Onion’s POV
Nakatulog pala ako sa labas ng unit niya, at hindi man lang niya ako naalala. Hangang sa panaginip dinadalaw ako ng sakit na nararamdaman ko, sa panaginip ko pinapamukha niya sakin kung gaano ako katanga.
Nagulat ako biglang bumukas yung pinto, iniluwa yung babaeng tatalo sa kamandag ni Galema.
“Bitch”
“Babaeng apat ang tuhod, sipain kita diyan e” Sagot ko, tinignan niya ako, as in tingin na nanlalait tinignan ko din siya para ipamukha sakaniya kung gaano siya kacheap.
“Naiinggit ka right?”
“Bakit ako maiinggit?” Taas kilay na sabi ko.
“Kasi nahalikan niya, ako sa nahalikan ko ang lalaking gusto mo” Pakiramdam ko sinampal ako sa sinabi niya.
“Ganon ba? Hindi ako naiinggit sayo naranasan ko na yan, pero hindi ako baba sa level mo”
“Ano bang level ko” Gusto ko matawa gaga na’to.
“Ede cheap yun ka naman e” Tumalikod ako, masakit kasi naiinggit ako dahil nakikita siya ng lalaking mahal ko, samantalang ako inaalipin na wala padin. Bumuntong hininga ako, maybe wala talaga purely business lang kaya ano pang aasahan ko? Napangiti ako ng mapakla.
Kailangan ko ata talaga magmove-on na at lisanin ang mundong ginagalawan niya, hindi tama na makibgay ako sakniya gayong tinataboy naman niya ako, inaayawan. Mabilis kong pinahid yung luha ko, lahat ng story ganito e, may susuko, may lalaban, may natatalo, may nanalo, may nasasaktan, may sumasaya. Lahat meron.
“Onion. .” Gusto kong ngumiti pero hindi ko kaya, nung una okay lang kasi hindi ko nakita, pero ngayon masakit kasi nakita ko pa, narinig ko pa. Gustong sabunutan yung sarili ko tumutulong ako para maging masaya yung kaibigan ko, pero hindi ko naman matulungan yung sarili ko na sumaya.
“Oh bakit?” Ngumiti ako, kasi alam ko sa ngiti na iyon, pwede ko itago lahat, yung sakit, yung galit, yung pagmamahal.
“Yung nakita mo it just that fuck!” Umiling ako.
“Okay lang, para lang ako nanuod ng live na porn” Biro ko, nakita ko sumreyoso yung mukha niya.
“Yeah at bakit nga pala ako nageexplain sayo, who are you anyway? Hindi ko naman ganon kahalaga” Tumalikod siya at nagsimulang lumayo sakin, bumagsak yung luha ko.
Yeah sino nga ba ako? Hindi naman ako mahalaga eh, pero para sakin Ivan para sakin sobra-sobra kang mahalaga, tumalikod ako at nagsimulang lumayo. How I wish I can handle all the pain. All the pain that he can cause to me.
**
“Onion are you okay?” Tanong ni rick, tumango lang ako.
“May progress na ba yung project kay Mr. Javier” Umiling ako at ngumiti.
“I think we should give-up Rick ayaw niya talaga eh” Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya pero agad naglaho yon.
“Yeah, may mga bagay talaga na hindi natin pwedeng makuha” Ngumiti ako at tumango. Like example yung pagmamahal niya yung bagay na iyon ay kahit kailan hindi ko kayang makuha.
“Okay thanks onion” Ngumiti ako, itinuon ko yung atensyon ko sa isang magazine kailangan nanaman ng panibagong pakulo ng Phoenix, pagbuklat ko nakita ko yung magazine ito yung magazine na binili ko dahil siya yung nasa cover. Wala sa loob na napahaplos ako sa mukha niya.
I think kahit mahal ko siya, wala naman mangyayari kung hindi niya ako kayang mahalin, siguro kailangan ko na lang itago, kailangan ko na lang sarilinin yung pagmamahal ko.
BINABASA MO ANG
Seducing You.(Completed)
Teen FictionWhat if two hearts cant handle the pain anymore? Will there be a second chance for their story? Will they choose one another? Or they'll just have to let go and move on?