Chapter 2

6.6K 339 63
                                    

"Magandang umaga tay." Bati niya dito ng maabutan niya ito sa kusina na nag kakape

"Ang aga mo ata anak? Di ka naman masyadong excited diyan sa lakad mo mamaya ano? Mukhang mag damag ka ding hindi natulog ah." Pang aasar pa nito

"Tay naman, natulog ako syempre hehe mga tatlong oras tay."

"Naku naku anak pinapaalalahanan na kita ha hinay hinay lang diyan mahirap na."

"Tay naman kakain lang kami. Masyado naman kayo." Natatawang sabi niya sa ama

"Anak hindi imposible yang sinasabi ko, lalo nat mana ka sa akin habulin ng chicks." Sabay kindat sa kanya. "Pumarini kana at maipag handa kita ng agahan."

"Sus nambola kapa tay, malamang diyan mo nakuha si Nanay sa mga papogi mo ano po?." Nakangiting  tanong niya dito habang kinukuha ang pinggan na hawak nito.

"Ako na diyan tay, kaya ko na sarili ko. Maupo kana dun at ako na mag sasandok."

"Anak naman para dito lang kita napag sisilbihan sa bahay, hayaan muna ang tatay lumpo lang ako anak pero may kamay parin."

"Nag drama kana naman tay, oh siya sige na po." Nakangiti niyang pinagmasdan ang kanyang ama. Marami pa sana itong pwedeng gawin sa buhay kung hindi lang ito na aksidente. At kung sana kahit tinulungan man lang sila ng naka bundol para maipa ospital ang kanyang tatay baka naisalba pa ang paa nito. Sa ngayon ma tiyaga niya itong hinihilot ang binti nito pag naka uwi siya galing sa pag lalako. Naniniwala siyang makakalakad parin ito, kaya pinag sisikapan niya na maka ipon kahit papaano para maipagamot ang binti nito.

"Tay pag hindi ba ako naligo ngayon mangangamoy ako?"

"At bakit ka naman hindi maliligo anak?"

Napakamot siya sa batok na nahihiya. Ngumoso siya saka tinuro ang kanyang pisngi. "Kasi nga tay kiniss niya ako dito tay oh kahapon dito." Sabay turo sa pisngi

"Hindi ka na nga nag linis ng katawan kagabi, pati ba naman ngayon ayaw mo ding maligo? Aba matindi gusto mo atang maki kamag anak sa mga taong grasa anak. Haha."

"Tay naman eh."

"Maligo ka ikaw kukutusan na talaga kita. Haharap ka sa dalaga tapos hindi ka malinis. Naku anak ok lang mahirap tayo basta malinis tayo sa katawan."

"Oo na tay. Joke lang naman yun, ito naman di mabiro. Hehe." Natawa naman sa kanya ang kanyang tatay.

Matapos kumain ay niligpit niya ang pinag kainan saka inihanda ang banyo para maka paligo ang kanyang tatay. Dati ay siya ang nag papaligo dito dahil halos paralyzed ang kalahati ng katawan nito. Pero sa ngayon ay nagagawa na nitong maligo mag isa. Kahit anong pilit niya na alalayan ito ay ayaw naman nito. Nahihiya na daw ito sapagkat babae siya at hindi dapat nakikita ng babae ang katawan ng lalaki. Biniro pa niya ito na pareho naman silang lalaki. Pero makulit ito kaya hinayaan na lang niya. Inaayos na lang niya ang gagamitin nito para hindi ito mahirapan.

+++++++

"Jade ano? Sasama kaba mamaya?" Tanong ni Sally

"Saan ba?"

"Sa place daw nila Mike tayo mag lunch."

"May lakad ako mamaya Sall kayo na lang muna pass muna ako." Pag dadahilan niya.

"Sige kaw bahala." Saka nag martsa ito papunta sa cafeteria

Tiningnan niya ang relo mag aalas unse na pala. Naipangako na niya sa babaeng naka kuha nang bag niya kaya dapat lang na siputin niya ito mamaya. Ayaw niyang makita ito ni Sally dahil alam niya na maypagka matapobre ang kanyang kaibigan kaya nag dahilan na lang siya kanina. Nilibang na lang niya ang sarili sa pag babasa sa library dahil wala na naman siyang susunod na subject antayin na lang niya mag alas dose.

Gugma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon