Chapter 19

4.4K 247 29
                                    

Parang ma bibiyak ang ulo niya pagka gising naparami ata ang inom nila Batchi at di na niya matandaan kung pano siya naka uwi.

Niligpit niya ang pinag tulogan bago bumaba. Naabutan niyang nag aalmusal si Batchi at ang kanyang tatay sa baba.

"Ano kumusta ang muntik ng ma rape kagabi?" Ani ni Batchi sakanya

Lumapit siya sa ama saka humalik sa pisngi bago binalingan si Batchi.

"Ano pinag sasabi mo?" Balik tanong niya dito habang nag titimpla ng gatas.

"Ikaw, kagabi kung hindi ako nagising malamang nagahasa kana."

Napaisip naman siya sa ngyari kagabi. Biglang naalala niya ang huli niyang nakita ay si Jade kaya nagpa ubaya siya.

"Si Jade?"

"Anong Jade? Si Wela dinala ka sa kwarto! Buti na lang kako na gising ako. Talagang hindi ako nag lasing dahil alam ko nang kahihinatnan mo magpapakalunod sa alak ng dahil kay Jade."

Napakamot siya sa kilay dahil sa sinabi nito. Kaya ayaw niyang mag iinom e madali siyang malasing.

"Wala namang ngyari samin diba?"

"Anong wala? Ayun pinaliguan ka lang naman ng halik. E ligo mo na lang ng matanggal. Haha."

"Puro ka kalukuhan."

"Tay galaw galaw tahimik niyo ata?" Baling ni Batchi dito. Kumuha naman siya ng pandesal saka isinawsaw sa mainit na gatas.

"Kailan ba talaga pupunta ulit dito si Jade anak? na mimiss ko na ang batang yun."

"Tay wag muna hanapin ang taong nag tatago. Baka nag sawa na sa atin yun."

"Hindi naman siguro anak nararamdaman kung mabuting bata naman si Jade."

Nararamdaman niya ang pangulila ng kanyang tatay kay Jade. Napalapit na rin kasi dito si Jade lalo nat kadalasan naaabutan niya na masayang nag uusap oh nag lalaro ang mga ito ng chess. Nakakatuwa ito dahil hindi nito natatalo ang kanyang tatay. Minsan natatawa pa siya pag nag dadabog si Jade na nandadaya nga daw ang tatay. Hindi kasi nito matanggap na ni minsan ay hindi ito nanalo sa kanyang tatay dahil chess player daw ito sa kanilang school.

"Kumain ka na lang tay. Baka sa susunod na araw ay bibisita din yun sa atin."

"Sus. Wag mong paasahin ang matanda tsong."

Pinandilatan niya ito saka mabilis na tinapos ang pagkain bago naligo.

++++++++

"So anong plano mo ngayon Jade? Ano sabi ni tito?"

"Ewan ko Sall wala naman kaming imikan ni dad sa bahay."

"What if ipapatapon ka talaga sa america? Payag ka?"

"Hindi mang yayari yan Sall hindi kayang gawin ni dad yan sakin. Saka para ano pa? Eh diba nga iniiwasan ko na naman si Althea?"

"Iniiwasan pero walang bukam bibig kundi Althea. Hay naku naniniwala na talaga akong tinamaan ka diyan sa babaeng yan. So ganyan pala talaga pag nainlove gagawin lahat sa ngalan ng pag ibig?"

"Di ko alam, basta sinusunod ko lang naman kung anong nararamdaman ko. Mahirap kasi pag naglaban ang utak saka puso. Medyo korny pero totoo yan."

"So kailangan balance talaga noh? Kaso yung ginagawa mo puro puso. Ok lang naman yan, follow your heart but take your brain with you."

"Ginagamit ko utak ko Sall saka kaya namin ni Althea to."

"Anong kaya? Bakit? Kaya ba niya humarap sa daddy mo? Ni wala ngang pinag aralan yun, mahirap na nga hindi pa makapag basa at makapag sulat. Jusko Jade hindi pa ba maliwanag sa sikat ng araw ginagamit ka lang ng mga yun?"

Gugma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon