7 YEARS LATER
Dahil kilala ni Sally ang art director naipasok siya nito bilang isang photographer sa isang men's magazine. Naka oo na siya sa team bago niya malaman kung sino ang modelo. Pinakiusapan niya si Sally na tanggalin siya sa team. Pero ang rason nito ay hindi na pwedeng mag back out dahil nasa pilipinas na ang modelo at bukas na ang lipad nila papuntang El Nido Palawan para sa iilang mga shoots. Hindi niya alam kung pano napapayag ng kanilang director na mag pose ito sa kanilang magazine. As far as she know 3years ago ay deni decline nito lahat ng offers in local. Matapos itong pag fiestahan ng mga kapwa pinoy ng malaman ng mga ito na isa itong bisexual. Naging judgment dito ang preference nito, kaya afer two years ay nag moved ito sa US kung saan nawala ito sa limelight. But after a year ay na bigla ang lahat ng rumampa ulit ito bilang isa sa mga Victoria's Secret model. Unlike in philippines hindi naging big issue dito ang preference nito. Ngunit nung naging isa sa mag VS model na ito ay mas naging open na ito sa sexuality nito at doon nga ay walang judgment at tuloy tuloy ang pag angat nito. Pero kung gaano ito ka sikat, ganun din ka daming issues ang palaging nakakabit dito.
Kung si Cara Delavigne ay optimistic, upbeat and has a kind of swashbuckling personality, di parin ito nakaligtas sa ibang kritiko coz some called her starved for attention. But unlike Althea Badilla. Yes you heard it right si Althea lang naman ang tinutukoy niya na mag po pose for men's magazine nila. At yun nga, unlike Cara Delavigne Althea is known by being heartless, unapologetic hothead model ni wala itong pinapaunlakan na mga ambush interviews. But despite of Althea's bad image, Althea's attitude and beauty help her rise forefront in modeling industry. By her own identity mas lalong na ko curious ang mga tao dito na hindi lang babae nahuhumaling dito. Maski mga lalaki na cha challenge din dito dahil sa ala cold princess na personality nito. Maski kabi kabila ang mga babaeng dini date nito, wala namang naging steady na girlfriend ito. At ngayon nga ay nasa pilipinas ito, may mga iilang nag tataas parin ng kilay kung bakit napasama ito sa men's magazine dahil di naman lingid sa lahat ang sexuality nito. Pero majority parin ang proud dito dahil sa achievements nito at isa na siya dun. Kahit taliwas ito sa gusto niyang tahakin ni Althea. Hindi niya alam kung paano ito napasok sa modeling industry basta ang alam niya masaya siya para dito at natupad nito ang pangarap nitong maka ahon sa buhay. Hindi niya alam pano ito pakikitunguhan bukas pero siguro naman naka move on na ito sa kanya sa dami nitong babaeng na e kama. Ang isiping yon ay may kung ano paring kirot siyang nararamdaman.
+++++++++++
Van? Akala ko ba mag pe plane sila? Pag mamaktol niya sa isip. Mukhang aabutin sila ng ilang araw pala. Hindi naman siya pwedeng mag reklamo dahil salin pusa lang naman siya dito sa team. Kailangan niya lang talagang rumaket kaya kahit pagiging photographer ay kinareer na niya. She's been into photography din naman when she was in new york kaya may credentials din naman siya.
Tiningnan niya ang relo sa bisig kanina pa kompleto ang team. Isa na lang hinihintay, walang iba kundi ang kanilang modelo.
"Naku ano ba yan! Bakit ba kasi yan pa ang kinuha ni derik na model eh alam naman natin ang background niyan na maypagka unprofessional?"
"True!"
"Saka bukod pa dun eh diba nga openly gay yang Althea na yan?. She's bisexual right? Pano naman ma e bebenta yung magazine natin?"
"Hello? isa na akong unang bibili noh. Crush ko kaya yun." Turan ng isa sa mga lalaking writers nila. Grabe kasi yung aura niya maypagka animalistic ang dating saka alam niyo ba na ni minsan hindi pa nakuhanan yan na ngumingiti? Kaya bibilib na talaga ako dito kay Jade pag nakuhaan niya ng nakangiti yun."
"Napaka mesteryuso nga ng babaeng yun. Siguro matindi ang pagka broken nun kaya kinain ng sistema."
Narinig niyang turan ng mga ksamahan niya. Marami pa siyang narinig sa mga ito na hindi lingid sa kanya dahil lahat ng yun ay alam niya about kay Althea. Nagsawalang kibo na lang siya at pinasyang sa mauna ng maupo sa loob ng van. Pinili niya ang ma upo sa pinaka dulo para walang chance na makatabi niya si Althea. Kinuha niya ang cellphone at headphone saka bahagyang pumikit habang nakikinig ng music. Maya maya pa ay tuluyan na siyang tinalo ng antok.