SY-Nine

4.2K 90 0
                                    

Onion’s POV

Hindi ako makagalaw, eto nanaman si Rick sa harapan ko, at hindi magsink-in lahat ng sinasabi niya sa utak ko, tapos na ang dalawang linggo kasama si Ivan, panatag ako kasi makakalimot ako pero anong sinasabi ni Rick ngayon.

“Onion please, this is the last time na hihingi ako sayo ng favor please, kailangan mo lang siya mapapayag ulit sa isa pang kontrata” Damn rick, kung alam mo lang ang nangyari sakin habang kasama ko siya. Kung alam mo lang.

“Hindi paba sapat yung nauna Rick, baka pwede naman na yun?” Nakangiwing sabi niya, sa oras nanaman kasi na pumayag siya nakataya nanaman ang puso niya at hindi na siya papayag.

“Onion hindi talaga, maraming nagrerequest na ilagay siya ulit sa phoenix, kailangan natin siya onion ngayon pa ba tayo susuko ngayong tuluyan nanatin nalamampasan ang CLORINE?” Huminga siya ng malalim.

“Okay I’ll try to talk to him Rick, but I can’t promise na papayag ulit siya” Baka kung ano nanamang hingin niyang favor, baka ang kapalit pa hindi ko na kayang ibigay. Naiinis na bulong niya.

“Okay, thanks onion” Napaupo siya sa swivel chair, akala ko isang buwan lang, isang buwan ko lang siya makakasama, pero ano nanaman’to? Paano kung hindi siya pumayag? Kainis talaga.

Dinial niya ang number nito.

“Hello”

“Ivan, si o-onion’to can we talk?” Kinakabahan siya, baka kasi kung saan nanaman pumunta ang puso niya, tama na yung unang beses. Tama na yung unang beses na nasaktan siya.

“Punta ka na lang sa condo” Kumabog yung puso niya, NO! Hindi na siya tutungtog sa condo nito never, dahil sa condo na iyon nabuo ang pagsinta niya dito na ayaw na niya maulit.

“Pwede sa coffe shop na lang?” Then I heard him laugh, God how I miss his laugh ilang araw ko nadin hindi naririnig yun, ilang araw ko narin na hindi siya nakikita, I miss him kaya lang mahirap na eh, mahirap na mahalin ko nanaman siya ulit.

“Bakit ayaw mo sa condo ko? Para ka naman iba”

“Look Ivan, seryoso’to okay? Sa Coffee shop na lang hintayin kita” Binaba ko na yung tawag baka kasi kapag kinausap ko siya, baka hindi ko na maitago yung pagkamiss ko sakaniya.

Sinukbit ko yung bag ko sa balikat ko, nakasalubog ko nanaman si Mel ang kontrabida sa buhay ko, tinaasan niya ako ng kilay, hindi naman ako papatalo pinaliparan ko siya ng buhok. Kainis bruha talaga

**

Tumingin ako sa salamin, okay naman na yung itsura ko, hindi ko na kailangan magpaganda alam ko maganda na ako. Huminga ako ng malalim, may nagbago kaya sa istura niya pagkatapos naming maghiwalay? Hindi na ako nagpaalam nun sakaniya nung umalis ako. Hindi naman siya nagalit so umacting na lang ako na para walang nangyari.

“Ano bang paguusapan natin Onion?” Tumingin ako sakaniya, nagbago yung hairstyle niya, ilang ko siyang hindi nakita mukhang ang dami ng nagbago.

“Titigan mo na lang ba ako?” Well masungit padin, sino kayang makakapagpabait sakaniya.

“Ivan, pwede ka naming kuhanin ulit na model? Sa summer season ng PHOENIX?” Kinunotan niya ako ng noo.

“What?”

“G-gusto ka namin kuhanin model ulit please ivan, pumayag ka” Nakangiti kong sabi nakita kong tumayo siya. Eto nanaman si walkout king.

“Teka lang naman Ivan, ano bang gusto mo kapalit?” Tumingin siya sakin.

“Ikaw” Huminga ako ng malalim.

“Katulong ulit? Okay fine payag ako, pero hindi na ako uuwi sa condo mo, duon ako ng maga at gabi tapos before 10 uuwi ako” Kumunot yung noo niya.

“No” God, gusto ko ng lumuhod kay Ivan.

“Sige naman na ivan” Marami ngang nagbago, lalo na yung ugali niya, mukhang mas dumoble, sya na ata ang may sungay na si hulk, half demon half monster.

“Ayoko, pwede ba tumigil ka”

“Ano ba kasing gusto mo?” Naiinis na sigaw ko, hindi na ako makapagtimpi. Gigil na gigil na ako.

“Ikaw”

“Ano bang ako ivan, hindi ako forsale okay hindi ako binibili!” Naiinis na bulong niya tumingin naman ito sakaniya.

“Pilitin mo ako, gawin mo lahat para pumayag ako” Tumalikod na ito sakaniya, damn bumalik nanaman siya sa dati, ano bang gagawin niya gigive-up na ba siya? O hihingi siya kay rick ng palugid? Kainis ka talaga!

Ivan’s POV

Naiinis ako sa totoo lang, naiinis ako kasi parang balewala lang ako sakaniya, umalis siya sa condo ng walang paalam, tapos ngayon humihingi siya ng pabor gusto niyang umoo ako agad. Damn it’s not me, ginagawa akong tanga no Onion and I hate that.

Hindi ako yung lalaking tanga, pinapikot ako ni Onion, simula ng aminin ko na espesyal siya, akala ko mutual feelings kasi nung mga nakaraan tinutugunan niya yung nararamdamn ko but fuck pagkatapos ng ilang araw umiwas siya pagkatapos umalis ng hindi nagpaalaam.

Tapos ano gusto niya ngayon pumirma ako? Gusto niya makuha yung oo ko paghirapan niya, gaganti ako sa ginawan niya, sinanay niya ako sa lahat tapos isang araw nagising na lang ako wala na siya.

Bumalik na pala siya sa mundo niya, at ako naiwan sa mundo naming dalawa, maybe ang nasaktan lang ang ego ko, but I guess hindi dahil ginusto ko siya, ginusto ko na malapit siya, ginusto ko na makita niya yung kabilang side ng pagkatao ko, yung tumatawa, yung nagjojoke, yung sweet, yung mapagmahal, pero iniwan niya lang ako e.

Iniwan niya ako ng walang pasabi man lang. At ngayon pahihirapan ko siya, paghihirapan niya makuha yung oo ko sa ayaw at gusto niya, gusto ko mangyari ulit ang nangyari noon pagkatapos siya naman ang iiwan ko.

Siya naman ang sasaktan ko,

Siya naman ang paasahin ko,

Hintayin mo Onion gaganti ako,

Bubuo tayo ng mundo natin dalawa,

Pagkatapos hahayaan kitang maiwan sa mundo na yon, hahayaan kita masaktan at umasa. I hate you.

♥♥♥♥♥

Umiwas pala si Onion eh, nasaktan si Ivan, ano kaya ang nasaktan niya ang PRIDE niya o ang PUSO niya? Well I guess alam niyo na ang sagot, suportahan niyo parin kayo na ang bahalang humusga guys! :* Vote & Comment :)

NP: Diwata

Kapag nariyan ka bumabagal ang ikot ng mundo, hindi dapat kita ginugusto pero natutukso, ano man ang sabihin nila hindi kita ipagkakaila. <3

Seducing You.(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon