Onion’s POV
Kahit alam ko ang sakit padin tanggapin na tuwing pupunta siya ng phoenix may sinusundo na siyang iba, okay lang nung fiancée pa atlesat hindi pa sila kasal pero ngayon pakiramdam ko tuwing nakikita ko siya namamatay ako. Namamatay ako sa katotohanang hindi na siya Malaya, hindi na kami pwede sa isa’t-isa. Alam ko ang gulo ko pero kasi. . huli na ako kahit na anong gawin ko, kahit lumapit pa ako sakaniya hindi na pwede, hindi sana nuong inaaya niya akong magtanan sumama na lang ako. Sana nagtake ako ng risk kasama siya pero hindi eh, isa akong MALAKING DUWAG ngayon wala na siya nasa kamay na ng iba tska ako ngayon nagkakaganito.
“Lalim ng iniisip mo ah?” Umupo sa tabi ko si Garlic.
“Hindi malalim, malayo. . sobrang layo” I smiled.
“Siya padin? Bakit kasi hindi mo ipinaglaban?” Umiling ako.
“Duwag ako eh, kita mo ngayon sa sobrang pagkaduwag ko wala na siya, nasa kamay na ng iba”
“Wag ka umiyak ginusto mo yan diba? Ginusto mong maging ganyan yung sitwasyon mo, wala akong kinakampihan sainyo pero san aka zero-zero pa yung chance sana lumaban ka, ang daming what if Onion paano kung lumaban ka tapos naging masaya kayo? What if lumaban ka, pinakasalan ka din niya lumayo kayo tapos naging masaya kayo kaya lang malabo na mangyari yon kasal na yung mahal mo, siguro ang maipapayo ko na lang tanggapin mo na ang katotohanang hindi na talaga pwede maging kayo”
Pumikit ako ng mariin, siguro ang maipapayo ko na lang tanggapin mo na ang katotohanang hindi na talaga pwede maging kayo hindi talaga eh, iba na kasi sobrang layo na niya at ang laki nang pagitan naming dalawa.
“Sana hindi ka naduwag nun, sana masaya ka ngayon” Tinapik niya yung balikat ako bago ako iwan, tumingin ako sa bitwin, dati lang abot kamay ko na, ngayon lalong wala na.
sana ng lumaban ako, sana pinaglaban ko siya, sana hindi kami ganito, sana ako yung asawa niya, sana ako yung kasama niya, sana hindi siya. Sana
**
“Outing tayo” Tumingin ako kay Pepper.
“Saan?” Masungit na tanong ni Garlic.
“Galit kay Garlic?” Malungkot na sabi ni Onion.
“Hindi”
“Boracay tayo guys, kelangan ni Onion yun eh” Pepper smiled, alam nilang depressed ako, hindi ko naman kailangan itago sakanila na, nasasaktan ako.
“Sige pwede ba isama ko si Javed?” Nakangiting sabi ni Mint
“Isasama ko din si Willson siyempre!” Nakangising sabi ni Pepper.
“Ikaw?” Lumingon sakin si Garlic.
“Ah oo may isasama ko si Eron” Napahinto yung dalawa, tumingin sakin.
“Bago? May kapalit na si Ivan?” Biglang nagpeace-sign si Pepper.
“Baliw, kaibigan ko yun”
“That’s great sasabihin ko na kay baby yung mga dadalhin niya” Biglang nawala si Pepper sa paningin namin.
“Paano kung andon siya?” Bigla kong natigilan.
“Ano naman Mint? Hindi naman siya pinunta ko don eh” I smiled. Just to hide my tears ang hiling ko lang wag sana bumagsak ngayon.
“Paano kung makita mo sila?” Sabat naman ni Garlic.
“Ade nakita ko” Pamimilosopo ko, tumayo ako at humarap sa kitchen sink sabay pagtulo ng luha ko, sa totoo lang hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko kapag nakita ko sila pero isa lang ang sigurado ko mahahati at mahahati ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Seducing You.(Completed)
Novela JuvenilWhat if two hearts cant handle the pain anymore? Will there be a second chance for their story? Will they choose one another? Or they'll just have to let go and move on?