Chapter 21

4.3K 240 88
                                    

"49"

🎶No, I ain't gonna comb my hair
Cause I ain't going anywhere
No no no no no no no no
I'll just strut in my birthday suit
And let everything hang loose

"57"

"Wait." Tinakpan niya ang bibig nito dahil hindi siya makapag concentrate. "I'll just strut in my birthday suit!! Binggo!!! So it's his birthday? Haha yooow
May nanalo na! So kaya pala siya tinatamad kasi birthday niya haha ayos ah." Binaling naman niya ang tingin kay Althea saka ito hinawakan sa magkabilaang kwelyo. "So can claim my price now?"

"Madaya ka an

Hindi na niya pinatapos kung ano pang sasabihin nito bagkos hinila niya ito sa kwelyo saka sinakop ang labi nito. Hindi rin naman ito umiwas kaya mas pinalalim pa niya ang halik dito. Hanggang sa maramdaman niya ang dila nito na pilit nag susumiksik sa kanyang bibig kaya malaya niyang ibinuka ang bibig para makapasok ito.

Isang malakas at marahas na pag  bukas ng pinto ang nakapag patigil sa kanila at sabay na napabaling dito.

"D-ddad?" Bigla siyang nanlamig ng makita ang ama. Naramdaman niya ang panlalamig ng kanyang kamay ganun din ang kay Althea. Kaya bigla ay binitawan niya ang kamay nito na nakakapit sa kanya.

Lumapit naman ang kanyang ama saka isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang kaliwang pisngi.

++++++++++

Nabigla siya sa ginawa ng ama nito kaya dali daling hinarang niya ang katawan para protektahan si Jade. "Sir huminahon ho kayo! Wag niyo naman hong saktan si Jade!" Di niya mapigilan ang pag taas ng boses ng harapin ang ama nito.

"At sino ka naman para pag sabihan kung ano ang pwede kung gawin sa anak ko ha?! hampas lupa!"

Marahas na hinahablot nito si Jade sa likod niya. "Ito ba inaatupag mo ha Jade imbes na pag aaral?!"

Nanginginig siya sa takot at hindi na mapigilang mapahagulhol sa magkahalong emosyon. "Dad! Wala naman kaming ginagawang masama!"

"Wala ha? Kaya pala nakikipag lampungan ka sa hampas lupa na yan! Hoy ikaw!" Turo nito kay Althea. "Wag na wag mong idadamay ang anak ko sa ka imoralan mo!"

"Dad tama na!"

"Sir alam niyo ho bang pwede ko kayong kasuhan ng trespassing?" Kalmadong sagot ni Althea ngunit bakas ang galit sa mukha nito.

"Ako ba tinatakot mo? Hindi porket nakuha mo na loob ng anak ko ay mag aasta astahan kanang mayabang at may alam! Baka gusto mong ipadampot kita sa salang kidnapping?! Ano pinag mamalaki mo?! Ito?" Sabay sipa nito sa kanilang lumang tv. "Ito ba? Itong kasing liit ng bahay ng daga pinag mamalaki mo?"

Di pa ito nakuntinto at pinag sisipa pa nito ang mesa sa may kusina at dahilan kung kaya nagka bagsakan at nag si basagan naman ang iilang mga babasaging plato at baso. Nakakuyom ang kamao at pulang pula ang kanyang mata  na nakatingin lang sa pinag gagawa ng ama ni Jade na halos sirain na nito ang lahat ng pinag hirapan nila ng kanyang tatay. Halos naman lumuhod sa ama si Jade para pigilan ang ama nito. Ngunit sadyang maypagka sa demonyo nga ata ang ama nito dahil parang wala itong naririnig. Kung hindi lang ito ama ni Jade ay baka kanina pa ito naka bulagta sa sahig.

Maya maya pa ay kusa din itong huminto sa pag sisira ng kanilang mga gamit. At tumingin sa kanya ng nakakaluko.

"Oo nga pala Jade nasabi mo na ba sa kanya oh ako na ang mag sasabi?"

"Dad!"

Nagpalipat lipat naman siya ng tingin sa mag ama at nalilito kung ano ang dapat sabihin ni Jade sa kanya.

Gugma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon