Masama ang loob niya kay Jade pero hindi maiwasang hindi niya ito maisip. Hindi niya maipag kakailang na mimiss niya ang dalaga. Sa bawat sulok ng bahay nila ay nakikita niya ito, kahit sa kwarto ay mas naaalala niya ito. Kailangan niya ng maraming ginagawa ng sa ganun ay hindi maukopa nito ang lahat ng kanyang oras sa kakaisip. Mas mabuti narin siguro ang nangyari ng hindi na siya umasa pa.
"Tsong? Hoy nakikinig ka ba?"
"Ano ulit un Batch?"
Kakamot kamot naman ito sa batok. "Althea naman e kanina pa ako salita ng salita di ka naman pala nakikinig."
"Ano nga yun?"
"Kako si Jade nakita ko kanina."
"Oh ano naman ngayon kung nakita mo?"
"Tsk! Ay ewan ko sayo. Ang hirap mo ring espelingin. Akala ko ba mahal mo na? Ganun na lang ba yun susuko ka na lang?"
"Batch alam mong hindi ko ugaling mag habol sa isang tao. Ayukong ipag pilitan ang sarili sa taong alam naman nating masyadong mababa ang tingin sa ating mahihirap."
"Tsong baka na dala lang siya sa emosyon."
"Batch, kung ano ang lumalabas sa bibig ay siyang laman ng dibdib. Saka sa jeep mo lang pwede ipag siksikan ang sarili hindi sa isang tao.
"Oi tsong gumaganyan kana. haha. Pero seryuso tsong pag humingi ba siya ng tawad kaya mo siyang patawarin?"
"Sa palengke lang pwede humingi ng tawad Batch."
"Ay grabe siya oh. Sinabawang ampalaya ata nilaklak mo tsong? Diyan ka na nga. Mag lalaba pa ako, hirap ng walang girlfriend walang taga laba sa bahay. Hay buhay!"
Natatawang naiiling na lang siya sa kaibigan. Pag wala ito dito sa bahay masyadong tahimik ang bahay, pag andito naman ito naalibadbaran naman siya minsan sa kakulitan nito. Pero malaking bagay ang naidudulot nito sa kanilang mag ama. Marami na din itong naitulong sa kanila kahit sa maliit na paraan. Babawi na lang siya dito balang araw.
++++++++
"Hay naku Jade! Di kapa ba tapos sa kaka mukmok diyan sa Altheang yan? Alam mo pasalamat lang talaga yang Althea na yan at hindi pa nag ko kross ang landas namin."
"Masyado ka ng redundant Sall. How many times do I have to tell you na mukhang mali nga ako ng hinala kay Althea?"
"Haay naku Jade, given na yun noh pag mahirap gaya niyan na mga taga squater alam mo na kung ano ang ikina bubuhay ng mga yan."
"Iba si Althea Sall! Nakita ko kung paano siya mag banat ng sariling buto umaga hanggang madaling araw."
"Eh di wow. Siya na masipag. If I know yang kinikita niya sa loob ng isang linggo ay baon lang natin sa isang araw."
"Pero yung kinikita niya pinag tatrabahuan niya unlike us na naka depende lang sa magulang. Alam mo I envy her life kahit ganun lang sila, masaya silang mag ama. Hindi katulad sa bahay nag kikita lang kami ni daddy pag may okasyon. Ni hindi ko nga matandaan kung kelan kami nag sabay kumain sa hapag kainan."
"You don't have to compare your life in to that woman Jade. Iba ang mahihirap Jade, kaya sila sabaysabay kumain dahil kukunti lang ang pagkain sa hapag kainan nila. Dahil kung may isang wala tiyak na hindi na mapag iwanan ng pagkain sa hapag. Kaya kinailangan nila mag sabay para ma estimate nila ang pagkain na pag sasaluhan nila. Tayong mayayaman kahit anong oras tayo kumain ay may makakain tayo unlike them na kakayod muna buong araw para may makain sa susunod na araw."
"Kinain kana ng sistema mo Sall." Ngayon niya napag tanto kung bakit naging ganun ang asal niya kay Althea. Magkarun kaba naman ng ganitong kaibigan.