Onion’s POV
Tumingin ako sa relo ko, alas-dose na. Hindi naman siguro ako si Cinderlla para matapos ang lahat ng to dahil dumating na ang takdang oras, hindi ko siya kailangan takbuhan dahil kahit kailangan hindi na ako aalis sa tabi niya.
Hinding-hindi na.
“Anong iniisip mo?” Tumingin siya sakin.
“Anong nangyari sa marriage niyo ni Lexa?” Tumingin siya sakin at ngumiti.
“Hindi nagwork kahit anong pilit ko, ikaw talaga e” See? AKO TALAGA! AKO YUNG MAHAL NUON HANGGANG NGAYON AKO LANG.
“Sigurado kabang ako lang?” Hinawakan niya yung kamay ko, hinila niya ako papalapit sakaniya.
“Kelangan mo pa bang magdududa, diba alam mo naman ang lahat nangyari sakin” Pakiramdam ko namula yung pisngi ko.
“Hindi ah” Well kahit alam niya pa, hinding-hindi ko aaminin na pinasusundan ko siya at inaalam ko kung ano ng nangyari sakaniya.
“Kunwari ka pa, alam kong pinasusundan mo’ko, magtataka pa ba ako 24/7 ko nakikita yung lalaki na nakasunod sakin kulang na lang ata pati cr sumama siya” Tumingala ako para itago yung ngiti ko.
“Inaalam mo ba kung papalitan kita” Natawa ako.
“Inaalam ko ang kalagayan mo kasi mahal kita” Tumitig siya sakin ng maigi. Para bang itong gabi ito yung gabi na para saming dalawa lang, ang dami na kasi na sayang na araw, panahon.
“What if hindi ako umuwi? Maghihintay ka parin ba?” Tumingin ako kay Ivan nakatingala na siya.
“Oo naman, susundan pa kita, pero umuwi ka naman eh, sabi ko sarili ko gagawin ko lahat para bumalik ka, para mahalin mo’ko ulit pero wala na pala ako kailangan gawin” Ngumiti ako at tumingin sakaniya.
“Eh ikaw ba? Hindi mo ba ako hinanap? Hindi mo ba ako namiss minsan ba naisip mo’ko?” Natawa siya.
“Anong minsan, madalas nga halos hindi ka na nga mawala sa isip ko, buong akala ko Onion kasal kana” Nanlaki yung mata ko.
“Hindi ako magpapakasal kung hindi lang din sayo noh! Ang dami ko ng sinakripisyon kung hindi lang din ikaw handa akong forever single” Ngumiti siya.
“Paano kung hindi pa ako handa magpakasal?” Di ka pa handa? Ang tagal na nasayang satin dalawa? Hindi kaba handa? Baka di na tayo magkaanak niyan ivan.
“Hihintayin kita, maghihintay ako mahal kita eh” Nagulat ako ng bigla niyang sakupin ang labi ko.
“You have no Idea how much I missed you, how much I wanted to be with you mahirap sa Usa, mahirap kasi wala ka sa tabi ko” Nagteary-eyed ako kasi naman si Ivan eh.
“Kasi ang tagal mo nawala eh, bakit hindi ka bumalik agad? Nakakainis ka ang tagal-tagal ko naghihintay!” Kinabig niya ako at niyakap.
“Tapos na ang paghihintay baby” Ngumiti ako.
“Andito na’ko hindi nakita iiwan” Humiling ako sa dibdib niya, sino nga ba naman makakapagsabi sa pagdaan na matagal ng panahon ang mga puso parin naming ang nakatakda sa isat-isa ang mga puso namin nasaktan, nagparaya at nagmahal.
Ivan’s POV
Tumingin ako sa oras ko, 4:30 malapit ng sumikat ang araw, at sa pagsikat ng araw isa lang ang mahihiling ko na sana habang buhay ko ng makasama yung babaeng nasa tabi ko.
God you have no Idea how happy I am, thankyou for all the things that you’ve done, tama ka nga nakaplano ang lahat, nakaplano ang lahat kung saan tuluyan na kaming magiging masaya.
“Baby” Tinapik ko yung pisngi niya ng mahina. Kahit kailangan talaga antukin to, kinapa ko yung bulsa ng coat ko na nakasuot sakaniya, sayang naman ang singsing na’to kung walang magsusuot.
Sabi ko nuon nung lumayo ako, magkaroon lang ng isang magandang pagkakataon para saming dalawa, yung pagkakataon wala ng kontrabida, wala ng hahadlang, yung pagkakataon para samin na lang dalawa, at ngayon dumating ang pagkakataon na yon.
Napangiti ako ng makita parin siya tulog, gusto ko yung mukha lang niya ang makikita ko bago dumilat at bago pumikit ang mga mata ko, siya yung babaeng pangmatagalan yung babaeng hindi mo pwede sabihin na basta-basta lang.
Siya yung nagpakita ng sakin kung ano ang mundo, kung paano ka makikibagay sa ibang tao, kung paano mo ipapakita ang tunay na ikaw, siya yung nagturo sakin ng tamang pagmamahal, yung pagmamahal na hindi mo kailangan maging maramot. Yung mga naranasan namin yung naging daan para bumalik sa bawat isa.
Aaminin ko tinangka ko palitan siya, pero wala eh alam mo yung pakiramdam na gugustuhin tumingin pero tumatalikod kana kasi naalala mo siya, ganoon lagi yung pakiramdam ko.
Sa anim na taong hindi ko siya nakita, hindi ko siya nakasama, hindi na ako papayag na tumagal ulit na ganoon katagal na hindi ko siya makakasama, na hindi ko man lang masasabi sakaniya na sobrang mahal ko siya.
“Baby. .” I whisphered. Dahan-dahan niyang minulat yung mata niya, at nasilayan naming ang pagsikat ng araw, bagong pagasa, bagong buhay, bagong kwento na sisimulan ulit naming dalawa.
Tumingin ako sakaniya at dahan-dahan lumuhod.
“Ivan ano bang ginagawa mo?” I smiled.
“Alam ko, ang daming dami nating pinagdaanan, ang daming nangyari, ang daming naging sagabal sa pagmamahalan natin dalawa, but I hope we can still like the same time before yung ikaw lang ako”
“Ivan naman ano bang sinasabi mo, bakit parang namamaalam ka iiwanan mo nanaman ba ako?” Natawa akong tumayo at hinalikan siya sa ulo pagkatapos lumuhod na ulit.
“Sabi ko sayo hindi na diba? Dahil ikaw lang. Nakikita mo yung araw na yan ganyan kaliwanag ang mundo ko kapag nasa tabi kita will you be sunshine baby? Forever?” Ngumiti ako nakita kong pagagos ng luha niya.
“Nakakainis ka! Pinagplanuhan mo’to, kunwari ka pang hindi handa” Natawa ako.
“Baby yung sagot”
“I will be you’re everything ivan forever”
Niyakap ko siya ng mahigpit, what can I say? Alam ko na ito na yung right time, right place, right person, right everything. Wala ng pwede pang humadlang sa aming dalawa, at alam ko na kahit anong mangyari, kahit gaano kasakit, gaano kahirap ang pagdaanan naming dalawa.
Alam ko mananatili kaming matatag, dahil ang pundasyon namin matatag na. Sino nga bang makakapagsabi ang babaeng nagbato ng sapatos sakin ay siya pa lang magiging Cinderella ng buhay ko.
“I love you” Ngumiti ako at hinalikan siya sa labi.
“I love you too”
♥♥♥♥♥
Tissue please, god ang sarap sa feeling yung sabihin ka ng “I will be you’re everything!” At matatapos na siya! Hahahahaha Last chapter to go. Vote & Comment mwah :*
BINABASA MO ANG
Seducing You.(Completed)
Teen FictionWhat if two hearts cant handle the pain anymore? Will there be a second chance for their story? Will they choose one another? Or they'll just have to let go and move on?