Onion’s POV
Yeah maybe, dalawang araw ng nakakalipas nung sabihin niya yon, nung sabihin niyang mahal niya din ako. God knows how much I want to heard that, hearing those word, hearting that he said he loves me too.
Kainis kininilig parin ako, kahit na pagkatapos nun, wala na hindi na siya nagtetext, hindi na niya ako kinukulit. Pero atleast alam ko na, alam ko na mahal niya rin ako, ngayon paba ako susuko ngayong alam ko kahit papaano may laban na ako.
And this is the best day! Hahahaha twenty-four na’ko. At siyempre may lovelife ako, may maayos na trabaho, may mga kaibigan ako, ano pa bang mahihiling ko? Nasa sakin na lahat.
Meron pa siguro pero sa ngayon makukuntento na’ko. Tsaka binigay naman ni Lord yung isa wishes ko na amin sakin ni Ivan na mahal niya ako. Okay na yun, kahit na wala pa kami sa stage na officialy yours altleast kahit papaano mapapanatag na ako.
Lumabas ako ng bahay, siyempre kahit birthday ko hindi naman exempted yun na hindi kana papasok sa work. Sayang kita. Dahan-dahan kong minaneho yung kotse ko palabas sa garahehan.
“Onion!” Kumaway ako ng makita ko si Mint sa sidemirror ng kotse ko.
“Happybirthday sis!” Kumindat ako at nagsabi ng thankyou, mabilis ako nakarating sa opisina ako. I wish na ang araw na’to maging masaya at makulay.Nakanngiti kong binaybay ang elevator nung makasalubong ko si Mel.
“I heard birthday mo ngayon?” Ngumiti lang ako, Wala ako sa mood makipagusap sakaniya mababadvibes lang ako. Nang lalagpasan ko siya hinawakan niya yung braso ko.
“You know what masiyado kang insecure sa sarili mo Onion, natatakot ka mawala si Ivan sayo eh hindi naman siya sayo” Pumiglas ako.
“Please mel, wala akong planong sirain ang araw na’to kung ayaw mong bumaba na may sapak sa mata iwasan mo’ko” Nakita kong naumid yung dila niya at nagpatuloy sa paglalakad. Wh ano naman kung takot ako? Bakit pagba nangyari sainyo yung ganoon hindi ba kayo matatakot?
Takot ako kasi ayoko mawala siya sa buhay ko, yun lang naman ang kinatatakot ko, ang mawala siya sakin. Huminga ako ng malalim, nakakabadvibes talaga si Mel kahit kailan.
“Onion happybirthday!” Nakayakap na sabi sakin ni Rick.
“Thanks rick” May inabot siya sakin paper bag.
“Omygod thankyou nagabala ka pa” Nakangiti kong sabi.
“Siyempre mahalaga ka” Niyakap ko ulit siya bago tuluyan pumasok sa office.
**
Tumingin ako sa orasan it’s been 5PM bakit hindi parin niya ako binabati? Halos lahat ata binati na ako tanging siya lang, siguro may surprise lang. Siguro nga hindi ko kailangan maging nega, mahal niya ako siguro naalala niya naman.
Lumabas na ako sa opisina, nakarating ako sa coffee shop nila Javed at Mint, bigatin yung kaibigan ko eh, umupo ako sa isang sulok.
“Nandito pala ang birthday girl” nakangiti akong tumingin kay Javed.
“Hahaha utot mo, ano kamusta kayo?” Umupo siya sa sa harapan ko.
“Maayos, masaya, kayo?” Ngumiti ako.
“Kayo na ba?”
“Hindi pa eh, wala eh hindi pa ako sinasagot ng kaibigan niyo, gwapo masiyado eh!”
“Sasagutin kadin non, baka nga ikaw pa ang sumagot” sabay gulo niya sa buhok.
“Javed anebeh! Yung buhok ko” Nakangising sabi ko, nagulat ako ng my inabot sakin si Javed.
BINABASA MO ANG
Seducing You.(Completed)
Teen FictionWhat if two hearts cant handle the pain anymore? Will there be a second chance for their story? Will they choose one another? Or they'll just have to let go and move on?