SY-Nineteen

3.9K 83 2
                                        

Onion’s POV

Serenade me with a front of many people? Sino ba ang hindi matutuwa kapag ginawa sayo yun? Ang ipinagtataka ko lang nasabi naman niya sakin na mahal niya ako, napatunayan narin niya pero bakit hindi parin kami? Bakit hanggang ngayon wala paring kami? Tapos na yung kaso samin ni Javed at Mint, nagselosan kami, nagkasakitan oo. Pero tapos na yun pero bakit hanggang ngayon wala paring new chapter sa buhay namin ni Ivan?

Hanggang M.U na lang kami?

Hayts. Napatingin ako sa bintana, oo wala kami pinagkaiba sa ibang lovers, madalang man siya magiloveyou pero nararamdaman ko yung love niya, pero hello 21st cebtury na tayo. Yung iba nga naghi lang sila na agad eh kami ang dami nanaman kinembutan wala padin.

STATUS NAMIN : M.U

Hindi naman sa nagmamadali ako, pero sige hindi na ako magsisinungaling atat na ata na’ko maging kami. Gusto ko siyang maging boyfriend bakit hindi? Mahal ko naman siya, mahal niya rin ako pero bakit ganoon? Bakit hindi pa maging kami, wala naman kaming hinhintay pakiramdam ko mauunhan ako ni Garlic. Nakakainis lang.

Ako na lang kaya ang manligaw?

Ako yung mangharana?

Ako yung magpdala ng flowers at chocolate?

Baka pwede dahil dun matauhan si Ivan na maisip niya na, ibang klase si Onion nililigawan ako, ako dapat ang gumagawa nun tapos ang ending kami, hindi ko na siya hahayaang ligawan ako sagutin ko na siya agad.

Pero paano ko gagawin yon? Ni hindi nga siya nagtatanong kung gusto niyang maging kami o ilevel-up yung relationship status naming dalawa.

Arg! Nafufutrate ako sa letseng relationship status na yan! Bahala siya kapag may nanligaw sakin bahala talaga siya.

“Ma’am onion”

“Yes Les?”

“May bisita po kayo” Ngumiti ako.

“Sige papasukin mo”

Nagulat ako ng tumambad sakin ang isang sopistikadang babae na kasing ganda ng mga supermodel sa America pero naiwan ata ang itunuro sakaniya na mabuting asal ng parents niya.

“What can I do for you?” I smiled. Tinaasan niya ako ng kilay.

“Hindi mo ako kilala? I’m Lexa Servendes”

“Excuse me?”

“Lexa Servendes, top model sa America” Napa-ah na lang ako, but well hindi importante sakin kung ano man ang posisyon niya sa mundo, basta ang alam ko hindi niya kasama ang manner niya ng pumunta siya sa pilipinas.

“So what brought you here” I asked.

“You know ivan right?” Tumango ako.

“Stay-away to my fiancée” Hindi ko napigilan na matawa ako, para kasing joke lang yung sinabi niyang fiancée niya si Ivan, mahilig pala si Ivan sa maruffles na damit. Haha-

“Why are you laughing” Ngumisi ako.

“Wait lang Ms. Ruffles este Lexa” Agad-agad kong dinialed yung number ni Ivan, siyempre .O seconds lang sinagot na niya mahal ako nito eh.

“Yes baby? Miss me?”

“Uhm Ivan may pumunta kasi dito sa office fiancée mo daw” Diretsahang sabi ko, bakit pa ako magsisinungaling?

“Sinong Fiancee?” He asked. Tumingin ako kay Lexa.

“Lexa sino ka daw sabi ni Ivan?” Maamong sabi ko, nakita ko tumaas yung kilay niya.

Seducing You.(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon