SY-Two

6.5K 127 4
                                    

Onion’s POV

Nakakainis! Nakakainis! Peste napakamalas ng araw na ito! Uuwi ka na lang naligo ka pa sa putik! Naglalakad pa ako ngayon dahil hindi ako pinapasakay ng taxi nako kapag nakita ko talaga yung lalaki na iyon ulit sasaksakin ko siya ng takong ko peste siya.

“O ano yan drama mo nagshower ka sa putikan?” Inirapan ko naman si Garlic, minsan talaga nakakainis siya pero mahal ko naman siya wag lang ngayon dahil asar na asar na ako at gusto kong pumatay ng lalaking kagaya niya.

“Wala modo! Bastos! Kapatid ni Satan! Tropa ni Lucifer!” Naiinis na bulong ko, hanggang ngayon padin naalala ko yung kanina. Nakakainis nakakainis talaga!

Habang madiin kong kinukuskos yung mga putik sa bintik ko, kadiri pati mukha ko meron. Letse talagang lalaki yon, pag nagkita kami pati gulong niya bubutasin ko na peste salot! Grrr

**

Lumabas siya upang magkape sa veranda, kahit na nasa manila na siya kadalasan ay umuuwi siya sa bahay ng kaibigan niya, ayaw niya sa manila nalulungkot siya lalo na kapag naalala niya na nagiisa siya, mabuti na lang andun ang mga kaibigan niya kahit na alam niyang mga baliw ito, alam niyang nandito lang ito lalo na kapag kailangan niya.

“Balita ko naligo ka daw sa putik? Enjoy ba?” Seryosong sabi sakaniya ni mint, tinitigan niya ito tska niya inirapan, si mint ang pinakamalihim sakanila, matapang ito hindi natatakot magisa hindi kagaya ni Pepper.

Mga ilang sandali may hawak nadin itong tasa ng kape at tumabi sakaniya, alam niyang magchichismissan na sila kaya ready na siya, at alam din niyang mapupuno ang asaran. Close sila ni mint daig nila magkapatid.

“Sabihin mo nga sakin Onion bakit ka naligo sa putik?” Inirapan niya ito.

“Eh kase yung demonyong hayop gago na kapatid ni Satan na tropa ni Lucifer at first cousin ng dyablo na yon” Naiinis padin niya kapag naiisip niya ang gwapong mukha nito. Wtf gwapo? Duuh as if.

“Gwapo ba?” Tumango siya.

“Ano ginawa mo?”

“Binato ko siya ng sapatos sayang nga sa kotse niya lang tumama, sana sa mukha na lang niya peste siya” sabay higop niya sa kape. Sana naman bukas, bukas hindi na niya makita ito patawarin siya ng diyos baka may magawa siya na hindi dapat kapag nakita niya ito.

Seducing You.(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon