25

7 0 2
                                    

Patungo na kami ngayon sa venue ng contest namin, and as usual magkaiba kami ni Shan pero magkasabay parin kaming naglalakad.

Ang alam ko kasi sa kabilang daan pa yung patungo sa venue niya pero heto ako kasama siyang naglalakad papunta sa venue ko.

"Bakit ka pa nandito? Diba doon ang venue ng contest mo?" Tanong ko at itinuro yung kabilang daan.

"Alam ko. Hinahatid lang kita."

And now, he's back again with his confusing actions. Sabi nila actions speak louder than words. Pero paano kung yung mga ginagawa niya eh hindi tumutugma sa mga sinasabi niya? At paano kung namimisunderstood ko lang naman pala yung mga galawan niya?

"Okay." Yun nalang aking naging tugon ko.

Napainom nalang ako ng malamig na tubig para naman mahimasmasan ako at mabawasan narin yung kaba na nararamdaman ko. Pero bigla akong nasamid at naubo bigla. Ano ba naman ito, nakakahiya! Pwede namang mamaya nalang kapag nakaalis na si Shan diba?

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin while patting my back. Oh, that feels so good!

Naramdaman ko ang init ng kanyang kamay na para bang nag-uudyok sa akin na hawakan iyon.

"Oh bakit?" Pagtataka niya nang pinigilan ko siya sa pagtatapik ng likod ko.

"Okay lang ako." Sabi ko at hinalughog ang bag ko upang kumuha ng panyo. Pero wala akong nahanap. Ang alam ko nailagay ko yun rito, or hawak ko. Pero bakit wala?

"You can use mine." Sabi niya sabay alok ng panyo niya.

"Haaa? Ah hindi na, okay lang." Pagtanggi ko sa kanya.

"Nako, huwag ka na mahiya. May isa pa naman akong panyo dito sa bag. Tsaka hindi ko pa ito nagagamit."

Kinuha ko nalang yung panyo at pinunasan ang aking mga labi. Sobrang bango ng panyo niya. Yung bangong sakto lang, hindi matapang at hindi rin mahina. Yung bangong tatatak sa isip mo.

"Thanks." Pasasalamat ko.

Nakarating na kami sa venue ko kaya nagpaalam na ako sa kanya. Papasok na sana ako pero tinawag niya ako. "Vielle, wait lang!"

Binigyan ko naman siya ng tingin na may halong pagtataka.

Iniabot niya sa akin ang kanyang water bottle at kinuha yung akin. "Malamig kasi yung sayo, baka mas sumama pakiramdam mo. Tong sakin nalang inumin mo, hindi yan malamig."

O---kay? Nasamid lang naman ako ha?

At umalis na siya habang hawak hawak yung water bottle ko at habang nasa kamay ko naman yung sa kanya. Wala na akong magawa kundi pumasok sa venue ng contest ko kasi magsisimula na ito in a few minutes.

Mas hinigpitan ko pa ang kapit ko sa water bottle niya habang papasok ako. Kung ito ang way mo para sabihing "Nandito ako sa tabi mo" nako bakit naman napaka creative mo!

Sa buong dalawang oras na nasa contest ko nasa tabi ko lang yung water bottle niya. Somehow, binigyan niya ako ng inspirasyon. Natapos na ang contest at pinalabas na kami ngayon sa venue.

Ang daming tao at minsan ay hindi nila sinasadyang mabangga ako. Muntik na nga akong ma-out balance kanina pero buti nalang at hindi rin natuloy.

Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin mula sa dami ng tao at saka ako itinungo sa mas kaunting tao. Para akong nakahinga ng maluwag dahil doon. At mas lalong guminhawa ang loob ko ng malamang si Shan iyon.

Sobrang talas naman pala ng mata nito, nakita niya ako agad sa dami ng tao. Sabagay, sa tangkad niya ba naman eh malamang makikita niya agad ang hinahanap niya. So that means, hinahanap niya nga ako?

"Nag-aalala lang ako baka kung mapaano ka. Masama pa man din pakiramdam mo." At saan nanggaling yun? Nasamid lang naman ako kanina ha?

"Ha? Hindi naman masama pakiramdam ko ha."

