Chapter 3

5.9K 335 43
                                    

Yung feeling na gusto mo mag back out pero wala nang oras.

Kung bakit kasi pinag pipilitan ng kanyang tatay na mag suot siya ng ganito. Nakakailang na ewan pwede naman sana mag maong na lang eh bat kailangan pa kasi mag bistida. Hindi siya sanay na naka balandra ang  kanyang binti, maliban na lang pag nasa bahay siya. Yung feeling na para siyang hubad nag lalakad pag naka suot siya ng damit na hindi naman sanay suotin.

Mag aalas dose na din at sa sobrang excited ay alas onse pa lang ay nasa labas na siya ng eskwelahan ni Jade. Nang mag alas dose na ay marami na rin ang nag sipag labasan sa gate na mga studyante kaya matyag siyang iniisa isa ang mga ito baka palabas na si Jade.

Maya maya pa ay nakita na niya ito kaya kumaway siya dito para makita siya nito dahil baka siya na ang hinahanap nito dahil palinga linga din ito.

Nang makalapit siya dito ay pansin niya ang pag hanga sa mata nito ng makita siya. Pinuri pa siya nito na siyang ikina pula ng pisngi niya na mas dinagdagan pa ng hawakan nito ang kamay niya at hilahin sa naka paradang sasakyan nito. Akala niya ay doon na matatapos ang pagka ilang niya. Ngunit ng nasa loob na sila ng sasakyan habang kinakabit nito ang seatbelt niya ay kung hindi lang niya pinigilan ang sarili ay baka nahalikan na niya ito sa sobrang lapit ng mukha nila. Alam niyang nakaramdam ito nang pag kailang, natakot siya na baka ano ang isipin nito sa kanya. Kaya nag patay malisya na lang siya kahit pa nag rarambulan ang kung ano man na nasa dibdib niya.

Pansin din niyang napakaingat nito sa pag mamaneho manaka nakang nag tatanong ito ng kung ano anong bagay sa kanya at matipid naman niya itong sinasagot.

Ilang minuto lang din ay pumarada na ang sasakyan nito at pumasok na sila sa garbusong kainan na ngayon niya lang naranasan makapasok.

Buti na lang pala at nakinig siya sa kanyang tatay kundi baka hanggang labas lang siya pulutin dahil sa suot niya.

Nang maka upo na sila at tiningnan niya ang presyo ng pagkain ay parang gusto niyang pag pawisan kahit malamig naman sa naturang lugar. 500 pesos lang ang dala niya at mukhang pang ice tea lang ang aabutin ng 500 niya. Bigla siyang nanliit tiningnan ito at kung gaano ka layo ang agwat nila sa buhay. Tama nga ang kanyang tatay wag na lang niyang pangarapin suntok sa buwan e.

"Althea?" Rinig niyang twag ni Jade sa kanya. Kanina pa pala ito nag sasalita at anlayo ng iniisip niya.

"Ano yun Jade?" Tanong niya dito. "Sabi ko may na pili ka na ba?"

"Ha? Ano kasi Jade ah ikaw na lang pumili. Yung inorder mo ganun na lang din sakin." Matipid na ngiti niyang sabi dito na halatang nahihiya

"Are you sure ayaw mong pumili? Drinks?"

"Tubig na lang Jade." Nahihiya niyang sabi

"Althea nahihiya kaba sa akin?"

Nag iwas lang siya ng tingin dito at naka yuko na animoy parang bata na nahihiya.
Wala siyang maisip isagot, buti na lang at magkasunod na dumating ang kanilang pagkain kaya nawala sa kanya ang attention ni Jade. Naiilang siya kumain ng sobrang pormal dahil mas sanay siya sa bahay na nag kakamay. Kung pwede lang siya lamunin ng lupa dahil siya lang ata ang may pinaka maingay gumamit ng kobyertos. Dagdag pa na halos di niya masikmurang kainin ang pagkain na inorder sa kanya ni Jade. Pano naging masarap para dito ang karne na kinakain nila e may dugo pa ng hiwain niya ito. Hindi niya alam kung papaano lunukin ang kinakain.

Gugma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon