After one year
Onion’s POV
Simula nung paguusap namin hindi na niya ako kinausap kahit tignan ata, siguro sa paguusap namin iyo naisip niya na wala akong kwentang babae kasi niloko ko siya, pero kung pwede ko lang bawiin lahat ng sinabi ko ng gabi yun, pero kahit ano naman sabihin ko wala ng magbabago, hindi naman magiging kami dahil hindi na pwede na.
“Okay ka lang?” Nakangiting tanong sakin ni Eron.
“Oo naman bakit hindi?”
“Okay kana pala sagutin mo na ako” Nakangising sabi niya.
“Pagiisipan ko” Naglakad ako palayo, pagkatapos ng pangyayari sa bora may naiwan parin pilat sa puso ko, Hindi ko siya kayang kalimutan tanggap ko na iyon, siguro babaunin ko na lang yung mga alala na namin dalawa. Hanggang duon na lang ang pwede kong gawin para makasama ko siya.
“Ano na sagutin mo na’ko tagal ko ng nanliligaw sayo eh” natawa ako ng makitang pagpapacute ni Eron, ito na ba ang tamang oras at panahon para pagmahal na ulit? I wish and hope so.
“Oo na nga kulit mo!” Nakangiting sabi ko. Bigla akong napahinto ng makita ko siyang nakatitig sakin.
“Seryoso yan? Wala ng bawian?” He smiled.
“Ayaw m ata eh, de wag na!” I joked,
“NO wala ng bawian” Ngumiti siya sakin at inakbayan ako, I hope so sana nga siya na talaga, sana maging masaya na kaming dalawa, alam ko matutunan ko din siyang mahalin. Alam ko malapit na mangyari yon.
**
“Hi mint!” Bumisita ako sa studio ni Mint, nakita kong busy silang dalawa ni Javed ito talagang dalawang to mahihiya ang langgam sakanilang dalawa.
“Hi onion blooming ka ata?”
“Nakamove-on na eh no Onion?” Ginulo ni Javed yung buhok ko. Tinapik ko yung buhok niya.
“Yeah at may ipapakilala ako sainyo, sana matanggap niyo siya” I smiled.
“Hulaan ko na, si Eron no” Lalong lumapad yung ngiti ko.
“Naks may lovelife na” Nakangising sabi ni Mint.
“Dalhin ko siya sa bahay mamaya” Tumango lang si Mint
Ivan’s POV
“Buntis ako kay Ivan” Tumingin ako sakaniya pero yumuko siya, damn paano siyang mabubuntis ngayong hindi ko pa siya ginagalaw kasi nagsisimula pa lang kami.
“Kanino?”
“Hindi ko alam, I went to bar pagkagising ko na sa hotel na ako, di ko alam” Huminga ako ng malalim.
“Akala ko ba aayusin natin yung relasyon natin Lexa?”
“Ivan sorry. . sorry”
“Alam mo, pinipilit ko siyang kalimutan para sayo kahit hindi ko kaya dahil mahal na mahal ko siya, para sayo iiwan ko lahat para magsimula tayong dalawa pero damn Lexa buntis ka asawa mo’ko pero hindi ako ang ama”
“Ivan sorry, gawin natin magtitino na ako” Umiiyak na sabi niya.
“Pagod na ako Lexa eh, alam mo iniisip ko sana kahit konti. . kahit konti naisip mo naman na worth it ka para ipagpalit ko sa babaeng mahal ko” Tumingin sya sakin.
“Tingin mo ba ivan maghahanap ako kung walang kulang?” Tumingin ako sakaniya.
“Pilit kong pinupuan yung kulang na yon Lexa para magwork itong relasyon na’to pero paano pa’tong maayos kung nagsisimula pa lang tayo sinisira muna?” Nakita kong lumuhod siya.
“Ivan please we can make it, a second chance please. . please” Tinayo ko siya, kasabay nun ang pagiling ko.
