"Tay si Althea ho?" Bahagyang humiwalay si Althea sakanya ng marinig ang tawag ni Wela sa baba. Letche kung kelan naman nag momoment sila ni Althea!
Pinandilatan niya si Althea na wag mag ingay.
"Hindi pa umuuwi si Althea Wel baka mamaya pa yun." Narinig nilang sabi ni Batchi. Save by the bell. Narinig nila ang pag sara ng pinto. Saka siya binalingan ni Althea.
"Ano bang pinag gagawa mo ha Jade?" Mahina pero may diing sabi nito dahil baka marinig sila ng mga tao sa baba.
Kagat ang pang ibabang labi, ikinulong niya sa dalawang palad ang mukha nito.
"I'm sorry Althea I'm sorry sa lahat ng nasabi ko sayo I'm sorry kung hindi ako nag tiwala, at sa mga pang huhusga ko. I'm sorry kung naapakan ko man ang pride mo, it's not my intention I just wanted to help. And I'm very sorry kung hindi kita kayang layuan. But I will never be sorry for loving you this much." Para siyang nabunutan ng tinik at naka hinga ng maluwag ngayon na nakahingi na siya ng tawad dito. Bago paman ito mag salita ay mabilis na inilapat niya ang kanyang labi dito. Hindi ito tumugon sa halik niya at para lang itong tuod na nakatayo kaya mabilis na inilayo niya ang labi dito at akmang tatalikod na para bumaba ng hagdan."Hindi naman kasi ganyan ang tamang paghalik Jade."
Nagulat siya sa biglang pag hawak nito sa kanyang kamay at ipinalibot sa kanyang bewang ang mga braso nito. Saka marahas na inangkin ang kanyang labi. Para itong uhaw na sanggol na sabik na mabigyan ng gatas ng ina. Tinugon niya ang mapang init sa baba ng puson at nakakatirik mata na halik ni Althea.
"Ahhhhhh." Isang malakas na ungol ang kumawala sa kanyang bibig ng maramdaman niyang nakapasok na pala sa kanyang uniporme ang kamay ni Althea. Bigla nitong itinigil ang pag halik at ang pag lamas sa kanyang dibdib kaya binigyan niya ito ng nag tatanong na tingin.
"Ang ingay mo Jade, kung maka ungol ka parang walang tao sa baba." pabulong na sabi nito na medyo natatawa.
"Bat kasi ng hahawak ka diyan e alam mong masarap." Mapanuksong sabi niya dito. "So pinapatawad mo na ako?"
"Hindi naman kita kayang tiisin Jadey."
Mariin niya itong tinitigan. "Thank you for giving me another chance Althea at promise hindi na kita papangunahan sa mga desisyon mo thea." Saka hinaplos ang tenga nito.
"Sorry din Jade sa naging asal ko at kung nasigawan man kita. Masyado lang akong nasaktan at
"Ssssshhhh tama na nga yan. Basta bati na tayo ok?" Tumango ito na parang bata. Kinurot naman niya ang pisngi nito. "Ang cute cute mo talaga thea." Pangigigil pa niya
"Tara na nga sa baba bago pa malamog ang pisngi ko sayo." Natatawang sabi nito habang hinuhuli ang kanyang kamay.
Pababa na sila ng mahagip nila si Batchi sa may paanan ng hagdan, halatang nakikinig sa kung ano mang pinag uusapan nila Jade sa taas.
Chismosang butiki
Dali dali naman itong tumabi sa kanyang ama ng maramdamang pababa na sila. At kunwari patay malisya na walang narinig. Inalalayan niyang makababa si Jade saka pinag hila ng upoan sa may kusina. Tinapos nilang kainin ang kaninang hindi naubos na pagkain.
"Jade." Pukaw niya dito habang kumakain ng french fries at isinasaw sa gravy. Nag angat ito ng tingin sakanya.
"Hmmmm?"
Dumukwang siya dito saka pinahid ang gravy sa gilid ng bibig nito. "Ang dungis mo kumain Jade."
"Psssssttt hoy kayong dalawa bati na ba kayo?" Tanong ni Batchi
"Tatanong tanong kapa e kanina kapa nakikinig ng usapan ng may usapan."
"Ay grabe siya, mapag bintang ka Tsong."
BINABASA MO ANG
Gugma (COMPLETED)
Roman d'amourHow can you hate and love a person at the same time?