12

13 1 0
                                    

Pagkatapos ng mga tawanan namin sa MIGOO ay umalis na din kami pagkatapos kainin ang fries na niluto ni Shan. Ngayon ay tinatahak na namin ang daan pauwi.

Minsan ay napapahagikhik ako sa likod dahil naaalala ko ang epic na mukha ni Shan. Ang paghagikhik ko ang dahilan kung bakit binibilisan ni Shan ang pagmamaneho kaya't napapakapit ako sa kanyang likod. At sa ganung sitwasyon, siya naman ang humahagalpak sa tawa.

Huminto na ang motor sa tapat ng bahay namin kaya umalis na ako mula sa pagkakaangkas. Humarap ako kay Shan na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"Salamat. Nag-enjoy ako." Maligayang pasasalamat ko sa kanya.

Nagulat ako nang makita ang kanyang ngiti. Ngiti na minsan lang ipakita ng isang Shan Denver.

"Know what? I like you." Sabi nito habang nakangiti parin.

Napahinto ako, hindi nakagalaw dahil sa kanyang binitiwang mga salita. Hindi agad nakapagbigay ng reaksyon ang aking katawan. Nakita ko nalang ang biglang pagtawa ni Shan.

"I mean. I like you. I like your company. Don't get me wrong. I like you..as a friend." Sambit nito sa akin.

Agad naman akong nabalik sa diwa kaya umakto akong normal.

"Hahaha. Syempre naman. I like you too...as a friend." Sagot ko rito habang tumatawa.

Sana lang ay hindi niya mahalatang peke lamang ito.

"Next time ulit. Bye!" Pamamaalam nito at saka nagmaneho patungo sa kabilang bahay.

As a friend. Di ko alam pero parang may kung anong kirot sa puso ko. Tila ba ito'y hindi sang-ayon.

Napahawak ako sa dibdib ko at nadama ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Napabuntong hininga ako at napailing.

Sa tingin ko, gusto ko na si Shan. Hindi ko alam kung paano o bakit o kailan o kung saan nagsimula. Basta alam ko sa sarili kong gusto ko na siya.

He makes my heart beats in the fastest way it can. He makes the butterflies in my stomach go crazy.

Hindi ba't palatandaan na iyon na nahuhulog ka na sa isang tao? Bigla kong naalala si Xia.

Masasabi kong kaibigan ko siya. Kung sa small circle of friends ko, kabilang siya roon. Isa siya sa mga taong mapagkakatiwalaan, kumbaga ay siyang pumapangalawa sa friend list ko.

At ako, bilang kaibigan niya, ay pinagkatiwalaan niya ako. Hindi siya nag-alinlangan na sabihin sa akin na may relasyon siya kay Shan kahit na itinatago lamang nila ito. Tapos bigla kong magugustuhan si Shan? Hindi ba't parang ang sama ko naman kung ganun?

Parang pinagtataksilan ko siya.

Pero hindi ko naman ginusto. Di ko naman ginustong magustuhan ang isang taong nakatali na. Hindi ko ginustong magustuhan ang kasintahan ng kaibigan ko. Ginusto ko ba? Hindi naman diba?

Bigla ko lang naman itong naramdaman. Di ko to ginusto. Kusa ko itong naramdaman. Wala akong kinalaman. Sadyang malakas lang maglaro ang tadhana.

Dahil sa malalim kong pag-iisip ay di ko namalayang nakapasok na pala ako sa bahay.

Kinabukasan ay ang mas puspusang pagpapraktis dahil sa susunod na araw na ang contest. Di ko pinansin si Shan sa araw na ito. Ni sulyap ay di ko magawa.

Dumating na ang uwian at naglakad ako ng mabilis upang makauwi ako agad. Maaari kasi akong maabutan ni Shan. Di naman sa nag-aassume ako ngunit malaki ang posibilidad na makasama ko siya muli.

Hindi ko makakaya yun. Hindi ko na makakaya ang lakas ng pintig ng puso ko kapag nakikita ko siya. Ang mga nagliliparang paru-paro sa tiyan ko kapag nakakasama ko siya. Hindi ko kakayanin kapag mas lalo pa akong mahulog sa kanya.

Hindi kakayanin ng konsensya kong mahalin ang taong minamahal ng kaibigan ko.

Nakarating na ako ng gate ng biglang may humila sa akin at pinapasok sa tricy. Tinignan ko ito at nakita ko si Kai. Napabuntong hininga ako at nagpasalamat sa aking isip.