"Ay hindi ba? Okay." And he laugh awkwardly.

And there was silence. Di ko alam kung anong sasabihin ko, or kung may dapat ba akong sabihin. Tumingin ako sa kanya at tumingin rin siya sa akin at napatawa kami ng may ilang sa isa't isa.

Ako lang ba ang nakakaramdam ng awkwardness sa pagitan namin? Saan ba nanggaling tong ilang na ito? It wasn't here in the first place.

"Eh, tara na?" Aya niya sa akin and also to break the silence and to get away from that awkward situation.

I nodded and started to walk. Hindi siya sumabay sa akin bagkus ay nasa likod ko lang siya. Wala na bang mas ikaka-awkward to?

Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang lingunin? O dapat ba akong huminto at hintayin siya?

"Tangina naman oh." Rinig kong sambit ni Shan mula sa likod ko.

And before I even take a breath, hinawakan niya ang kamay ko at mas binilisan ang lakad. Tangina rin, sino ba namang makakapag-isip ng matino sa ganitong sitwasyon? Hindi ko alam kung buhay pa ba ako or huminga ba ako sa pitong minuto na hawak niya yung kamay ko habang mabilis siyang naglalakad.

At mas lalo akong nagtaka nang dinala niya ako sa comfort room ng mga babae. Jusko naman, parang ang bilis naman diba?

"Pumasok ka na sa loob. May ano ka." Sambit niya akin at binitawan ang kamay ko.

"Anong ano?" Tanong ko. Hindi parin gumagana ang utak ko sa mga oras na ito. Yung init parin ng kanyang palad ay ramdam na ramdam ko parin sa palad ko.

Narinig ko ang kanyang buntong hininga. "May something ka. Uhm... ano bang tawag dun? Tagos? Basta may ano sa pantalon mo."

At gumana agad yung utak ko. "OH MY GOSH. Wala akong sanitary pad."

"Pumasok ka na sa loob. Ako na bibili." At tumakbo na siya paalis.

Dali-dali naman akong pumasok sa isang cubicle at nakita ko nga ang tagos ko dahil sa salamin sa loob. Bakit hindi ko man lang namalayan? Sabi ng period tracker ko next week pa ako dadatnan ha? Kung bakit ba naman kasi irregular ako!

At heto na nga ang menstruation cramps. Sumasakit na yung puson ko at nasa room pa yung mga gamot ko. Sana naman makabalik agad si Shan.

Nagtext na si Shan na nasa labas siya ng CR kaya naman lumabas ako upang kunin ang binili niya.

Iniabot niya sa akin ang nakasupot na mga pads. "Tatlong klase yan. Hindi ko kasi alam kung anong gamit mo. May wings at non-wings diyan, basta ganun! Tignan mo nalang."

Nang makita ko yung mga binili niya, natawa nalang ako kasi literal na tatlong klase nga. Yung isa may wings, tapos may non-wings tapos may pang- night pa. Jusko naman!

Pagkatapos kong magpalit ay inilagay ko na sa bag ko ang mga pinamili ni Shan. Namimihasa na ata ako ngayong araw na to ha.

Pero wala akong jacket o kahit anong pwedeng mailagay upang matakpan yung tagos ko. Ayoko namang maglakad papuntang room na may tagos no! I texted Shan and he answered back agad agad.

From Shan:

May jacket ako dito. You can use it.

So I went out and he gave me his hoodie. Agad ko naman itong pinulupot sa bewang ko at nagpasalamat sa kanya.

"Kailangan kong bumalik sa room. Iinom muna ako ng gamot."

"Samahan na kita." Alok niya sa akin at kinuha ang bag na bitbit ko.

"Ako na magbibitbit, baka mahirapan ka." Sambit niyang nang bigyan ko na naman siya ng nagtatakang tingin.

Sabay na nga kaming bumalik sa room at hindi ko narin maiwasang magtanong sa kanya.

"Bakit ganito mo ako itrato si Shan? Bakit ang bait mo sa akin?"

Wala siyang naging sagot.

"Hindi ko na kasi maintindihan Shan. Ayoko namang umasa, pero tangina. Nagugustuhan na kita."

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon