SY-Seven

4.7K 90 0
                                    

Onion’s POV

Bakit ba ako nagaayos para sakaniya? Siyempre inlove ka. Napailing siya, mukhang masama ang presensiya ni Ivan sakaniya, kagabi ng yakapin siya nito, pakiramdam niya end of the world na.  Hinalo niya ang sinagag na niluluto niya.

“Ano yang niluluto mo?”

“Aymahalkita” Napahawak siya sa dibdib niya, napatingin siya sa likod niya, It was ivan bakit ba kasi nangugulat ito. Para siyang aatakihin sa puso tuwing nasa tabi niya ito, katulad ngayon hinawakan niya ng maigi yung sandok.

“Anong sabi mo?” Kunot noong sabi nito. Ang sabi ko mahal kita! Napailing ako. Nababaliw na ata ako.

“Sinangag ano bang ulam ang gusto mo?” Tumingin ito sakaniya.

“Ano bang masarap na kapartner niyan?”

“Hotdog at egg o kaya bacon” Ngumiti siya at tumango.

“Yun na lang” Pakiramdam niya nahulog ang puso niya ng tapikin ito ang balikat niya, Ganito ba talaga mainlove? Simpleng bagay lang pakiramdam mo espesyal na.

Lumabas siya ng kusina, pero natigil yun ng makita niyang naghuhubad ng sando si Ivan, napatitig siya pababa. Bakit ata tuwing umaga palaging gustong-gusto nito naghuhubad at ipinafasinshow sakaniya ang katawan nito. At oo naakit ako, ngayon ko paba itatanggi ngayong mahal ko na siya?

Ng lumingon ito sakaniya, ay agad siyang yumuko at binalik ang tingin sa lamesa, ngayon niya aamin na mahirap kasama sa isang bahay si Ivan, mahirap pigilan ang sarili mong tignan ito, lalo na ngayon kaakit-akit ang itsura nito.

“Ang bango ah” Napalingon siya, nagtama ang mata nila, nagiwas siya ng tingin nagiiwas siya ng tingin, pakiramdam niya magasawa sila at pinaghahainan niya ito. Napailing siya. Asawa agad onion? Seriously?

“Hindi mo ba ako sasabayan?” Umiling siya.

“Bakit?”

“Uuwi ako sa bahay, bukas na lang ako uuwi” Nagtaka siyang tinigan nito.

“Go on, hindi mo kailangan magpaalam sakin, wala naman ako pakialam e” Nagtagis ang bagang niya, well oo nga naman gusto niyang batukan ang sarili niya sa inaasta niya.

“Ah okay” For the first time, gusto na niyang bawiin ang mga sinabi niya tungkol sa nararamdaman niya dito. Pumasok siya sa kwarto kumuha siya ng ilang damit hindi muna niya uuwian dito for three days, tutal naman sabi niya wala siyang pakialam e.

Lumabas siya sa unit nito ng walang lingon-lingon, wala naman daw itong pakialam hindi na niya pinagaksiyahan na magpaalam dito. Maybe she sound bitter, because she is nasasaktan siya e.

Nagdrive siya ng mabilis pagkatapos ng ilang oras nakarating din siya sa gusto niyang puntahan, mamaya uuwi siya, gusto muna niyang mapagiisa, hindi siya uuwi kay ivan kundi uuwi siya sa mga kaibigan niya.

“Sabi ko sayo lord, wag eh kita mo nasasaktan ako” Mahinang bulong niya, hindi naman siya sensitive dati pero bakit tila ngayon naghihinakit siya kahit wala naman siyang karapatan.

Ilang oras pa niyang hinayaan tumambay doon, pinatay din niya ang cellphone niya. Uuwi naman siya sa manila bukas siyempre may trabaho siya, pero hindi siya tutuloy sa unit nito uuwi siya ng Cabanatuan. at tungkol sa project kay Ivan magsisimula na iyon sa isang araw.

**

Nakatayo ako sa harap ng bahay ng mapagpasiyahan kong pumasok. Nagdire-siretso ako ng wala akong makita ni isa sa mga kaibigan ko.

"Mint". Pumasok ako agad, I need someone.

"Oh? Ano ginagawa mo dito". Humiga ako sa tabi niya, tumingin ako paitaas ewan ko ba, pero naiiyak ako.

Seducing You.(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon