Nagulat siya ng maagang pumasok ng room nila si Jade, akala niya ay kasama na naman nito ang lalaking tuko. Lalabas na sana ito ng makita siya ngunit pinigilan niya ito. Nakitang pa niyang may dala itong pagkain at narinig niyang inalok siya nito na sumabay. Gusto niyang matuwa ngunit pinag takpan naman niya ang ngiting gusto niyang ipa abot dito. Imbes na ngitian ito ay nakuha pa niyang asarin ito.
"No thanks, parang iba kasi ang gusto kung kainin." Pang aasar pa niya dito
Biglang nawala ang emosyon sa mukha nito at napalitan ng malamlam na titig sa kanya.
"Yan ba talaga gusto mo Althea?"
Ang kanina na mapanuksong ngiti niya ay biglang naging seryuso ng makita niya itong nag tatanggal ng batones sa suot nitong blusa.
"Jade nag bibiro lang naman ako." Tumayo siya para pumunta ng banyo para iwasan ito, ngunit maagap na nahawak siya nito at ipinaharap dito.
"Ganito ba gusto mo para mapag bayaran ko lahat ng ginawa ko sayo ha Althea?"
Naikalas nito ang lahat ng batones ng blusa nito kaya tumambad sa kanya ang pang harap nito na natatakpan ng kulay itim na bra na mas lalong nagpatingkad sa kaputian nito. Napapalunok naman siya sa nakikita.
"Take me now Althea kung sa ganitong paraan ay mabawasan man lang ang galit mo sakin."
"Jade."
Lumapit ito sa kanya at marahang yumakap at ibinaon ang ulo sa kanyang leeg. Hinayaan niya ito at maya maya pa ay naramdaman na niya ang marahang yugyog ng balikat nito at ang ma hihinang hikbi nito. Itinulak niya ito ng mahina para makalas ang pag kakayakap nito sa kanya dahil gusto niyang mabisitahan ang mukha nito. Ngunit mas hinigpitan pa nito ang yakap nito sa kanya na parang gusto siyang ibaon sa katawan nito.
"Please Althea hayaan munang ganito, nahihiya akong tingnan ka, nahihiya ako sa sarili ko sayo, sa lahat ng nagawa ko. Nahihiya akong makita mo sa mukha ko kung gaano ko pinangarap na kung sana hindi ako umalis ay may tayo pa. I'm sorry Althea. I'm sorry sa lahat ng nagawa ko."
"Bakit Jade? Akala ko ba dalawang taon lang?" Naiiyak na tanong niya dito.
"Hindi mo na kailangang malaman Althea. Ang importante naging maganda ang takbo ng buhay mo Althea." Kumalas ito sa kanya saka humarap at nakipag titigan sa kanilang mata na parehong hilam sa luha. Hinawakan nito ang kanyang mukha at kinulong ng dalawang palad nito ang kanyang magkabilaang pisngi."Look at you now Althea ang layo na ng narating mo. I'm so very proud of you my Thea. Pag nakikita kita kung gaano na kalayo ang narating mo, nasasabi kung naging tama naman siguro ang desisyon ko."
"Jade."
"Sssshh. Sana matutunan mong magpatawad Althea. Pinapangako kung hindi mo na ako makikita pagkatapos nitong project na to. I know I'm hurting you by just seeing me around. Just endure my presence Althea and after that alam kung babalik rin sa normal ang takbo ng buhay natin. Masyado ng maraming ngyari at nag bago sa pitong taon Althea. Masyado ng maraming nag bago.
(Masydo ng maraming ngyari at nag bago Althea, ngunit iisa lang ang hindi nag bago. Yun ay ang nararamdaman ko sayo Althea. Na kahit kailan ay wala namang pumalit sa iniwan kung parte na para sayo.) Gusto niyang sabihin iyon kay Althea ngunit alam niya na mas magiging komplekado lang ang lahat kaya minabuti niyang sarilinin na lang ang lahat. Maganda na ang takbo ng buhay nito at hindi na siya nito kailangan hindi tulad noon na may rason siya para turuan ito ng mga bagay bagay na hindi nito alam. Ngayon ay nakikita niyang naging mas maayos pa ito sa kanya at mas marami pa nga siguro itong alam kesa sa kanya. Pinahid niya ang nag uunahang luha na pumapatak sa pisngi nito. Nakita niya ngayon ang Althea na una niyang nakilala. Nawala na ang kahapon at kanina na maangas. Bagkos para na itong paslit na nangulila sa ina. Humigpit ang hawak nito sa bewang niya saka hinapit siya palapit dito. Hinayaan lang niya itong ilabas ang gusto nitong ilabas na emosyon.