Chapter 4

5.6K 314 68
                                    

Kasalukuyan siyang nag re review para sa structural design and detailing na subject niya, ngunit walang pumapasok sa kanyang utak. Manaka naka tinitingnan niya ang cellphone kung may txt oh tawag galing kay Althea. Ilang araw na din siyang hindi makapag concentrate sa klase. Palaging lumilipad ang utak niya na hindi mawari.

Dapat kasi hinatid man lang sana niya sa bahay nito si Althea. Hindi yung ganito na nag mumukha siyang tanga kakaisip dun sa tao kung saan hahagilapin.

Padabog na tumayo siya para kumuha ng maiinom sa kusina. Palabas na siya ng kwarto ng marinig niyang mag ring ang  kanyang cellphone. Halos liparin niya ang kina lalagyan ng cellphone sa mesa saka mabilisang sinagot ito na medyo hiningal pa sa ginawa.

"Hello?"

"Jade, si David to libre ka ba bukas?"

"Pano mo nakuha number ko?" Pag tataray niya dito.

"Kay Sally. Jade bukas nsisbajsvsj

May sinabi pa ito sa kabilang linya ngunit tinapos na niya ang tawag nito. Nang mailapag niya ang cellphone ay nag ring nanaman ito.

"Ang kulit mo! Sabi ng hindi ako pw

"Hello?" Ani nang nasa kabilang linya

Napatigil naman si Jade at biglang kinabahan dahil parang familiar ang boses nito. Kaya napa ayos siya ng upo sa dulo ng kama.

"Althea?" Nag aalangang tanong niya

"Ah pasensya kana Jade mukhang nakaka storbo ata ako sayo. Tawag na lang ako pag hindi kana bz."

"No! I mean, no. Hindi ako bz ok lang ah ano, pano ba. Ah oo nga so yun nga." Natampal niya ang noo dahil wala siyang ma apuhap na sasabihin kay Althea. Sa dami niyang gustong itanong dito, nag mukha siya bata na kakabago pa lang matuto mag salita.

Jade kalma lang. Payo niya sa kanyang sarili

"Jade? Andyan ka pa ba? Pasensya kana Jade ngayon lang ako naka tawag nung isang araw lang kasi ako naka bili ng cellphone

Seriously? Nung isang araw pa pala naka bili ng cellphone pero ngayon lang tunawag? Tsk! Aba Jade bakit? Obligasyon ba niyang tawagan ka agad agad? Napapraning na kausapniya sa sarili

"Ok lang Althea, saka na bz din ako sa school kaya marami din akong pinagkaabalahan. Ikaw kumusta?"

"Ok lang Jade, medyo na bz din ako kaya nakalimutan kung tumawag. Libre ka ba bukas? Yayain sana kita lumabas, ako naman taya."

"Hmm let me check my schedule for tomorrow. Libre ako bukas Althea sabado naman pala."

"Magkita na lang tayo sa harap ng eskwelahan niyo Jade. Ano kasi ah ok lang ba kung hindi sa mamahaling kainan tayo kumain?"

"Sure, san mo gusto? Sa Jollibee?" Napa ngiti siya sa idea na naisip. Never in her life na naka pasok oh naka kain sa naturang fast food. Nakikita at nadadaan niya lagi but her circle of friends na mga elite they call it cheap. Kaya ni minsan ay hindi siya nagawi duon. But she find it cute lalo na ang mascot nito.

"Oo sana Jade, mas ok dun kesa dun sa pinagkainan natin may dugo dugo pa ang karne. Duon kahit mura eh lutong luto naman ang pagkain."

Natawa naman siya sa sinabi ni Althea. "Oh siya sige so same time? Lunch?"

"Oo Jade. Kung ok lang sayo?" Nahihiya nitong sabi

"Ok lang Althea ano ka ba. Buti nga tumawag ka, akala ko nga ayaw mo akong maging kaibigan." Medyo nagtatampong sabi niya.

"Hindi sa ganun Jade, ano kasi marami lang akong ginawa nung nakaraang araw ."

"Oh siya sige basta bukas ah."

Gugma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon