21

14 1 0
                                    

"Gising na guys! Nandito na tayo sa school!"

Nagising ako dahil sa sigaw ni Xia. Oo, alam ko boses ng babaeng yun. Hahahaha. Saulo ko yun.

Inayos ko ang pagkakaupo ko at napansin ko ang isang lalaking nakamasid sa akin. Wow! Hahaha. Si Shan kasi nakatingin sa akin.

"Oh?" Takang tanong ko habang pinupulot ang nahulog kong bag.

Itinuro niya ang tenga niya. Anong problema neto?

"Ano?" At itinuro niya na ngayon ang dalawang tenga niya.

"Ano nga? Nabingi ka na?"

Kinuha niya ang phone niya at nagtype rito. Pagkatapos ay ipinakita niya sa akin.

Earphones ko.

Yan ang nakatype. Wth??! Yan lang hindi niya masabi?

"Yan lang pala eh." At tinanggal ko ang earphones niya at iniabot sa kanya. "Oh ayan..... Teka nga, bakit ba hindi ka nagsasalita?"

Sumenyas na naman siya at ngayon, ang bunganga niya naman ang itinuro niya. At naintindihan ko naman yun. Ang arte din naman ng lalaking to. Bading ba to?

"O ayan!" At inabutan ko siya ng Snow Bear. Girl scout, laging handa. Hahahaha.

Tumingin naman siya sa akin na parang nagtatanong kung para saan to. Wow, naiintindihan ko na siya. Ibig sabihin ba neto, itinadhana na kami? Hahahaha charot.

"Itapon mo. Psh." Sarkastikong sagot ko. At itatapon niya nga talaga. Wth???!

"Hoy! Gamitin mo yan. Candy yan. Walang halong poison, huwag kang mag-alala. Para naman may confidence ka ng magsalita."

"Tabi nga." Utos ko sa kanya upang makababa na ako. Nagbigay naman siya ng space para makadaan ako.

Kaso, ang swerte ko naman at muntik na akong ma-out balance. Kaya may pagsagip sa akin ang aking prinsipe. Hahahaha charot ulit.

Tuluyan na akong nakababa at tinulungan naman ako ni Kip na buhatin ang bagahe ko. Madaling araw na kaya naman walang tao rito kundi kami lang. At syempre yung guard. Hahahaha.

"May susundo ba sayo?" Tanong ni Kip sa akin.

Psh. Sino namang susundo sa akin eh wala nga akong kasama sa bahay? Susunduin ako nung bahay namin? Hahahaha.

"Wala." Sagot ko.

"Hatid na kita." Alok sa akin ni Kip. Tatanggapin ko na sana nang biglang sumulpot si Shan.

"Hindi na, sa akin na siya sasabay. Magkapitbahay lang naman kami."

Hmmm, sabagay. Kung si Kip kasi, ibang daan yung sa kanila.

"Um, Kip. Kay Shan nalang ako sasabay. Ibang daan ka pa kasi eh."

Lumapit sa akin si Kip at bumulong. "Yung nga ba ang dahilan?"

Mas lumapit ako sa kanya at bumulong rin. "Ga......go."

"Hahahahahahaha!" Biglang tawa ni Kip kaya nagsitinginan naman ang mga kasama namin. Hala, baliw na ata si Kip.

"Sorry guys, natuwa lang!" Sabi ni Kip. May papeace sign pa ang GAGO!

"O sige Shan, hatid mo si Vielle ha?" Baling nito kay Shan. "Ingatan mo bro." Dagdag nito at tinapik pa sa balikat si Shan. Wow? Feeling close? Hahahahaha.

Lumapit ulit ako sa kanya pero dumaan ako sa likod niya. "FC."

"Hahahahahaha!" At tumawa na naman ang baliw. Waaaaah, Kip, what's happening to you???!

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon