5

18 2 1
                                    

Isang oras na ang nakalilipas at heto parin ako at abala parin ako sa paglilinis.

Napaupo nalang ako sa sahig nang nakaramdam ako ng hilo. Di pa kasi ako kumakain simula kaninang umaga.

"Bilisan mo diyan." Utos ng Bise Presidente sa akin.

Agad akong tumayo dahil ayaw kong mapagalitan sa Bise Presidente na kasalukuyang nakaupo sa bleachers habang may binabasang libro.

Nacurious tuloy ako kung anong klaseng mga libro kaya ang kanyang binabasa.

"Wala kang matatapos kung tititigan mo lang ako." Sambit nito sa akin na nakatuon parin ang pansin sa kanyang librong binabasa.

Napasimangot nalang ako sa kanyang kasungitan at pinagpatuloy ang aking paglilinis. Muntik na akong matumba nang makaramdam ako bigla ng pagkahilo.

Pero isang kamay ang sumalo sakin at pinigil ang pagkakahulog ko. Napatingin ako kung kaninong kamay ang nakahawak sa aking baywang.

"Pwede ka ng umuwi. Tapos na ang parusa mo." Sambit nito sa akin habang inaalalayan niya ako na makatayo.

"Masyado mo namang pinapahirapan si Vielle." Sabi nito sa Bise Presidente na nakaupo parin sa bleachers.

Si SSG President ang tumulong sa akin para di matuloy ang pagkakahulog ko. Di ko nga yun inaasahan pero nangyari e. Di ko nga alam kung paano siya napadpad kung saan kami naroroon. Bigla nalang siyang sumulpot.

Di naman umimik si Kai at seryosong mukha lamang ang inisukli at saka umalis. Di ko tuloy alam kung paano ko pakitutunguhan si Shan gayong di naman kami magkaibigan.

Dapat ko ba siyang pasalamatan? Dapat ba?

At sa huli, nagpasalamat nalang ako sa kanya at saka umalis sa gym. Dumiretso ako sa locker para kumuha ng damit at magpalit. Amoy pawis nako dahil sa parusang ibinigay sa akin.

Pagkakuha ko ng extrang damit ko ay umalis na ako patungo sa CR. Agad akong nagpalit at isinupot ang amoy pawis kong damit.

Pauwi na ako at nadaanan ko ang locker ko na nakabukas. Mukhang di ko naisara kaninang paalis ako. Lumapit ako para isara ito ngunit may napansin akong paper bag sa loob. Wala naman ito kaninang unang buksan ko ito.

Kinuha ko ito at may nakapangalan na para sa akin ngunit walang nilagay kung kanino galing. Kinuha ko nalang ito at isinama pauwi.

Nang makarating ako sa bahay ay agad kong nilapag ang paper bag sa mesa. Dahil sa wala akong magawa ay binuksan ko ito.

May mga laman itong pagkain. Nandito rin ang paborito kong fries at burger. Pero isang maliit na papel ang nakaagaw ng pansin ko. Kinuha ko ito at binuksan.

Walang nakalagay kundi isang "SORRY". Labis akong nagtaka dahil wala naman akong maalala na may nagkaatraso sa akin. Tanging ang mga SSG Officers lang ang nagpapahirap sa akin pero malabo e.

Tinamad na akong mag-isip kaya kinain ko nalang ang laman ng paper bag. Bukod sa fries at burger ay may laman din itong Chuckie, Piattos at ilang chocolates.

Labis akong nagpapasalamat sa kung sino mang nagbigay nito. Tinatamad na din kasi akong maghanda ng aking makakain.

Dahil sa labis na pagkapagod ay agad akong dumiretso sa kama ko at agad agad na nakatulog.

Kinabukasan ay laking pasasalamat ko dahil nagising ako sa tamang oras.

Nagluto ako ng makakain ko at pumasok sa banyo para maligo. Sakto na kapag pagkatapos kong magbihis ay maluluto na din ang pagkain ko.

Sinuot ko na ang uniform ko at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng cup at nagtimpla ng kape. Naghanda ako ng itlog para sa breakfast ko.

Di ko maiwasang malungkot nang makita kong mag-isa na naman akong kakain sa aming mesa. Naaalala ko pa kung paano kami kumain ng sama-sama. Naaalala ko pa ang mga kwentuhan at tawanan naman habang kami ay kumakain.

