Onion’s POV
Nasaktan ba siya nung umalis ako? Bakit ganito nanaman sya sakin? Bakit pinahihirapan nanaman niya ako? Ang hirap naman kasi nuon kapag kaharap ko siya nangangapa ako sa damdamin niya para sakin. If I only knew, hindi ko siya iiwan ng basta. Ngayon galit siya sakin, gumaganti siya? Gusto niya masaktan ako? I guess it’s a big yes.
Yun lang ang sinasabi ng mata niya, sinasabi ng galaw niya, gusto niyang habulin ko siya, gusto niyang gawin kong lahat. Para mapapayag siya, itataya ko nanaman yung puso ko sa isang larong malabo akong manalo. Nabuntong hiniga ako. This is the consequences for leaving him? Sana pala kinausap ko muna siya, Sana nagtanong ako, Sana lahat ng naiisip ko, ginawa ko nung mga panahon okay pa kami.
Kailangan ko siguro harapin yung galit ni Ivan, Siguro nasaktan ko yung ego niya, oo nararamdaman ko this past few days, parang mutual pero hindi naman ako sigurado e. Kaya natakot ako. Haaay.
EWAN KO BA! Naguguluhan ako, mali ba ako sa ginawa ko? Para magalit siya sakin ng ganito? Kulang na lang kamuhian niya ako. Sorry Ivan ididn’t mean to hurt you but I did.
**
“May probelama ba?” Tumingila ako kay mint, umiling ako sabay bumuntong hininga,
“Wala ba yan? Ano Onion sabihin muna”
“Galit siya sakin Mint, he hates me” Yumuko ako, alam kong ano mang oras tutulo yung luha ko, Hindi ko naman sinasadya kung nasaktan ko siya, pinrotektahan ko lang yung puso ko, dahil alam ko kapag nagtagal ako don, sa piling niya, madudurog lang ako.
“Talang magagalit sayo yon, ikaw ba ang iwanan ng walang dahilan e”
“Pero mint hindi naman siya nagsasalita kung anong meron kami, we acting like lovers pero hindi naman kami” Kunot noo kong sagot.
“Merong mga lalaki indenial Onion, hindi nila kayang maging vocal lalo na sa nararamdaman nila”
“Pero hindi ko naman alam kung anong lugar ko sa buhay niya” Sabay tingin ko sa kalangitan.
“Tinanong mo ba?” Umiling ako. Nakakatakot tanungin e, natatakot ako. Natatakot ako sa rejection na maririnig ko galing sakaniya.
“Eh engot ka pala, dapat nung pumasok ka sa sitwasyon na yan nagtanong kana”
“Pero natatakot ako mint, what if he rejects me?”
“What if hindi?” Balik tanong niya sakin. Siguro nga ako yung may kasalanan, kung bakit he hated me now. Siguro ako yung may mali, pero kung itatama ko ba yun, tatanggapin niya kaya ako? Hahayaan niya kayang itama ko yung pagkakamaling ginawa ko?
“Harapin mo na lang siya, harapin mo yung galit niya, ikaw may gawa niyan e,” Napatingin ako sa palayong pigura ni mint. Kaya ko nga bang harapin? Kakayanin ko ba? I wish kahit konti sa isang daang porsiyento na pagkamuhi niya sakin kahit 10 percent lang kahit 10 percent na lang yung pagkagusto niya sakin, tatanggapin ko.
BINABASA MO ANG
Seducing You.(Completed)
Ficção AdolescenteWhat if two hearts cant handle the pain anymore? Will there be a second chance for their story? Will they choose one another? Or they'll just have to let go and move on?