Onion’s POV
Three days, three days ko siyang hindi nakita, hindi nakausap, hindi nakita, gusto ko naman yun kaya lang lagi na lang ako nalulungkot tuwing naalala ko yung sinabi niya, he doesn’t care. He never care masakit oo. Sobra
Pero hindi ko naman ugali na tumalikod sa isang kasunduan na kahit na nakataya pa yung puso ko gagawin ko padin, hindi ako mandurugas na tao, pero kung pwede lang, dadayain ko na lang yung sarili kong wag na siyang patuloy pang mahalin.
Bakit kasi pinaparamdam niyang mahal niya ako, tapos ako ito naman umaasa, baka naman ganon lang siya sa ibang babae, baka nga hindi lang ako e. Huminga ako ng malalim pipihitin ko sana yung pinto ng bigla itong bumukas.
“Bakit umuwi ka pa?” Napakagat ako sa labi ko, bakit ko ba kailangan magexpect na mamimiss niya ako kahit hindi naman.
“Kasi nga may usapan tayo diba? Besides two weeks na lang naman hindi na ako uuwi dito” Nakangiti kong sabi.
“Ah sabagay, cheap ka naman” Pumikit ako ng mariin, lasing siguro siya kaya niya nasasabi yan, pampalubag loob niya sa sarili. Nauna siyang pumasok sa loob nakita niyang nagkalat ang mga gamit nito. Sinulit nito ang pagkakalat, grabe lang ha, pumasok siya sa kwarto na pahinto siya ng may nakitang babaeng nakahiga doon. Ako pa yung cheap ngayon? Hindi kaya yung babaeng nakahiga sa kama mo? Naiinis na bulong niya.
Hindi na niya itinuloy ang pagpasok sa kwarto nito, una naiinis siya, panglawa nasasaktan siya, pinulat niya ang nagkalat na beer in can sa sahig at sa lamesa, mukhang naghappy-happy nanaman siya, pwede naman syang magbar dito pa talaga nagdala ng babae.
Tumingin siya kay Ivan nakatitig lang ito sakaniya, nagulat siya ng hilahin siya nito at yakapin. Gusto niyang maiyak dahil sa nararamdaman niya, miss na miss niya ito dahil tatlong araw niyang hindi ito nakita, pero ito may nahanap na agad na kapalit niya.
“Bitaw ivan, lilinisin ko yung pinagkalatan mo” Pero lalo pang humigpit ang yakap na nito, konti na lang baka maiyak na siya, haaay pag-ibig nga naman, yakapin ka lang nabura na ang lahat.
“Wag kana aalis” Napatingin siya dito, tama ba ang rinig niya? Tama ba, o baka lasing lang ito kaya ito nakakapagsabi ng ganon? Huminga siya ng malalim, hindi ito marunong magmahal bakit umaasa pa siya?
Nakita niyang nakahiga ito sa sofa, tinapunan niya ng tingin ito, at babaeng nasa kama nito. Pangilan kaya siyang nakahiga sa kama na iyon? Pero hindi naman mahalaga yon, isa lang siyang bedwarmer nito, yaya, yun lang ang puwang niya sa buhay nito.
Pagkatapos ng dalawang linggo babalik na siya sa dati, babalik na siya kung saan siya dapat talaga, kakalimutan niya nadin ito at sana lang magtagumpay siya. Sinulyapan niya ito muli bago tuluyan sinardo yung pinto.
Hindi siya martir para duon pa matulog, may ibang babaeng kasama ito, at hindi niya ugali isiksik ang sarili niya sa taong hindi siya kailangan, alam naman niya na tatawagan o kaya itetext siya nito kapag kailangan na siya nito,
**
Tinignan niya ang reflection niya sa salamin, nangingitim ang gilid ng mata niya hindi siya nakatulog kakaisap kay ivan at sa babae nito. Bumangon siya at nagsimulang maligo at magbihis hindi na siya nagabalang kumain dahil wala naman siyang gana, kung pwede lang hindi na siya papasok ayaw niya makita ito, dahil ngayon ang pangalawang araw ng photoshoot.
BINABASA MO ANG
Seducing You.(Completed)
Teen FictionWhat if two hearts cant handle the pain anymore? Will there be a second chance for their story? Will they choose one another? Or they'll just have to let go and move on?