Pauwi na kami ngayon. At ganun parin naman ang pwesto. Ako yung nasa tabi ng bintana, at si Shan ang katabi ko.
"Congrats Shan and Vielle. Pasok kayo." Sabi ni coach na nasa harapan at sinulyapan pa kami. Nakita ko rin naman ang pagsulyap ni Xia.
"Thank you ma'am." Sabay naming sambit.
Talagang sabay pa ha. Wow, meant to be. Charot!
"Congrats din sa inyong lahat! Ang gagaling niyo." Dagdag ni coach na tinutukoy ang mga ibang kasama namin.
"Nako ma'am, wala nga akong nakuha eh."
"Thank you parin coach."
"Babawi na ako next year."
"Sayang di ako umabot."
Sari-saring saad ng mga kasama namin.
"Pinakasayang si Kip. Isang pwesto nalang oh."
"Oo nga ano?"
"Sayang Kip."
"Okay lang yun. Malay niyo naman magback-out yung 5th." Natatawang tugon ni Kip sa aming mga kasama.
"Kapag ba nagback-out, ikaw yung papasok?"
"Ewan ko..." Kip
"Ma'am! Kapag ba nagback-out yung isa sa mga top 5, si Kip ang papasok?"
Nilingon naman kami ni coach. "Siguro.." sagot ni coach.
"Waaaah! Guys alam niyo na ha?"
"IPAGPRAY NATIN NA MAGBACK-OUT NGA ANG ISA SA TOP 5!"
"Yung top 1 sana ano?"
"Tapos si Kip na yung number 1."
"HAHAHAHAHAHA"
Napuno ng tawanan sa loob ng sasakyan dahil sa mga usapan nila.
"Gusto niyo ba ng celebration???!" Malakas na tanong ni coach sa amin.
"YES MA'AM!!!!" sabay-sabay na tugon namin. Then... "Hahahahahahahahaha!" Tawanan na naman kami. Pati si manong driver nakikitawa na rin.
"O sige! Tara sa MCDO!"
AT.... nagsayawan at naghiyawan kami sa loob.
"Yehey!!!!!"
"McDo!!!!!!"
"Bait ni ma'am!!!!!"
"Where are we going?"
"Sa MCDO!"
"HAHAHAHAHAHAHA"
Mas umingay nga sa loob ng sasakyan. Puro kami tawanan at kwentuhan sa loob hanggang sa makarating kami sa McDo.
Medyo gabi na rin nang nakarating kami.
"Yeyyy here we are!"
"Hello McDo."
"Excited na ako!"
"Happy tummy!!!!"
Dahil sa ingay namin, may mga nagsisitinginan sa aming mga customers. At wala kaming nagawa kundi ang tumawa nalang dahil sa kahihiyan.
Pumwesto na kami sa pangmaramihang table. Si coach ang nag-order at syempre sinamahan ng mga boys.
Nakapwesto na kaming girls at si Xia ang katabi ko ngayon. May isa pang bakante sa tabi ko, at meron din sa tabi niya.
"Sayang.. sana nakapasok din ako sa top 5." Sambit ni Xia.
"Nakakainggit ka Vielle."
"Laaa, bakit naman?"