Gusto niyang hilahin ang oras para mag lunes na. Yung dalawang araw na hindi niya makita oh mabantayan si Althea parang masisiraan na siya ng bait. Alam pa naman niyang maypagka sawa kung maka lingkis ang Wela na yun kay Althea. Araw ng linggo ngaun kaya imbes na mag mukmok sa bahay ay dinala siya ng kanyang sasakyan sa harap ng simbahan. Nasabi na niya diba hindi siya madasaling tao. Siguro hihingi lang siya ng pasasalamat pero hindi siya hihingi ng kung anong bagay na pwede naman niyang makuha in her own hardwork at hindi na niya ipagpa sa Dyos pa. Dahil gusto niya pag humiling siya sa Dyos ay pag bibigyan talaga siya dahil minsan lang siya humingi dito. Siguro naman bukod sa kanya may iba pa din namang pumapasok sa simbahan hindi para mag dasal kundi magsalamat lang? Oh nag iisa lang siyang weirdo? Naiiling na lang siya sa naisip.
Nag lakad siya papasok sa may simbahan pero nag hanap muna siya ng ma bibilhan ng sampaguita. Naisip niya ang matanda na naka pwesto sa dulo na palaging pinag bibilhan nila Althea.
"Manang." Tawag pansin niya sa matanda. Abala ito sa kakabutinting ng paninda nito.
"Oi inday na gwapa. Sus pastilan abi ko man kinsang artista."
"Manang tagalog ho hehe."
"Ay oo nga pala. Pano kasi nasanay ako kay Althea e magaling magtagalog at bisaya e."
Natawa naman siya dito. "Pabilhan ho ako ng kandila manang saka dalawang sampaguita.
"Oh ining ikaw lang ba mag isa? Si Althea hindi mo ba kasama?"
"Bz ho yun manang, nag aaral na ho siya marunong na din ho mag basa baka sunod pasokan mag eenrol na siya." Proud na proud na sabi niya sa matanda. Hindi naman kasi lingid sa mga ito ang kalagayan dati ni Althea
"Talaga iha? Naku napaka gandang balita niyan iha hindi talaga nagkamali si Althea ng pag pili sayo."
Gusto niyang mabilaokan sa huling
sinabi ng matanda."Naku iha salamat naman at hindi mo siya iniwan dahil lang sa kundisyon niya. Di katulad nung Kathren ba yun? Haay naku! Nung malaman ang kundisyon ni Althea ay bigla na lang iniwan itong si Althea. At yun nag hanap ng mayaman."
Bigla siyang na curious sa sinabi ng matanda sa sinasabi nitong Kathren.
"Manang matagal ho ba naging sila nung Kathren?""Matagal din. Pero ang alam lang nun e malabo ang mata ni Althea kaya hindi ito masyadong matanong kaya na tago naman ni Althea ang kalagayan niya. Pero sabi nga, walang usok na nakukomkom kaya nung malaman ayon iniwan bigla si Althea."
Gusto niyang mag selos sa nalaman na nagkaruon na pala ito ng nobya dati. Pero mas nangibabaw sa kanya ang awa para dito. Sa kalagayan nito dati mahirap talaga ito makakita ng babaeng tatanggapin ito ng buo. Maya maya pa ay nagpaalam na siya sa matanda dahil napasarap din ang kwentuhan nila. Pumasok siya sa simbahan saka marahang lumuhod at nagpasalamat. Kahit gustong gusto niyang ipag dasal na magka balikan sila ni Althea ay hindi niya ginawa. Alam niyang mag kakaayos din sila ng babae at hindi na niya aabalahin ang Dyos para lang sa kanyang love life. Marahil bz ito sa daming mas kapospalad pa na humihiling ng mas makabuluhan kesa pagka abalahang tugunin ang problema niya sa puso. Nakakahiya naman diba?
Matapos magpasalamat ay naisipan na niyang umuwi. Nakaramdam siya ng gutom kaya nung may makita siyang Jolibee walang pag dadalawang isip na pumasok siya at nag order. Nag order siya ng spaghetti with yum and fries at isang rice at ng hingi pa siya ng maraming gravy. Nagtaka naman ang cashier kung bakit may rice e wala naman siyang inorder na chicken. nginitian niya lang ito saka nag hanap ng mesa na kakainan. Nilantakan niya agad ang pagkain. Ginaya niya ang style ni Althea sa pagkain nito. Kinuha niya ang yum saka tinanggalan niya ng patty at inilagay ang spaghetti sa bread. Nagulat siya sa lasa