Chapter 12

4.8K 265 20
                                    

Nasasaktan siya sa pakikitungo ni Althea. Pero sino bang pinag luluko niya eh kasalanan din naman niya? MWF ang schedule ng therapy ng tatay nito. Pero ni ha ni ho ay wala siyang naririnig pag nagkikita sila nito sa bahay. Papasok lang ito saka mag bibigay ng merienda para sa kanila saka ito aakyat sa papag at hindi na ito bumababa para makipag usap sa kanila. Halos nasanay na rin siya sa tahasang pang dededma nito sa kanya gustuhin man niyang humingi ng tawad dito inuunahan naman siya ng hiya. Pero kahit ganun ang pakikitungo nito ay masaya narin siya pag nakikita niya ito tatlong beses sa isang araw kahit ilang segundo lang. Yung feeling na hindi naman umabot ng 24 hours ang relasyon nila pero ang nararamdaman niya ay parang sampong taon ang nasayang nilang relasyon. Tuwing nakikita niya itong pumapasok sa bahay nito namawis pa sa pagod, parang gusto niyang punasan at bigyan ng masahe ito. Pero hanggang tingin na lang siya dito. Kinuha niya ang bag saka mabilis na lumabas ng campus. Byernes nanaman araw ng therapy sabado at linggo niya itong hindi makikita.

"Bes saan punta mo?" Tanong ni Sally sakanya ng mag pang abot sila sa parking lot.

"Kina Althea, schedule ng tatay niya ngayon for his therapy."

"Aba kinareer mo na ang pagiging tanga bes."

"Whatever Sall." Bago pa siya mainis sa kung ano pang sabihin nito ay mabilis na siyang pumasok sa kotse.

+++++++++++

Nag bitbit siya ng pansit at mainit na tinapay pang merienda ng kanyang tatay at ng dalawang therapist nito. Dinamihan na din niya dahil minsan sumusulpot si Batchi ganitong nakakaamoy ng merienda sa bahay. Iniiwasan niya si Jade, tuwing nasa bahay siya ay nag lalagi lang siya sa papag at pinipilit matulog. Pero imbes na makatulog ay na didistract naman siya sa boses ni Jade. Minsan sinasadya niya din talagang makinig sa usapan ng mga ito. Pero minsan pag subrang pagod ay nakakatulog na din talaga siya at pag baba niya ay naka alis na ang mga ito. Hinahayaan na lang niya ang mga ito, total nakikita naman niyang maayos naman ang resulta sa gingawang therapy sa kanya tatay. Naigagalaw na din nito ang mga binti nito at malaking bagay na iyon sakanya.

Palapit na siya sa bahay alam niyang nasa bahay na si Jade dahil nakita niya ang kotse nito sa kabilang eskinita. Hindi kasi maipasok ang kotse nito dahil maliit ang bukana papasok sa kalye nila. Inayos niya muna ang damit niya saka malaking buntong hininga ang pinakawalan bago tinulak papasok ang pintuan. Parang may  sariling buhay ang mata niya at mismong kay Jade napatutok ito ng unang pasok niya. Naka uniporme pa ito at may hawak hawak na libro, naka upo lang ito palagi sa upuang maliit na ginagamit niya tuwing mag lalaba. Masyadong maliit kasi ang salas nila at na uukupa na halos ang buong lugar pag ganitong may mga bisita saka iisa lang ang sofa nila. Naaawa siya sa postura nito dahil ilang oras din itong naka upo lang ng ganun. Kung siya nga isang oras lang naka upo habang nag lalaba e nangangalay na,ito pa kaya na apat na oras naka upo duon habang nag aantay. Naiiling na lang siya, ginusto niya yan pwede naman sanang ang dalawang therapist lang ang pumunta sa bahay. Kumuha siya ng pinggan at inilagay ang pansit at mainit na tinapay sa salas at inaya ang mga ito na mag merienda muna.

"Anak hindi mo ba aayain si Jade?"

"Tay hindi ko naman pinag dadamot yan, kung gusto niyang kumain eh di kumain siya. Baka nag aantay pa na subuan e." Pag paparinig niya dito.

"Anak!"

"Sige na tay, iidlip muna ako." Pa akyat na siya at narinig pa niya ang sinasabi ng ama.

"Pagpasensyahan muna lang ang anak ko  Jade iha baka pagod lang talaga yun."

"Ok lang ho, saka kahit hindi naman niya ako alokin ay makikisalo parin ako sa inyu marami naman to." Nahihiya niyang sabi sa matanda. "Saka paborito ko na rin to tay, saan ba nakakabili nito?" Tanong niya sa matanda. Palagi kasing may bitbit si Althea na pansit parang naging paborito na nga din niya ito na pagkain tuwing andito siya. Kahit hindi masyadong maraming sahog na katulad ng pansit na nakasanayan niya. Kumuha siya ng tinapay saka ipinalaman ang pansit dito. Siya namang pasok ni Batchi saka walang hiya hiya na naki salo na rin sa kanila.

Gugma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon