22

9 0 0
                                    

Back to school na. Back to lessons and homeworks pero hindi sa amin ni Shan. Practice parin kami. Stress na nga ako kasi syempre level 2 na ito kaya naman yung practice namin lumevel-up din.

Pero masaya naman kasi magkasama kami ni Shan. Hahahaha.

Everyday, kailangan may apat na output kami. Tapos may lecture pa. Chuchuchu. Ganun lang ang mga nangyayari kaya fast forward nalang.

Uwian na. Eh syempre nag-overtime na naman kami. Madalas na kami mag-overtime kaya madalas din akong hinahatid ni Shan. Lagi niya na kasing dala yung motor niya.

6:00 na nung pinauwi kami ni ma'am. Maaga na to kumpara sa mga huli naming overtime.

Nag-ayos na kami ng gamit tapos nauna si Shan. Lumabas siya agad at hindi man lang ako hinintay. May lakad? Iiwan ako? Huhuhu paano ako uuwi niyan?

Nang matapos na ako sa pagliligpit ay lumabas na rin ako. Nasa gate na ako nang makita ko si Shan sa harap at naghihintay.

"Akala ko naman nauna ka na." Sambit ko sa kanya.

"Hahaha. Pwede ba yun?"

"Aba malay ko, pwede ba yun?"

"Hindi pwede. Kasi nga lilibre mo pa ako sa MIGOO!!"

Wow, naaalala niya parin yun. Pero wait..

"Nanalo din naman ako ha?"

Umiling siya at sabing "Pero mas mataas nakuha ko sayo! Edi talo ka parin."

"Whatever."

"Tara naaa." sabi niya sabay paandar ng motor niya.

Nako, eh sino ba naman ako para tumanggi diba? Grab the opportunity. Magpapapebebe pa ba ako?

Sumakay na nga ako sa motor niya at tumungo na kami sa Migoo, the happiest place on Earth.

Paano ba naman hindi magiging happiest eh kasama mo yung taong mahal mo, diba?

"So anong gusto mo?" Tanong ko kay Shan nang makapasok kami sa loob.

Iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid at saka ibinalik ang tingin sa akin.

"Ikaw."

Ikaw.
Ikaw.
Ikaw.
Ikaw.

"Haaaaa?"

"Ikaw, anong gusto mo?"

Yun naman pala. Akala ko ako yung gusto..

"Ikaw nga tinatanong ko, tapos ibabalik mo sa akin yung tanong?"

"Just stay with me. Yun lang ang gusto ko."

The heck? Anong pinagsasabi nito? I am so speechless.

"Huy!" Tawag niya sa akin na di na makakurap at makahinga sa... kilig? Kaba? Ano pa ba?

"Oh-- oh?"

"Just stay with me nga."

SHETE NAMAN OH.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon