Chapter 23

4.5K 263 184
                                    

"May sunog ba!!?"

Bigla silang napabaling dalawa sa may pinto. Agad naman niyang binitawan ang bulak na hawak saka tumayo at nag lakad papunta sa my lababo para linisin ang nasunog na kawali.

"Hoy tsong may sunog ba? Jade anong ngyari?" Tanong ni Batchi

"Wala. Ano kasi." Binalingan niya ang tatay ni Althea. "Tay pasensya na ho muntik ko ng masunog ang bahay nasunog ko kasi yung itlog na niluluto ko." Nahihiyang sabi niya dito

"Gusto mo pala kumain ng itlog iha, bat di mo na lang kami inantay ni Batchi maka balik, oh ginising na lang si Althea?"

"Pasensya na ho."

"Ano ba yan Althea ke aga aga, basagin mo na lang kaya yan lahat anak." Baling nito kay Althea na nag dadabog habang nag lilinis.

"Jade ito oh kain kana may pandesal at palaman diyan." Pag aaya pa ni Batchi sa kanya.

"Kumain kana diyan Jade wag muna pansinin ang isa diyan." Parinig ng tatay ni Althea dito.

"Nakuha niyong mag alok sa sampid sa pamamahay na to, pero sarili niyong anak di niyo man lang inaya." Pag paparinig pa niya sa kanyang ama

"Aba anak sino ba nag utos sayo na mag linis ka diyan bago kumain?"

"Oo nga tsong, wag ka ng pabebe."

Nainis siya sa mga ito kaya umakyat siya sa taas at kumuha ng barya.

"San pupunta yun?" Tanong ni Jade kay Batchi

"Bibili ng gatas yun, hindi yun nag kakape e.

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito. "Bumili tayo ng gatas kahapon diba?"

"Naku Jade nakalimutan kung sabihin sayo hindi pala siya umiinom ng Nido. Laking bear brand yan e. Diba tay?"

Tumango naman ang ama nito. "Oo Jade kahit anong gatas ipa inom mo diyan ayaw niya, bear brand lang gusto niyan. Nag tatae yan pag ibang gatas binigay mo. Ito lang si Batchi ang nakaka ubos ng kape dito sa bahay."

"Grabe ka sakin tay hehe. Ikaw Jade?"

"Ah coffee lover ako e, kahit kape lang sa umaga solve na ako. Parang bata pala yang anak mo tay, ang astig tapos ang sungit pa, pero nag gagatas pa pala hanggang ngayon. Hehe."

"Pitong taong gulang na yan huminto ng pag inom ng gatas sa tsopon iha. Kaya nung pinatigil ko na sa tsopon ayan ganyan nag titimpla na lang siya. Binilhan ko naman yan ng medyo mamahaling gatas. Ayaw niya talaga nag tatae yan. Kaya ayan hinayaan ko na lang mas mainam naman din yan gatas kesa sa kape."

"Mas ok nga ho yan tay."

Napatigil naman sila sa pag uusap ng dumating si Althea at may daladalang isang supot. Binaba nito sa mesa at nag simulang mag prito ng tuyo. Kinuha naman ni Batchi ang itlog na pula at sinimulang balatan ito pagkatapos ay nag hiwa na din ito ng kamatis at saka inilagay sa itlog. Manaka naka namang nag uusap sila ng tatay nito at hinayaan ang dalawa sa ginagawa nila.

Ilang minuto lang ay inihain na nito sa hapag ang sinangag, itlog na sunny side up at ang itlog na pula. Bigla siyang nagutom sa na amoy. Her dad don't usually let her eat with these kind of foods. Nakakain lang siya ng ganito pag nakikikain siya kasama ang kanilang mga kasambahay. Pero ngayon niya lang matitikman ang itlog na pula.

Tumulong siyang mag lagay ng plato kutsara at tinidor sa hapag saka na upo.

"Kumakain ka ba ng tuyo iha?"

"Oo naman tay gusto ko nga yan e. Hindi lang kami masyado nag uulam ng ganyan sa bahay, naamoy kasi ni daddy sa bahay."

"Iba na talaga mayayaman Jade noh." Singit pa ni Batchi. Ito tikman mo itlog maalat."

Gugma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon