SY-Twenty

3.9K 76 6
                                    

Onion’s POV

Ang sakit hilingan sa isang tao yung bagay na ayaw mong hilingin, siguro sa sobrang sakit ginusto mo na lang bumitaw na at yun yung nagawa ko kagabi, yung sinabi ko sakaniyang nakakapagod siyang mahalin, siguro ganun talaga kapag naghahalo na yung nararamdaman yung pagkalasing, yung sakit, yung pagmamahal, yung pagpaparaya.

Ayoko naman kaya lang, mukhang may mga bagay na kailangan ng bitawan, hanggat maaga pa, kasi alam ko kapag tumagal’to masisira ako at si Ivan, masisira yung buong pagkatao hanggang pati pagmamahal ko sa sarill ko mawala na.

Masakit kasi magmomove-on ako, pero hindi naman naging kami, masakit kasi hindi na pala pwede maging kami, lalong masakit kasi ikakasal na pala siya iba. Tumayo ako palabas sana ng kwarto.

“Onion okay ka lang?” Kita ko yung pag-aalala sa mukha ni Pepper. Tumango ako pero ang tinde talaga sakto pagtingin niya may tumulong luha sa mata ko.

“Hindi ka naman okay eh” Niyakap niya, ako, yumakap ako ng mahigpit kay Pepper. Ito yung tipo na lovestory na nagsisimula pa lang, may ending na agad, ang masakit don wala man lang sila title bago magwakas ang lahat.

“Si Ivan ba? Sasapukin ko yun papabugbog ko kay willson” Bumitaw ako ng yakap kay Pepper.

“Wag na gaga, okay lang ako. Malakas ako e” Tinapik ko siya at tuluyan na ako pumasok sa banyo, bago ako pumasok napaupo na lang ako. Hanggang pagkagising ko nasaskatan padin ako.

Naglasing na ako lahat-lahat wala parin, hanggang ngayon masakit, masakit ulo ko pero masakit yung puso ko. Nakakainis naman kasi bakit ganoon? Bakit yung pagmamahal ko ginagawa lang joke ni ivan?

Nakakainis kasi ang unfair, gustong-gusto ko pa siyang ipaglaban pero bakit talo na agad? Bakit tapos na agad? May fiancée na siya, kasal na lang ang kulang bubuo na siya ng isang pamilya.

At ako ang pangarap ko lang magkaroon ng lebel yung relasyon namin, malabo pa, malabo na nga sobrang lumabo pa. Sa pagitan namin meron nang Lexa, Lexan a fiancée niya, Lexa nauna sa puso niya, Lexa na ihaharap niya sa dambana. At ako pagkatapos ko mahulog, kailangan bumangon magisa. Kahit masakit kahit na parang hindi ko kaya.

Kagabi matino ako, kahit na yung puso ko durog na durog na. Kahit pakiramdam ko hindi siya kayang buin magisa. Ang sakit-sakit ayoko naman kaya lang paano ko ipaglalaban ang isang taong sinusuko nang puso ko?

Lumabas ako ng banyo nakita kong napahinto yung tatlo, nakatingin sakin. Dali-dali ako umakyat sa itaas at sa ikatlo ikaapat? Umiyak nanaman ako. I know ang sakit maglet-go kaya lang.

Kaya lang hindi na talaga pwede eh. Hindi na.

“Sis okay ka lang?” Ngumiti ako kay Mint at tumango.

“Pipiliting maging okay” I said, habang pigil ang pagiyak.

“Gago talaga yung Ivan na yon, sinungaling pa” Naiinis na sabi ni Garlic.

“Tama na Garlic tapos na, at matatapos na talaga ngayon” I smiled. Nagpaalam ako sakanila siguro nga dapat ng matapos to. Hindi pwede kahit mahal ko pa siya hindi na maari.

**

Huminga ako ng malalim bago buksan yung pintuan ng condo niya, pumasok ako sa loob wala namang nabago, mamiss ko yung lugar na to, mamimiss ko yung mga memories dito.

“Baby.” Agad akong lumingon.

“Ivan. .” Tumingin siya sakin.

“Baby I’m sorry for lying, for hurting you over and over again” Ngumiti ako kay Ivan.

“Tumayo ka Ivan” Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Shit hindi ko kaya para akong mamatay ngayon magpapaalam ako sakaniya.

“Ivan you know how much I love you right? You know right” Bulong ko.

“Yes I know baby, I know. .”

“It’s so hard to let you go because I love you. .” Tumingin siya sakin na para bang naguguluhan.

“Baby what are you saying?”

“Kagabi nagusap tayo diba? Malinaw ang utak ko non Ivan, alam ko lahat ng sinasabi ko, lahat-lahat alam ko” Nagulat ako ng muli siyang lumuhod.

“Please baby no, I want you, I love you I need you please, ipaglaban mo naman ako wag mo naman ako iwan” Huminga ako ng malalim.

“I tried so hard many times to fight for you Ivan, I tried many times, pero hindi lahat ng pinaglalaban nagtatagumpay like us” I smiled

“NO! Baby please. . please patawarin mo’ko” Pumikit ako at hinalikan ko siya sa labi. I know this is the last time na mamahalikan ko siya at mamayakap. Kasi tinanggap ko na talo na’ko. Na kahit anong pursige ko na ipaglaban siya kung hindi naman talaga siya para sakin wala din.

“I’m letting you go” Pumasok ako sa kwarto at dahan-dahan ineempake lahat ng gamit ko.

Ivan’s POV

Pinanuod ko siya habang inieempake yung gamit niya, I was like tangina nasasaktan ako ng makitang iiwanan na niya ako for real, wala ng balikan, lumuhod na ako, ginawa ko na ilang beses pero manhid na ata ang babaeng mahal ko dahil sa sakit na dinadanas niya sakin.

“Can I ask you one question please?” Napatingin siya sakin at tumango.

“Tatanggapin mo pa ba ako ulit kung sakaling bumalik ako sayo” She nodded and smile.

“Tatanggapin kita, kapag hindi na ganito ka-complicated ang lahat, alam mo namang sobrang mahal kita diba?” I nod.

“Magtanan na tayo, sumama ka sakin, lumayo na tayo iwanan natin ang lahat to Onion, marry me, marry me and stay with me forever baby. .” Tumingin siya sakin.

“Kahit umoo ako sayo Ivan, kahit ilang beses ko sabihing oo alam natin dalawa na hindi na pwede, na kahit saan tignan mali” Hinawakan ko yung kamay niya.

“Please wag mo’ko iwan. Please I beg you” Naramdaman kong yumuyugyog yung balikat niya.

“Ang hirap na kasi Ivan eh, alam mo kaya naman kitang ipaglaban eh, kaya lang Ivan hindi mo naman ako nabigyan ng karapatan eh” Umiiyak na sabi niya, siniil ko ng halik ang labi niya.

“May karapatan ka, sayo ang puso ko, mahal kita” Ngumiti siya.

“Ang complicated ng lovestory natin no? Pero alam mo kahit ito pa yung maging lovestory ko sa nextlife ko, kahit ganito pa kacomplicated o mas complicated pa tatanggap ko basta ikaw ulit yung mamahalin ko” Tumayo siya at dahan-dahan lumabas ng kwarto.

Habang nakikita ko siyang umaalis pakiramdam ko sumisikip yung puso ko, hindi ako makahinga, bakit ba kasi ganoon, bakit ba ang tanga ko? Naging kampante ko na walang sisira, wala ng mangugulo saming dalawa, bakit ganito ngayon? Biglang nagring yung phone ko.

“Ivan. .”

“Are you happy now? Okay pakakasalan na kita” I hung up.

Muli akong tumingin sa palayong pigura ng mahal ko, Maybe next time baby, Maybe next time. We can be happy. I love you

♥♥♥♥♥

Ano nang mangayayari ngayong niletgo na ni Onion si Ivan, They can get a second chance? O tuluyan ng magpapakasal si Ivan kay lexa? Ating alamin! Happy reading! Labyu Vote & Comment

Seducing You.(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon