang laman ng text niya sa akin.

Nagreply ako kahit malabong magreply na siya. Nagbabakasakali akong mabasa niya at makareply agad. Tutal wala pa namang time.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya sa text. Makalipas lang ang ilang segundo ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Bilis naman neto. Mukhang nakatutok nga sa cellphone.

Binasa ko ang reply niya.

"Naaksidente si Bise Presidente. Gaga ka talaga. Akala ko ba always updated ka?"

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon