Epilogue.

5.9K 96 1
                                    

“Mommy!” napatingin ako sa gawing kanan kung saan nakaupo ang dalawang lalaking sobrang mahal na mahal ko. Lumapit ako sakanila at umupo sa tabi nila, nagulat na lang ako ng biglang pagpakandong sakin si Blue.

“Bakit baby ko?”

“Kasi si daddy mommy, sabi niya siya lang daw ang love mo” Nagbabagang tignan ko sa ivan.

“Baby ako lang naman talaga ang love mo eh” Nakangising sabi ni Ivan ng biglang sumimangot si Blue. Piningot ko sa tenga si Ivan.

“Baby naman masakit ano ba?” Tumingin ako sakaniya, may nababasa akong kaaliwan sa mata niya.

“Ikaw ano nanaman iniisip mo ha?” Masungit kong tanong sakaniya.

“Iniisip ko kung paano pa kita mapapasaya, kayo ni blue” Napangiti ako, hinila ko yung batok niya at siniil ng halik.

“Wala na ivan, masayang-masaya ako sainyo, sainyo ni blue” Niyakap ko siya ng mahgpit.

“Mommy bakit nandito nanaman si Belle!” Sigaw ng anak ko, mabilis kaming lumapit ni Ivan sa gawi ni Blue at Bell.

“Hi Tita” Ngumiti ako kay Belle, mas matanda si Belle ng dalawang taon kay Blue.

“Hi Belle makikipaglaro kaba kay Blue?” Tumango siya, ang cute talaga nitong si Belle manang-mana kay peper.

“Ayoko siya kalaro mommy” Tinaasan ko ng kilay si Blue.

“Okay makikipaglaro na’ko” Nagulat ako ng hilahin ako ni Ivan at pabuhat akong inakyat sa kwarto.

“Hoy ano bang ginagawa mo maririnig tayo ng mga bata!” Nakangiti lang siya sakin habang tinitignan ako.

“Alam mo Onion, isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko” Hinalikan ko siya ng mariin.

“Ang drama mo ngayon ivan anong meron” Nagulat ako ng may ilabas siyang kuwintas at inabot sakin.

“Happy anniversary baby,” Bigla atang nagtubig yung mata ko.

“Wala akong gift ivan!” Sigaw ko. Tumawa lang siya.

“Meron, sapat kanang regalo sakin” Ngumiti ako.

Humiga kaming pareho sa kama, nakakamiss din pala makakwentuhan siya, palagi kasing nasa opisina siya eh, busy.

“Nakakamiss ka pala no?” Natatawang wika ko sakaniya.

“Talaga? Namimiss din kita eh” Nakangiting sabi ni Ivan.

“Dami na nangyari satin noh ivan, ang daming pagsubok pero hindi tayo nagpatalo tignan mo ngayon may little ivan na tayo” Naramdaman ko yung labi ni sa ulo ko.

Seducing You.(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon