Onion’s POV
Akala ko simbagal ng pagmomove-on ko ang panahon pero hindi pala, anim na taon na mula nang umalis siya, mula ng iwanan ako ni Eron, iwanan ako ni Ivan, silang dalawa nila iniwan nila ako, sa anim na taon nagbakasakali ako makikita ko siya, makakausap, makakasama.
Pero mailap talaga ang pag-asa saming dalawa, kasi kahit anong mangyari hindi kami pinaglalapit ng tadhanan, para bang lagi na lang binabawal na tadhanan na magkita kaming dalawa.
Six years na, six years na simula ng magkagulo saming dalawa, simula ng maging asawa niya si Lexa, naging boyfriend ko si Eron, six years na ang lumipas, pero still kahit konti lang, kahit konti hindi nabawasan yung pagmamahal na meron ako para sakaniya.
Maniniwala ba kayo sa six years na yon, isa na akong ceo ng sarili kong kompaniya, at sila pepper, mint, garlic may asawa’t anak na. Samantalang ako naghihintay parin sakaniya, umaasa padin sa second chance, umaasa padin ako na babalik siya.
Six years na ivan, maayos na ang lahat, sana. . sana tayo din may chance na maging maayos sana tayo din pwede nang maging masaya.
“Ma’am Onion”
“Come-in”
“Ano iyon George?”
May inabot siya sakin sobre, kinabahan ako pero inabot ko. Sana alam ko na kung nasaan siya, sana makita ko na siya. Dahan-dahan kong binuksan yung sobre napangiti ako ng makita yung picture niya, mukhang masaya siya.
“Ma’am ayon po sa imbistigasyon namin ni Gina, nakatira na siya dito sa pilipinas malapit lang sa kaniyang opisina dati”
“About her wealth okay ba siya? Hindi ba siya nagkasakit”
“Nung sinundan-sundan po siya ni Gina, sabi ni Gina makikita kay Mr. Javier ang pagiging malakas ang resistensiya” Ngumiti ako.
“Saan yung address ng bago niyang kompaniya?”
“Ayon po dito ma’am sa quezon ave po, limang bloke po ang layo dito sa opisina niyo, ang company po ni Mr. Javier ang pinakamayamang advertising company ngayon” Napangiti ako.
“About sa” Naginit yung pisngi ko.
“Single po siya” Nanlaki yung mata ko, na ikinatawa ni George.
“Sorry ma’am” Ngumiti ako.
“It’s okay, thanks George”
Huminga ako ng malalim, andito kana pala hindi ko na kailangang ikutin ang buong mundo para makita kita ulit, para makasama kita, para mahalin kita ulit, ngayon ipaglalaban na kita, ipapakita ko sayo yung hindi ko nagawa nuon, kahit ligawan kita, kahit akitin kita mahalin mo lang ako ulit gagawin ko, gagawin ko ang lahat ivan maging akin ka lang ulit.
Ivan’s POV
Niluwagan ko yung necktie na suot ko, masiyadong nakakapagod ang magpatakbo ng advertising company, lalo na kung hinahanggan ng husto at pinagkakaguluhan, and now I’m back I hope everythings fine, everything okay. Napatingin ako sa litrato sa condo ko.
Ang bilis ng panahon Onion, anim na taon na tayong hiwalay, kamusta kana? Siguro may anak at asawa kana, siguro masaya kana, pero wag ka magaalala tinupad ko yung pangako ko sayo na ikaw lang, nuon at hanggang ngayon ikaw lang.
“Sir?”
“Yes Lilly?”
“Sir may gusto daw pong kumausap sainyo, old friend niyo daw po” Napakunot ang noo ko old friend?
“Yes sir papasukin ko po ba?” Tumango ako. Habang abala ko sa pagtingin sa dokumento ng tumaas ang tingin ko.
“Lexa.”
BINABASA MO ANG
Seducing You.(Completed)
Novela JuvenilWhat if two hearts cant handle the pain anymore? Will there be a second chance for their story? Will they choose one another? Or they'll just have to let go and move on?