Nasaksihan ko din ang pagiging sweet nila Mama at Papa sa harap ko habang nagsusubuan sila na animo'y bagong kasal.

But it was all a lie. My mom is the best liar. Her lies are so beautiful that even my father never questioned it.

It felt so real. At napakasakit isipin na purong kasinungalingan lang ang lahat. She only married my father kasi nabuo nila ako. Isa akong aksidente. She never loved me. She never loved my father. She never loved her family.

Kaya pala wala na akong kapatid dahil hindi naman talaga mahal ni Mama si Papa. I used to beg them for a younger siblings. Naaalala ko pa yung ngiti at tingin ng Papa ko sa aking Mama nang marinig ako.

But my mom just smiled awkwardly. Halata sa kanyang mukha na ayaw niya. I just acted na di ko nakita yun.

Nawalan na akong gana sa pagkain at nilagay ang mga plato sa lababo. Maghuhugas nalang ako mamayang uwian.

Kinuha ko na ang bag at cellphone ko na nakapatong sa kama ko at umalis na ng bahay. Pagkalabas ko sa gate ay agad namang may tricycle na kaya di ko na kinailangan pang maghintay.

Sumakay ako sa loob ng tricycle nang wala sa tamang huwisyo.

Tumabi ako sa isang estudyante at itinuon ang tingin ko sa daan. Nang natanaw ko na ang gate ng school namin ay inayos ko ang bag at sarili ko.

Nang makarating kami ay kinapa ko ang bulsa ko para kumuha ng bayad ko. Nakita kong wala akong barya at isang daan lamang ito. Nagbakasakali nalang ako na sana ay may barya sila.

Bumaba ako sa tricy at inabot ang bayad ko sa driver. Nagulat naman ito at medyo natawa.

"Nako neng. Wala ka bang barya diyan?" Tanong nito sa akin.

Umiling naman ako. Tumingin ako sa may gate nagbabakasakaling makita ko si Kira para humingi muna nang barya.

"Hayaan niyo na po manong. Ako nalang magbabayad para sa kanya." Narinig kong sambit ng lalaki sa likod ko. Napalingon ako dito at nakita si Presidente.

So all this time, siya yung katabi ko? Ba't ba kasi di ko siya tinignan? Nakakahiya.

Nagkaroon pa ako ng utang sa kanya. Umalis na ang driver at naglakad na si Shan patungo sa campus.

Hinabol ko naman siya para magpasalamat. Tumigil siya at hinarap ako.

"Paghingi ko na din ng tawad yun dahil sa pagkuha ko sa Chuckie sa canteen nung mga nakaraang araw." Sambit nito sa akin at pinagpatuloy na ang paglalakad.

Napatulala naman ako hanggang sa may kumaladkad sa akin papasok sa loob.

"Maaga ka nga ngayon pero mukhang malelate ka kakatitig sa gate." Saad nito habang kinakaladkad parin ko. Napagtanto ko naman na si Kira pala tong kumaladkad sa akin. May silbi din pala ito. Kung di siguro ako hinatak nito paloob ay baka di parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Nakita ko namang gustong magtanong ni Kira pero biglang tumunog ang buzzer. Nagsipuntahan na kami sa quadrangle kung saan ginaganap ang flag ceremony.

Habang gumagawa kami ng linya ay nakita ko si Shan at Ania na patungo sa gate upang magbantay. Napansin ko naman ang pagpulupot ni Ania sa braso ni Shan nang makitang niyang nakatingin ako sa direksyon nila.

Nakita ko ang pagsulyap ni Shan sa direksyon ko. Agad naman akong umiwas ng tingin. Nang makaraan ang ilang segundo ay sumulyap ulit ako sa kung saan ko sila huling nakita pero wala na sila. Nilibot ko ang mata ko para hanapin sila ngunit nabigo ako.

"Hinahanap mo?" Tanong naman sa akin ni Kira habang iwinawagayway ang kanyang kamay sa harap ko.

"Wala." Sagot ko at ihinarap siya dahil umpisa na sa pagkanta ng pambansang awit. Inilagay ko ang kamay ko sa aking kanang dibdib.

Naramdaman ko ang pagtibok nito ng hindi normal sa hindi malamang dahilan. Di ko na ulit ito pinansin at nagpatuloy sa pagkanta.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon