11

12 1 0
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ni Kai sa kanilang hapag-kainan. Hindi na ako nakapalag kanina dahil sa sinalubong na ako agad ng kaniyang ate.

Ang buong akala ko ay makikita ko din ang parents nila pero nalaman kong nasa ibang bansa pala ang mga ito.

Ang ate niya ay isang nurse sa St. Clair Hospital. Kaya pala nakauniporme siya noon ay dahil doon siga nagtatrabaho.

Madaming nakwento sa akin si ate Kaipa, ang ate ni Kai, tungkol sa mga epic moments ni Kai.

Minsan daw ay bigla-bigla nalang siyang magpapapak ng Milo o Gatas kapag siya'y nagagalit. Noong bata daw si Kai ay sobrang taba nito na halos di niya na mabuhat ang kanyang katawan.

Nagtatawanan nalang kami sa harap ng mesa habang si Kai ay seryoso at walang emosyong pinagpapatuloy ang pagkain.

"Kaibigan mo ba ang kapatid ko?" Tanong ng ate niya sa akin habang kumakain kami.

Napainom naman ako ng tubig dahil sa kanyang tanong. Sa kanyang tanong na di ko alam ang sagot. Magkaibigan na nga ba kaming maituturing?

"Oo. Kaibigan niya ako."

Si Kai ang sumagot sa tanong ng kanyang ate.

Napatango nalang ang kaniyang ate. Hindi na siya nagtanong muli kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

Mabait si ate Kaila. Parang naisip ko tuloy na ang ganda siguro kapag may kapatid. Yung may kasama ka. Atleast kahit wala ang parents, may makakasama kang kumain.

Nang matapos na kami ay tumulong ako sa pagliligpit.

"Naku, huwag na Vielle. Bisita ka namin dito." Sabi ni ate Kaila sa akin nang kinuha ko ang mga pinggan.

"Hindi po ate. Okay lang." At nagpatuloy ako sa pagliligpit. Hindi naman na nakaangal si ate Kaila dahil alam niyang wala din itong patutunguhan.

Ngayon ay nasa labas na kami upang mag-abang ng masasakyan. Kasama namin si ate Kaila dahil papasok na din siya sa kanyang trabaho. Nang makita naming may paparating na ay pinara ito ni Kai na kanina pa tahimik.

Pumasok si ate Kaila sa loob. Lumiko ako upang sumakay sa side ng driver ngunit pinigilan ako ni ate Kaila.

"Dito ka na."

Pumasok nalang ako sa loob at tumabi kay ate Kaila. Sumilip naman si Kai na nakaupo ngayon sa side ng driver. Nginitian ko siya ngunit umiwas agad ito ng tingin.

Walang umimik sa amin sa loob ng tricy. Nakarating na kami sa gate ng school namin kaya bumaba na ako upang magbayad.

"Huwag na Vielle, ako na." Pagpipigil sa akin ni ate Kaila at nag-abot siya ng pera sa driver. Nahiya naman ako.

Una, kumain ako sa kanila. Malaking bagay na iyon. Dahil ngayon nalang ako nakakain ng lunch na may kasama simula nung umalis si Papa.

Tapos ngayon ay nilibre niya naman ako ng pamasahe. Napansin niya naman ito.

"Salamat ate." Sambit ko nalang sa kanya habang nasa labas parin ako ng tricy.

"Salamat din Vielle." Sagot nito sa akin at ngumiti.

Hinila na ako ni Kai papasok sa loob. Sinundan ko nalang ng tingin ang papalayong tricy habang kinakaladkad ako ni Kai.

Nang makapasok kami ay binitawan niya na ako at naglakad na siya sa ibang direksyon. Ibang daan din ang tinahak ko dahil patungo ako sa Room 11.

Pagkarating ko sa room ay nakita ko agad si Shan na nakasandal sa pader nito na tila ba may hinihintay.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa nasa tapat na ako ng pinto at nasa gilid ko si Shan. Itinulak ko ang pinto upang makapasok ngunit agad akong hinatak ni Shan. Tumingin siya sa akin ng napakaseryoso.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon