10

6 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone na nasa bulsa ko. Iminulat ko ang aking mata at nagulat dahil kulay puting mga dingding ang sumalubong sa akin.

Agad kong iniangat ang ulo ko at nakita ko naman agad si Kai na nakatingin sa akin. Saka ko nalang naalala na nandito pala ako hospital upang bisitahin si Kai.

Sinagot ko naman ang tawag na galing kay Kira. Tinignan ko muna si Kai at sumenyas na lalabas lang ako upang makausap si Kira.

"Hello." Pambungad ko kay Kira nang makalabas na ako sa kwarto ni Kai.

"Vielle! Nasaan ka?" Tanong nito. Umupo naman ako sa mahabang upuan na nasa tapat lang ng kwarto ni Kai.

"Nandito ako sa St. Clair Hospital."

"Ano?! Bakit ka nandiyan? Anong nangyari sayo???!" Inilayo ko naman ang tenga ko dahil sa pagsigaw ni Kira sa kabilang linya.

"Pwede ba Kira? Huwag kang OA. Binisita ko lang si Kai."

"Nasa St. Clair Hospital daw. Binisita si Kai." Narinig kong sambit ni Kira sa kabilang linya na para bang may iba pa siyang kausap.

"Sinong kasama mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala wala. Sige bye na. Umuwi ka na." Sabi nito at pinatay na nga ang tawag.

Nakita ko naman ang isang babae na pumasok sa kwarto ni Kai. Mukhang dumating na ang kanyang bantay. Ngunit nakasuot ito ng pang-nurse uniform.

Pumasok ako sa kwarto ni Kai upang kunin ang aking gamit at magpaalam. Nakita ko naman ang babae na may pagkahawig din kay Kai at mukhang mas nakatatandang kapatid niya ito.

Ngumiti naman ito sa akin nang makita niya ako sa pinto. Isa lang ang masasabi ko. Maganda siya. Pero di tulad ni Kai, may malambing itong aura.

Kinuha ko ang gamit ko at humarap kay Kai.

"Kai, alis na ako." Bumaling naman ako sa ate niya. "Alis na po ako, ate."

Bago pa man ako makaalis ay narinig ko na ang pag-uusap nilang dalawa. Umalis na ako at dumiretso sa labas upang mag-abang ng masasakyan.

Di ko pala namalayan ang oras. Alas siete na kaya madilim na sa labas ngunit may mga ilaw naman kaya hindi delikado.

Wala pang dumadaan na sasakyan kaya nanatili akong nakatayo sa harap ng hospital. Biglang may humintong kotse sa harap ko. Bumaba ang bintana nito at nakita ko si Shan sa loob.

Ngayon ko lamang siya nakitang nagmamaneho ng kotse kaya medyo napaawang ang bibig ko. Agad ko naman itong tinikom ang bibig ko at baka makita niya ito.

"Sakay na." Sambit nito habang nakadungaw parin sa bintana. Hindi ako agad nakagalaw.

Binuksan niya ang pintuan sa front seat at inaya niya akong sumakay. Kung tatanggapin ko ay ito ang unang pagkakataon na ihahatid niya ako. Kunsabagay, magkapitbahay lang naman kami.

Tumingin siya sa kanyang relo.
"Time is running." At tumingin sa akin.

Pumasok na ako sa loob ng kotse at inayos ang pag-upo ko. Walang sabi-sabi ay umandar na ang kotse at tinahak ang daan patungo sa amin.

Di ako makaimik dahil na rin sa awkwardness na nararamdaman ko sa pagitan namin. Hindi kami masyadong nagsasama ng kaming dalawa lang kaya di ko alam kung paano ko siya patutunguhan.

Naging mabilis ang oras at papasok na kami ngayon sa Brgy. Binago. Natatanaw ko na ang bahay namin kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hindi ko alam kung paano ko nasurvive ang buong biyahe ng walang umiimik sa aming dalawa. Ipinarada niya ang kanyang kotse sa harap ng bahay namin.

Bago pa man ako lumabas ay hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako. Tumingin ako sa kanya habang hinihintay ang kaniyang sasabihin.

"Sa susunod, huwag ka ng magpapagabi." Sabi nito at saka binitawan ang kamay ko.

Tuluyan na akong lumabas at isinara ang pintuan. Pagkasara ko ay agad niyang pinaharurot ang kotse at huminto ito sa bahay nila. Pumasok na ako sa bahay at agad na humiga sa kama. Ilang segundo lang ang lumipas ay nakatulog na ako.

Kinaumagahan ay nagbihis ako upang pumasok. Ganun parin naman. Praktis tapos uwian na. Naging mabilis ang araw at sa Biyernes na ang aming kompetisyon.

Martes na ngayon kaya mas nagfocus na ang aming team para sa contest. Kadalasan ay nag-oovertime kami. Di ko naman ikinabahala ang pag-uwi ko dahil lagi akong isinasabay ni Shan. Lagi niyang dinadala ang motor niya dahil na rin siguro sa alam niyang lagi na kaming gagabihin.

Minsan naman ay si Kai ang nakakasabay ko sa pag-uwi. Nakauwi na siya nung Biyernes sa nakaraang linggo. Yun nga lang ay di na siya nagmomotor dahil sa may cast parin ang kaniyang kaliwang kamay. Sumasabay nalang siya sa akin sa pagsakay sa tricycle.

Yun nga lang, mas nauuna siyang bumababa kaya naman naiiwan ako sa tricycle pagkatapos.

Kasalukuyan kaming nagpapraktis ngayon sa Room 11. Mas naging strikto na ang aming school paper adviser dahil na rin sa malapit na ang contest.

Nasa tabi ko ngayon si Xia dahil sa magkapareho kami ng category. Nakita ko naman siyang lihim na nagtetext. Simula kahapon ay pinagbawalan na kaming gumamit ng cellphone kapag oras ng practice. Pero mukhang gagawa parin ng paraan si Xia kahit anong mangyari.

Tumingin ako sa gawi ni Shan na nasa harapang mesa lang namin. Nakita ko siyang nakayuko at masasabi kong palihim din siyang nagtetext.

Tumingin ako sa relo ko at nakita kong malapit na ang lunch break. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang school paper adviser namin.

"Pass your outputs so you can go home now." Sabi nito at inilahad ang kanyang kamay.

Tumayo ako at pinasa ang output ko. Napatingin naman ako sa katabi ko na mukhang di pa ata natatapos. Napatingin din ako kay Shan at ganun din siya.

Napansin din naman ng guro namin na di pa nagpapasa sila Shan at Xia ng kanilang output.

"Shan, Xia, finish your outputs. Di kayo pwedeng umuwi hangga't wala kayong natatapos." Sambit nito at umupo na upang bantayan ang dalawa.

Umalis na ako kasama ang mga iba ko pang kasamahan. Naiwan si Shan sa loob kaya di talaga kami magsasabay unless hintayin ko siya.

Pero nakakahiya naman kung maghihintay ako sa kanya. Wala naman siyang sinabi kaya dumiretso na ako sa gate.

Sinalubong ako ni Kai sa labas at saka iginaya ako sa isang tricycle na walang pasahero.

"What?" Tanong nito at itinaas pa ang isang kilay.

Inirapan ko siya at pumasok na sa loob ng tricycle. Sumunod din siya sa akin kaya magkatabi kami ngayon.

"Let's eat lunch sa bahay namin. Gusto kang makilala ng ate ko."

Napaayos ako ng upo. "Ano?" Tanong ko. Baka kasi mali lang ako ng pagkarinig.

"Tss. Let's eat lunch sa house." Pagkasabi niya nun ay hinigit niya ako palabas ng tricy dahil nasa tapat na kami ng bahay nila.

Agad kong binawi ang braso ko mula sa kanyang pagkakahawak.

"Naku nakakahiya. Kai, huwag na." Sambit ko at saka lumapit sa kalsada at pumara ng tricy.

Papasok na ako sa tricy ng bigla akong hinila pabalik ni Kai.

"Hindi po siya sasakay, manong. Pasensya na." Sabi nito sa driver. Halata sa driver ang pagkainis ngunit umalis na lamang ito.

"Ano ba Kai?" Inis na sambit ko sa kanya.

Pero parang wala lang iyon sa kanya. Hinigit niya ako at ipinasok sa loob ng bahay nila.

Di na ako nakapalag at inayos ang pagkakatayo nang makita ko ang kaniyang ate na nakangiti habang sinalubong kami sa pinto.

Gaaad. This is awkward.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon