Onion’s POV
Nagising ako, nakita ko siyang halos pinagkakaisya yung sarili sa couch, parang may humaplos na awa sa dibdib ko, masiyado ba ako naging hard kay ivan, tumingin ako sakaniya habang natutulog, ang tangos ng ilong ang gandang mata, mga kilay na makapal pero bagay, yung labi na kahit sinong babae gustong halikan. Nagulat na lang ako ng may humila sakin.
“Ahhh ivan!” Pero niyakap niya lang ako, nakapatagilid kami pareho. Para magkasiya kami sa higaan niya.
“Namiss mo’ko no, kunwari ka pang may palock-lock ikaw din pala di makatiis” Napairap ako, sampalin ko’to e.
“Alam mo kung anong tawag sayo Ivan?”
“Ano?” He smiled. Nako hindi ako madadala ng ngiti-ngiti na yan.
“Assumming!” Sabay tawa ko, niyakap niya ako ng mahigpit. Biglang tumahimik ang lakas ng heartbeat ko, para bang yung puso may gustong itanong kaya lang nakakatakot e.
“Sorry” Dati, nung simula pa lang kami, yan ang mga salita na sobrang dalang mo maririnig sa labi niya. Yung para bang ang hirap para sakaniya humingi ng sorry. Pero ngayon kita mo nga nagsosorry na.
“Para saan?”
“I guess sa kanina, I swear baby siya yung lumapit sakin” Naningkit yung mata ko.
“Tapos?”
“Then ayon she’s asking me, if I know her, tapos tinanong kita sabi niya, may kasama ka daw lalaki” Napakunot yung noo ko.
“Naniwala ka naman”
“Kasi naman eh, ang naisip ko agad kasama mo si javed” napailing na lang ako.
“Alam mo ivan si Mel, si galema yun, malandi pa sa malandi yon, kahit nga ata matandang mayaman na hindi naliligo papatusin non” Pairap na sabi ko sakaniya.
“Sorry na, alam mo naman kapag si Javed ang pinaguusapan e” Nakaisap ako ng kalokohan.
“Paano nga kung gusto ko si Javed?” Kumot yung noo niya.
“Hindi magandang biro Onion” Ngumiti ako.
“Ang gwapo niya kaya, mabait, masipag, sweet, laging nakasmile” Kinikilig na sabi ko, nagulat ako ng bigla siyang tumalikod.
“Si Mint din naman ah” Natahimik ako, kahit na kaibigan ko yung sinabi niya hindi ko maiwasan makaramdam ng selos.
“Ano si mint?”
“Sexy, maganda, mabait type ko siya actually” Parang gusto kong ihagis yung couch sa pababa sa building na’to kasama si Ivan take note.
BINABASA MO ANG
Seducing You.(Completed)
Teen FictionWhat if two hearts cant handle the pain anymore? Will there be a second chance for their story? Will they choose one another? Or they'll just have to let go and move on?