Chapter 7

5.1K 257 24
                                    

"Ikaw pala iha pasok ka." Bati ng ama ni Althea. "Wala si Althea kakaalis lang niya."

"Kayo ho talaga ang sadya ko sir." Nag mano siya dito bago tuluyang pumasok sa maliit nitong bahay.

"Tatay na lang iha masyado kang magalang, pagpasensyahan muna ako kagabi medyo masama lang ang templa ko.

"Wala ho yun. Andito po ako dahil may gusto lang akong kumpirmahin. "Wag niyo lang ho sanang mamasamain ang itatanong ko tay ha? Si Althea ho ba hindi nakakabasa?" Walang paligoy ligoy na tanong niya dito.

"Nakakahiya mang aminin iha Oo pero hindi ko ikinakahiya na ganun ang aking anak. "Kung nakakabawas ito sa inyong pag kakaibigan ay hindi kita masisisi kung layuan mo ang aking anak."

"Tay wag sana kayong magalit ha. Hindi rin ho ba kayo nakakapag basa?"

Natawa ito ng mapakla bago sumagot. "Nakapagtapos naman ako ng highschool iha kahit papaano ay nakakabasa din naman.   Ang meron kay Althea ay hindi pang karaniwan. Nung grade one yan ay pumasa naman, nadala sa teacher dahil mabait naman na bata at magalang. Nung tumuntong ng grade 2 ay hindi na nadala sa pasang awa dahil ito lang talaga ang nahuhuli sa klase. Marunong naman itong mag bilang pero pag pinasulat muna nahihirapan na siya."

"So pinayagan niyo na lang ho na huminto sa pag aaral si Althea?"

"Hindi naman sa ganuon iha. Naawa din ako sakanya dahil anak ko yan eh. Yung umuuwi si Althea na may galos oh nag iiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase niya ay masakit sa akin bilang ama. Wala namang magulang na hindi hinangad na hindi makapag aral ang kanilang anak iha."

"Pasensya na ho pero hindi naman ho ganun ang ibig kung sabihin."

"Naiintindihan kita iha. Marami na ding nakapag sabi sa akin kung bakit hindi ko man lang naturuan si Althea. Kahit anong pilit ko papasukin sa paaralan si Althea ay ayaw niya talaga. Hinayaan kung lumiban siya ng isang taon sa klase at yun ang kinagiliwan niya ang pag sama sama sa akin na mag lako ng ice cream. Pag uwi sa bahay ay tinuturuan ko siya mag sulat at bumasa. Pero umiiyak lang kahit anong turo ko ay ayaw talaga. Minsan napag bubuhatan ko na din ng kamay dahil sa katigasan ng ulo, dahil ayaw talagang matuto. Hanggang sa umabot nga sa puntong ganito, na disgrasya naman ako kaya mas lalong nawalan ng tsansang makapag aral si Althea. Dahil sa murang edad ay nag hanap buhay na para may maipantustos sa aming mag ama. Nasasaktan ako iha pag nakikita ko ang kalagayan ng aking anak. Pero alam ko namang matalino si Althea. Alam kung pinipilit niya ding maka basa. Minsan may nakikita akong libro sa may ilalim ng higaan niya nag aaral siya mag isa. Pero ewan ko ba hindi talaga siya matuto."

"Malinaw naman ho ang mata niya?" Nag aalangang tanong niya sa matanda

"Minsan pinasuri ko na rin sa espesyalista ng mata si Althea iha. Nag babakasakali ako baka kaya hindi siya nakakabasa ay dahil sa malabo ang mata ng anak ko. Pero ang naging resulta ay maayos naman wala namang deperensya kanyang mata."

"Gusto ko hong tulungan si Althea tay sa abot ng aking makakaya. Naniniwala naman ako sa kakayahan niya. Alam kung matalino si Althea at ka

Nabitin ang iba pa niyang sasabihin ng bumingad sa pintuan si Althea.

"Anong ginagawa mo dito Jade?" mariing sabi nito na palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa sa tatay nito.

"Althea mag usap tayo ng maayos."

"Wala ng dapat pag usapan pa Jade, ayaw na kitang maging kaibigan. Mapapahiya ka lang sa akin. Kaya makakaalis kana!"

"Anak! Kelan pa kita tinuruang maging bastos sa bisita ha?!

"Ayaw mong umalis?! Sige mag kampihan kayo. Ayaw mong umalis? Walang problema eh di ako ang aalis sa sarili naming pamamahay!" Sabay ibinalibag nito ang pinto pasara at lumabas ng bahay.

Gugma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon