Kahit pilit kong iwasan si Shan upang pigilan ang namumuong nararamdaman ko para sa kanya, ay hindi ko magawa. Lagi siyang nakabuntot sa akin. Minsan bigla nalang siyang susulpot sa harap ko.
Siya din ang nakakasama ko tuwing recess. Siyempre kasama si Xia. Pero di sila nagpapakita nang malalim na pagkakaintindihan sa harap ng maraming tao.
Masyado nila akong pinagkakatiwalaan kaya't okay lang na ipakita nila kung ano talaga sila sa aking harapan. Sa isip ko nga ay baka ginagawa lamang nila akong dekorasyon upang hindi mag-isip ng kakaiba ang mga estudyante kapag nakita nilang magkasama si Xia at Shan.
Malakas pa man din ang mga pangalan nila sa paaralang ito at halos lahat ng tingin ay nakabuntot sa kanila.
Bukas na ang contest. Pinauwi kami nang maaga ngayon upang makapaghanda bukas. Ihinatid ako ni Shan at himala lang dahil hindi kami dumiretso sa MIGOO.
Nang maihatid niya ako ay bigla siyang nagsalita.
"Hoy. Let's make a deal."
"Anong deal?" Nakita ko ang pagngisi niya nang magtanong ako.
"Kapag nanalo ako sa contest, libre mo ako ng kahit anong gusto ko sa MIGOO. At kapag ikaw naman ang nanalo, kahit anong gusto mo, ibibigay ko rin."
"Kahit ikaw ang gusto ko? Ibibigay mo parin ba?"
Nasapak ko ang sarili ko dahil sa kung ano-anong iniisip nito. Buti nalang hindi lumabas sa bibig ko.
Winagayway naman ni Shan ang kamay niya sa harap ko.
"Ano? Deal ba? O naduduwag ka?" Mayabang na sambit nito sa akin.
Napairap ako ng 360°.
"Duh? Ako? Syempre deal! Pakihanda nalang panlibre mo sa akin ha? Mas mabuting handa ka!"
Napahagalpak naman ito sa tawa. Sa bawat tawa niyang ako ang dahilan, mas nahuhulog ako. Pinagmasdan ko siya habang tumatawa parin. He's perfect.
He's too perfect to be mine.
Nagpaalam na siya. Hindi ko narinig ang mga iba pa niyang sinabi dahil wala ako sa matinong pag-iisip. Nang makaalis na siya ay hindi parin tumigil sa lakas ng tibok ng puso ko.
Hindi niya ba napapansin? Hindi niya ba napapansing unti-unti na akong nahuhulog sa kanya? Hindi niya ba napapansing gusto ko na siya?
Hindi ba siya nakakahalata? Na sa bawat kilos niya, sa pagtrato niya sa akin, pinapabilis niya ang tibok ng puso ko? Hindi ba talaga kapansin-pansin o wala lang talaga sa kanya?
Isang kaibigan lang ba ako sa paningin niya? Malamang. Isang kaibigan na pwede niyang hilain, hatakin at isama kung saan niya gustong magpunta. Isang kaibigan na pwede niyang gawing dekorasyon sa tuwing magkasama sila ng minamahal niya.
Masakit. Pero ayos na din ito. Atleast kaibigan ko. Masaya akong natutulungan ko siya. Masaya akong masaya siya sa piling ng mahal niya. Ang hirap pala kapag nagustuhan mo yung taong kaibigan mo, na ang kasintahan ay kaibigan mo rin, at ang turing nila sayo ay kaibigan din. KAIBIGAN.
Pumasok na ako sa bahay at sinimulan ang pag-iimpake. Tatlong araw kami dun. Kinuha ko ang isang maleta. Napatigil ako sa pagbuhat rito dahil ito ay pagmamay-ari ng Mama ko. Naaalala ko pa ang mga panahong siya ang nag-iimpake para sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako at inilagay sa loob ng maleta ang mga gamit ko. Chineck ko na ang lahat at ayos na kaya isinara ko na ang maleta. Hinila ko ito patungo sa sala upang madali nalang makuha kinabukasan.
Nakakapagod mag-impake. Dahil sa pagod, di ko na naisipang kumain at dumiretso na sa pagtulog.
Alas kwatro palang ay gising na ako. Agad akong nagtungo sa banyo upang maligo at maghanda. Kinakabahan ako. Ngayon ang unang beses na makikicontest ako na walang mga magulang upang asikasuhin ako.
Kumain din ako dahil mahirap ng magutom sa daan. Mahaba pa naman ang biyahe. Nakaayos na ako't lahat-lahat kaya tumungo na ako sa sala upang kunin ang maleta.
Narinig ko naman ang pagbusina sa labas. Sumilip ako sa bintana. Dahil sa lamp post ay nakita ko kung sino ito. Nakita kong kumakaway si Shan mula sa gate.
Lumabas na ako at nilock ang pintuan. Nakita ko ang kotse nila Shan sa harap. Kinuha niya ang maleta ko at inilagay sa loob. Pinagbuksan ako ni Shan at tumabi sa akin. Nakita kong naroon ang Papa ni Shan upang magmaneho.
"Good morning po." Bati ko sa Papa niya. Ngumiti lamang ito sa akin.
Tatanungin ko palang sana si Shan kung bakit sa likod siya umupo nang makita ko ang mga gamit niya na nasa front seat. Mukhang baliktad ano? Pero hindi na ako nagtanong.
Nang makarating kami ay may iilan nang kasamahan namin ang naroon. Bumaba na ako at ibinaba ko na rin ang maleta. Hihilain ko na sana ito ngunit agad itong inagaw ni Shan at siya na ang humila. Hindi na ako umangal dahil wala pa akong lakas makipagtalo. Inaantok pa ako.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang mga iba pa naming kasama. Dumating na rin ang adviser namin. Unti-unti na kaming sumakay sa van na sasakyan namin papunta roon. Nahuli ako dahil may inayos pa ako sa loob ng maleta ko.
Si Xia ay nasa harap katabi ng adviser namin. Sabagay, Editor-in-Chief eh.
Nakita ko naman si Shan na nasa likod. Isa lamang ang kasama niya roon. Maluwag pa. Kung sa ibang pwesto ay paniguradong magsisiksikan kami.
Tumungo ako sa likod. Umupo ako sa tabi ni Shan. Pinagitnaan ako nila Shan at Kip, isa naming kasamahan. Hindi ako komportable kapag wala ako sa tabi ng bintana kaya nakiusap ako kay Kip ngunit sinungitan niya lamang ako. Nagkunwari pa siyang tulog.
Nilingon ko naman si Shan.
"Hoy. Palit tayo." Diretsong hiling ko sa kanya.
"Ayoko." Sagot nito at pumikit.
"Pleaseeee..." Pagmamakaawa ko ngunit hindi siya sumagot.
Nawalan na ako ng pag-asa kaya tumigil na ako at pinikit ang mga mata ko. Nagulat ako ng biglang may humawak sa magkabilaang braso ko.
Binuhat ako nito at inupo sa lap niya. At pagkatapos ay ibinaba ako sa kabilang side. Sa tabi ng bintana.
Tumingin ako kay Shan na siyang gumawa nun. Nakapikit parin siya at nakasandal sa may head rest.
Magsasalita pa sana ako ngunit pinangunahan niya ako.
"Shut up. Matutulog ako." Sambit nito at saka isinalpak ang headset sa kanyang tainga.
O..........kay.