Tumigil si Shan sa panghihila sa akin at bumagal ang kanyang lakad. Alam ko na kung saan kami patungo.
Sa garden. Sa garden kung saan ko nakitang magkasama sila, magkahawak kamay at masaya. Gusto kong hilain pabalik ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tumakbo palayo ngunit hindi ko magawa.
Pagkatapos niyang dalhin si Xia dito, ako naman? Lagi nalang ba akong second option? Pero somehow, naisip ko na okay na din siguro kaysa naman walang-wala talaga ako sa kanya diba?
Pero ano nga bang mas maganda? Anong mas okay? Ang maging second option? O maging wala sa option?
"Ang ganda dito ano?" Panimula ni Shan habang patungo kami sa bench kung saan ko sila nakitang nakaupo.
Kumirot ang puso ko. Pinaupo niya ako rito na mas lalong nagpakirot sa puso ko.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya.
Bakit nga ba Shan? Bakit mo ako kailangang dalhin sa mga lugar kung saan nauna mong dinala si Xia? Sa Migoo kaya? Si Xia parin ba ang nauna?
"Wala lang. Gusto ko lang ipakita sayo." Sagot nito sa akin habang nagmamasid sa paligid.
Maganda rito. Sobrang ganda. Pero di ko alam kung bakit ngayon ay di ko maappreciate ni isang bulaklak na nandito.
"Tara na." Aya ko sa kanya makalipas lamang ang ilang minuto.
Tumayo na ako at naglakad palayo. Narinig ko naman ang mga yapak ni Shan para habulin ako.
"May isang oras pa bago ang contest mo, Vielle. Gala muna tayo."
"Kailangan kong umattend ng lecture." Pagdadahilan ko at saka lumiko patungong gym kung saan nagaganap ang lecture.
Pumasok ako sa gym at di na pinansin kung sinundan ba ako ni Shan o ano. Umupo ako sa tabi ng isang contestant. Nginitian niya ako at kahit wala ako sa mood, ay nginitian ko nalang siya pabalik.
Itinuon ko ang buong atensyon ko sa lecture. Kailangan kong manalo. Kahit ngayon lang, nagbabakasakali kasi akong baka mabalitaan ng mama ko o ng papa ko at bumalik na sila.
Wala akong ibang ginawa kundi ang makinig lamang sa nagsasalia hanggang sa sinabi ng start na ng contest. Nagsitayuan kami at naglakad patungo sa contest room.
Habang naglalakad ako ay napansin ko si Shan na nakaupo di kalayuan. Nakita kong nakatingin siya sa akin at maya maya ay lumapit siya.
"Goodluck Vielle."
Tumango nalang ako at pumasok sa contest room. Nagmasid-masid ako sa paligid. Halos mapuno ang room dahil sa dami namin. Pinagmasdan ko ang bawat kilos nila at makikita ko talagang magagaling sila. Pero kakayanin ko to.
Binigay na sa amin ang mga kailangan at sinabing pwede na kaming magsimula. Agad akong nagsimula dahil may time limit ang contest na ito.
Napapatingin ako sa kawalan minsan dahil mahirap kumuha ng ideya. Nang limang minuto nalang ang natitira ay natapos ko naman. Agad ko itong pinasa at lumabas sa contest room.
Nakita ko si Shan sa labas na naghihintay, kasama si Xia.
"Vielle!!! Tapos ka na? Tapos na din ako e." Medyo pasigaw na sambit ni Xia sakin.
Napairap ako sa loob-loob ko. Malamang. Kaya nga nandito ako, alangan namang di pa ko tapos tapos lalabas na ko.
Ngumiti nalang ako at tumango.
"Kamusta? Mahirap ba?" Tanong naman sa akin ni Shan nang nakalapit na siya sakin.
"Kaya naman." Sagot ko sa kanya.
"Tara!!! Kain tayo. Bukas pa naman ang contest ni Shan e, kaya gala muna tayo." Aya sa amin ni Xia pero agad ko din itong tinanggihan at dinahilan ko na kailangan kong bumalik sa quarters namin.
"Tayo nalang?" Aya naman ni Xia kay Shan. Tumango naman si Shan at agad silang umalis sa harap ko.
Enjoy. Sambit ko sa utak ko. Naglakad-lakad muna ako at di ko talaga alam kung saan ako tutungo.
Biglang may nagtakip ng mata ko. Agad ko itong inalis ngunit di ko kaya.
"Hulaan mo kung sino ako." Sambit ng kung sino mang nagtakip ng mata ko. Halatang binago pa neto ang boses niya.
Tumigil ako at hinawakan ang kamay na nakatakip sa aking mukha. Humanap ako ng magandang parte at saka ito kinurot ng sobra.
"Arayyyy naman!" Sigaw ng lalaking nagtakip ng mata ko. Agad akong humarap, at tama nga ang hula ko, si Kip.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya habang namimilipit parin siya sa sakit.
"Binabantayan kita tapos eto igaganti mo?" Daing nito sa akin at hawak hawak parin ang kamay neto. Mukhang nasobrahan ko nga.
"O bakit? Sinabi ko bang bantayan mo ko?"
"Hindi! Sinabi niya." Sagot nito sakin.
"Sino bang siya yan ha?"
"Secret." Sagot nito at tumawa pero agad ding napawi dahil sa sakit. Mabuti nga sayo.
"Kamusta ang contest mo?" Tanong nito sakin.
"Pake mo?" Inirapan ko muna siya at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Sungit." Sambit nito at sinabayan ako sa paglalakad.
"Kain tayo." Aya nito sa akin. Agad akong umiling pero mukhang magandang ideya naman yun.
"Tara na nga." Sagot ko kaya tumungo kami sa stall kung saan may nagtitinda ng siomai at iba pa.
Umorder ako ng apat na siomai at coke at ganun din sa kanya. Umupo kami at hinintay ang order. Bigla niya akong tinitigan kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ngayon ko lang narealize, ang ganda mo pala."
Inirapan ko lamang siya at nagmasid-masid sa paligid habang inaantay ang order namin.
"Pero ang sungit mo."
Hindi ko siya pinansin. At nagpatuloy parin sa pagmamasid.
"Pero okay ka naman. Siguro, boto nako sayo para sa kanya."
Hinarap ko siya. "Sino ba siya Kip?"
Ngumiti siya ng nakakaloko at sinabi ang mahiwang salita. "Secret."
Inirapan ko ulit siya at pagkatapos nun ay ang pagdating ng order namin.
"Mahal ka nun Vielle. Sana lang kapag nasabi niya sayo, maniwala ka sa kanya. Nahihirapan lang siyang umamin." Sambit nito at isinubo ng buo ang siomai.
"Whatever." Sagot ko rito at kumain na din.
"Sobrang." Putol na sabi nito dahil kumakain pa siya.
"Mahal ka niya."
"Sobra. Sobrang mahal."