"Hahatid na kita." Sambit nito sa akin at saka sinenyasan ang driver na tumuloy na.

Ngunit naudlot ito sapagkat may sumakay pang pasahero. Nang makasakay na ito ay siyang pagtakbo ng tricy.

Huminto ito sa harap ng bahay nila Kai. Nang huminto ito ay biglang bumaba ang pasaherong sumakay kanina at tumungo sa harap ng labasan ng tricy.

"O Kai, baba na. Diba't bahay niyo ito?" Sambit ng pasaherong bumaba sa isang walang emosyong tono.

"Tss." Inayos ni Kai ang kanyang bag atsaka binaling ang tingin sa akin. "Next time ." Sambit nito at saka bumaba.

Tumabi naman sa akin si Shan. Oo, siya ang pasaherong nakasabay namin. Ewan ko ba rito. Ayokong mag-assume ngunit mukhang sinusundan ako nito.

Nang akmang ipagpapatuloy ng driver ang pagmamaneho ay nagsalita si Shan.

"Sa MIGOO po."

Lumiko naman ang driver. Nagsalita ako agad.

"Diretso muna kayo manong. Dun lang sa may kanto ang bahay namin. Pagkatapos ay pwede na kayong pumuntang MIGOO."

Nang akmang liliko na ulit ang driver ay nagsalita ulit si Shan. Napakamot tuloy ng ulo ang driver.

"Hindi manong. Kasama ko siya." Sambit nito sa driver. Tumingin siya sa akin. "Isasama kita. Sasama ka sa akin."

Wala na akong nagawa sapagkat umandar na ang tricy at tinungo ang daang patungo sa MIGOO.

Nang makarating kami ay agad niya akong hinila papasok. Hindi parin nawala ang pagkamangha ko sa lugar na ito. Marami paring tao sa loob.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa akin.

Tinignan ko ang buong paligid. Nagkibit-balikad nalang ako. Hinila niya ako patungo sa isang stall. Mukhang pagawaan ito ng shake at ice cream.

"Ice cream o shake?" Tanong niya.

Nagningning ang mata ko sa Ice Cream. Sumagot ako agad na mas mabilis pa sa kidlat.

Napatawa nalang siya. "Cute." Mahinang sambit nito pero narinig ko naman. Napatingin naman ako sa kanya. Napansin niya naman ito.

"Cute nitong apron. Try mo." Dugtong nito. Napairap nalang ako sa loob-loob ko.

Isinuot niya sa akin ang apron na kulay pink na may picture ng cute na ice cream. Pareho kami ng disenyo ngunit kulay asul ang sa kanya. Mukha tuloy kaming couple dahil sa suot namin. Namutla naman ako dahil sa aking naisip.

"Tara!" Aya nito at saka kami nagtungo sa pagawaan ng ice cream.

Kung ano-anong disenyo ang nagawa namin. May tutorials kasi roon kaya mabilis lang kaming nakagawa. Naisip kong gumawa ng rose na ice cream kaya sinimulan ko na ang paggawa.

Sinulyapan ko si Shan na ayaw ipakita ng disenyo na kanyang gagawin. Inabot kami ng 30 minuto sa paggawa. Nang matapos ay inilagay namin ito sa cone.

Hinarap namin ang isa't isa. Hindi pa ako nakakapagsalita ay agad niyang pinagpalit ang aming mga ice cream.

Ang nasa akin ngayon ay ang ice cream niya. Ang disenyo nito ay parang collage ng mga puso. Labis akong nacute'an rito kaya kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ito. Bigla namang sumingit ang ice cream na gawa ko na hawak ni Shan sa camera kaya dalawa silang napicturan ko.

"Ang cute ." Halos pasigaw kong sambit.

Natawa naman siya at kinuha ang cellphone ko. May kung anong kinalikot siya rito at binalik din sa akin.

"Anong ginawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala." Maikling sagot nito.

Napairap nalang ako. Nagulat ako nang pinisil niya ang pisngi ko. Di ko naman hinayaang wala akong ganti kaya pinisil ko din ang pisngi niya.

Nagpisilan kami ng mga pisngi habang hawak-hawak ang mga ice cream na unti-unting natutunaw. Tumigil nalang kami nang maramdaman ang lusaw na ice cream sa aming mga kamay.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon