"Malakas talaga ang kutob ko na malapit mo ng makilala ang forever mo." Sabi ng kaibigan ko na nakasunod sa akin. Kira. Gandang pambungad ng babaeng to e.
Nandito palang ako sa gate ng school namin. At sa kasamaang palad ay nakasabay ko siya. Kaya kung ano-ano na naman ang pinaggagawa niyang panghuhula sa akin.
Mas binilisan ko pa ang lakad ko para makarating na agad sa room namin. Mas binilisan din naman ng kaibigan ko at hinabol ang mga yapak ko.
"Malay mo naman diba? Baka mamaya makasabay mo sa canteen? O kaya mamaya pagkauwi? Diba diba?"
Tumigil ako na nagpatigil din sa kanya. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Malay mo classmate natin siya diba? O baka naman nakilala mo na siya? Baka nga nagkasama na kayo e."
Hinayaan ko nalang siya at pumasok na sa room namin. Nilapag ko ang bag ko at nilapag niya din ang bag niya sa tabi ko.
Bakit ba naging katabi ko pa to? Jusko naman. Mukhang di ako makakapag-aral ng maayos ngayon. Ngayong may hula hula na naman tong nalaman.
Dumating na ang ibang mga classmates namin at maya-maya ay dumating na din ang guro namin.
Nasa kalagitnaan kami ng leksyon ng bigla akong kinalabit ng katabi ko.
Irita akong napatingin sa kanya.
"Gusto mo bang malaman kung sino ang nakatadhana sayo? Kita ko na kung sino siya. At makikita mo na siya mamaya."
Binigyan ko lang siya ng blankong ekspresyon at sinenyasan na makinig sa aming guro.
Bigla nalang bumalik ang diwa ko ng biglang tumunog ang bell. Recess na.
Kinuha ko ang wallet sa bag ko at dumiretso sa canteen. Naramdaman ko namang sumunod ang kaibigan ko sa akin. Pero nagkahiwalay din kami pagdating sa canteen.
Pumunta ako sa refrigerator kung saan nandun ang pinakamamahal kong Chuckie. Binuksan ko ang ref at nakitang iisa nalang ang natira. Buti nalang at naabutan ko pa.
Kukunin ko na sana ito nang biglang may humablot dito. Napatingin nalang ako ng masama kung sino man ito.
Shan Denver Salazar. The Great SSG President. Ang number one enemy ng mga problem students na gaya ko.
Well, di naman ako as in na problem student. Isa lang naman ang problema sa'kin. Most of the time, late ako. Minsan patapos na yung first period. Yun lang yung problema sa akin.
And this guy in front of me, ang laging nagbibigay ng punishment sa akin. One time nga pinaglinis ako sa lahat ng mga CR dito sa school.
So going back. He snatched my beloved Chuckie at papunta na siya sa counter para bayaran yun.
Hinabol ko siya at hinablot ang manggas ng uniporme niya. Tumingin naman siya. Blankong ekspresyon.
"Um.. Ako kasi yung nauna sa Chuckie na iyan. Last na yan e." Sabi ko sa kanya sabay tanggal agad sa pagkahawak ko sa kanyang manggas.
"Kung ikaw ang nauna, bakit nasa akin?" Sagot niya sabay diretso sa counter at nagbayad.
Wala na akong nagawa kundi panoorin siyang inumin ang Chuckie na yun. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya umalis na ako sa canteen at dumiretso sa room.
Kesiyah Vielle Alcantara. Nakita ko ang pangalan ko sa isang maliit na paperbag na nakapatong sa upuan ko. Binuksan ko ito at nakita ko ang dalawang Chuckie. Nagtaka naman ako kung sino ang nagbigay nito.
Nakarinig ako ng mga yapak papalabas sa pintuan kaya tinignan ko ito. At dun ko nakita ang isang lalaking tumatakbo palayo. Sinubukan kong alamin kung sino yun, pero di ko na siya nakita. At nagsidatingan na ang mga kaklase ko at nagsimula ang klase in a usual way.
Uwian na. Sinuot ko na ang bag ko at lumabas ng room. Di na sumunod ang kaibigan ko sa akin dahil di naman kami magkalugar.
Sumakay ako sa tricycle. Nasa side ako, sa banda kung nasaan ang driver. Biglang may tumabi sa akin. Nakuha ang atensyon ko dahil sobrang bango niya. Pero bigla din itong napawi nang malaman ko kung sino siya. Shan.
Ang umagaw sa Chuckie ko.
Naalala ko na magkapitbahay lang kami pero di kami magkaibigan. Sabagay, Senior na siya, Junior palang ako.
Biglang nagvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Kinuha ko ito at nakitang may text si Kira.
"Black bag. Complete uniform. Blue handkerchief. And I think, mabango siya."
Kahit ba naman sa oras na to di ako tatantanan ng babaeng to. Pero..
Bakit parang...?
Tumingin ako sa katabi ko. Black bag. Complete uniform. Blue handkerchief. At...mabango.
Tumingin ako sa paligid pero walang sign of Kira. Manghuhula ba yun?
Inalis ko nalang ang lahat sa isip ko. Sa dinami-rami ba naman ng lalaki sa mundo, hindi lang naman siya ang may ganung deskripsyon. Tsaka bakit ko ba to iniisip? Di dapat ako nagpapaniwala sa babaeng yun e.
Pero.
Napailing nalang ako kasabay ng pag-alis ng tricycle.