“Nandoon na ako sa point na malapit na kitang mahalin Lexa, pero sinayang mo eh, hintayin mo yung divorce paper maghiwalay na tayo” Nakita ko ang impit na pagiyak niya.
“At ano babalik ka sakaniya? Huli kana ivan sila na ni Eron” Pakiramdam ko piniga yung puso ko.
“Hindi ako babalik sakaniya, lalo na kapag nandiyan ka” Tumalikod at nagsimulang lumayo, pinipilit mong kalimutan para mahalin siya tapos gaguhin ka, simula ng nawala si Onion sa buhay ko nagkanda letche-letche na yung buhay ko. Pakiramdam ko wala din say-say ang lahat nasayang lang ang lahat sa wala.
**
“Pare?”
“Pasok ka”
“Saan ka pupunta?”
“Sa USA, lalayo wala ng kwenta ang buhay ko Javed, wala na matagal ng wala” Huminga ako ng malalim.
“Pare pwede naman kayong magusap pa, ngayong Malaya kana” Umiling ako.
“May mahal na siyang iba” Ngumiti ako kahit na hindi ko kayang tanggapin, nagtagumpay na siyang mahalin si Eron at alisin ako sa puso niya.
“Pero pare”
“I’m okay Javed pipilitin ko maging okay, pakikamusta na lang ako kay Onion kapag nagkita kayo” Inayos ko na yung bagahe ko, it’s time to goodbye, at sana sa pagbalik ko pwede na maging akin ulit si Onion at sana that time wala ng gugulo.
Onion’s POV
Masaya ako makitang tanggap nila si Eron, masaya ako kasi kahit papaano alam kong parehas na kaming masaya ni Ivan.
“Baby!” Nakita kong tumayo si Mint papunta kay Javed.
“Pawis na pawis ka Javed?” Takang tanong ko.
“Letse kasing Ivan pinabuhat sakin yung tatlong maleta niya” Bigla naman tumingin sakin si Garlic natahimik naman ako.
“Saan pumunta si Ivan?” Tanong ni Garlic.
“Sa Usa” Tumingin sakin si Javed bago ulit nagsalita.
“Hiwalay na sila Lexa, Lexa cheated him buntis si Lexa sa hindi kilalang lalaki” Napatingin naman sakin si Eron.
“K-kamusta siya?” Nagulat ako ng biglang tumayo si Eron at padabog na lumabas.
“Devasdated sayang daw kasi kung kelan natutunan na niyang mahalin don pa siya niloko” Huminga ako ng malalim.
“Nakaalis na ba siya?”
“Mga 30 minutes siguro aalis na yung eroplano” Lumabas ako para sundan si Eron.
“Eron. .”
“Shit lang akala ko ba pag-aaralan mo? Bakit hanggang ngayon siya padin?” Yumuko ako.
“Eron naman nagaalala lang ako kahit papaano may pinagsamahan naman kami” Nakita kong pagsarado ng kamay niya.
“Mahal mo pa kasi diba?”
“Eron please, wag ka magpaadala sa selos, ikaw naman na”
“Kasi wala siya eh, option ako eh” Napatigil ako.
“Ayoko na onion, ayokong maging habang buhay mong option” nakita kong palayong pigura niya, kahit ba papano hindi ko ba naparamdam sakaniya na mahal ko siya. Inilabas ko yung cellphone ko.
Tinawagan ko siya, pero hindi na siya sumasagot, bakit ba ang damot ng tadhana para saming dalawa? Kelan ba kami magiging masaya?
♥♥♥♥♥
OMOGOD ano ng mangyayari? Ang gulo ng sitwasyon nila. At I felt bad para kay Eron naging option nga siya, hindi man lang siya hinabol well sana may natutunan kayo! Vote & Comment kota na ako. Bye mwah! :*
BINABASA MO ANG
Seducing You.(Completed)
Teen FictionWhat if two hearts cant handle the pain anymore? Will there be a second chance for their story? Will they choose one another? Or they'll just have to let go and move on?