SY-Sixteen

4.1K 81 0
                                        

Onion’s POV

This is it, huminga ako ng malalim bago ngumiti, sa isa-isa-isang araw birthday ko na, sana naman kahit walang regalo kahit si Ivan na lang, kahit dun na lang sa birthday ko, kahit dun lang aminin niyang mahal niya ako.

“Ngingiti-ngiti kayo na ba?” Nakangising sabi sakin ni Mint. Umiling ako, natawa ako sa gaga na’to nung nagaminan kami. Natawa pa siya sakin.

“Bakit masaya ka di pa pala kayo?” Nakairap na sabi niya sakin.

“Bakit kapag nakangangiti kami na agad?” Pairap kong pabalik. Tinulak niya naman ako, natawa na lang siya at nagpeace sign. Gaga’to kung wala lang ako sa mood baka gumanti ako. Hahahaha

Bumaba na’ko time to go office may trabaho akong inaasikaso hindi lang naman kay Ivan umiikot yung mundo ko, pero aaminin ko halos kalahati ng mundo ko sakaniya umiikot. Buhay pag-ibig oo.

Mabilis naman ako nakarating sa office kasi hindi naman masiyadong traffic, sumilip ako sa cellphone ko, Bakit wala padin galing text sakaniya eight thirty na. Mukhang tulog siya o napuyat?

Pinilig ko yung ulo ko, hindi ko kailangan maging possessive, Isa pa my tiwala naman ako sakaniya, sinabi ko na, alam ko tanggap ko na hindi niya ako kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ko ayos na sakin yung mananatili siya sa tabi ko kahit anong role ko sa buhay niya tatanggapin ko.

Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan, pero bago ako makapasok sa loob para akong kinabahan na ewan, para bang may nagsasabi sakin ng mga oras na yon na sa lugar na iyon nandoon si Ivan. Lumakad ako papalapit sa mga kotse habang naglalakad ako mat natanaw ako dalawang bulto, nagtatawanan.

Napakunot yung noo ko habang nakikita ko si Ivan na nakikipagtawanan kay Mel, at itong Mel na’to kung makapaghampas kay Ivan akala mo close sila, may nagsasabi sa sulok ng puso ko na tumalikod na ako at nasasaktan ako. May nagasasabi din sakin na lumapit ako. Damn hindi ko alam kung ano ang susundin ko.

Nakailang hakbang palang ako papalapit ng bigla ako tumalikod ng marinig ko yung boses ni Mel.

“You really amazed me Ivan” Biglang may kumidlit na sakin sa puso ko, bakit niya tinatawag na ganon si Ivan diba dapat Mr. Javier?

“You too Mel” Napapikit ako, it hurts damn it hurts so much. Nagsimula akong lumayo, kaya pala busy siya, kaya pala hindi siya nagtetext may iba pala siyang pinagkakaabalahan.

Mabilis akong nagtungo sa opisina.

“Onion are you okay?” Ngumiti ako kay Rick.

“I’m fine rick” I wish I am. I wish :/

Pumasok ako sa loob ng office ko, nakatitig lang ako sa kisame hanggang sa maaupo ako. Nasasaktan ako kahit na wala akong karapatan masaktan, yun palang nakikita ko nagkakaganito na’ko what if makita ko silang naghahalikan baka nakapatay na ako.

Pumasok ako sa banyo at doon impit na umiyak, kailangan kong ilabas dahil alam ko paglalo ko tinago lalo akong masasaktan lalo akong iiyak.

**

“Ma’am Onion andito po si Mr. Javier”

“Ah pakisabi Gin busy ako” Tumingin ako ulit sa dokumento na nasa harapan ko, damn dokumento ang kaharap ko pero naiiyak ako. Bakit ba kasi sinabi pa yung pangalan niya.

“Hey I got you!” Napahawak ako sa dibdib ko, ng makita ko kung sinong yumakap sakin patalikod.

“W-what are you doing here?” Pilit ko kinalma yung sarili ko.

Seducing You.(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon