"Back off!!"
Wala siyang paki alam kahit ipagtabuyan pa siya nito. Knwelyuhan siya nito saka marahas na itinulak na ikinasadsad niya sa buhangin.
"I said back off!! Putang ina mo Althea! Nalulunod ang tao naka tunganga ka lang diyan?! Pag may ngyaring masama kay Jade papatayin kita!"
Dali daling binalingan nito si Jade ngunit wala hindi rin nito alam kung ano ang gagawin. Nakita niyang pinump nito ang dibdib ni Jade. Kaya sinalakay na siya ng kaba dahil sa hindi pa gumagalaw na si Jade. Nagkulay suka siya at natutup niya ang bibig at pilit pinipigilan ang impit na pag iyak. Gusto niyang tumakbo, gusto niyang mag tago gusto niyang lunurin din ang sarili sa ginawa.
Nakita niya lahat, nakita niya kung pano nag hihingi ng tulong si Jade sa kanya ngunit wala siyang ginawa. Pinairal niya ang poot at galit dito hanggang sa nilamon na nga ito ng dagat saka pa siya na tauhan sa kanyang pag kakatayo para saklulohan ito. Ngunit bago paman siya maka abot dito ay may isang tao ng naunang sumagip dito. Ang lalaking kinainisan niya kanina sa may cottage na naabutan niyang katabi ni Jade habang kumakanta. Ngani ngani niyang hilahin kanina si Jade pabalik sa hotel dahil animoy mga teenager kung mag harutan ang mga ito.
"Jade lumaban ka Jade! Come on Jade kaya mo ya." Narinig niyang sabi ng lalaki habang pinupump gamit ang dalawang palad nito sa may dibdib ni Jade
Bigla siyang na himasmasan si Jade nakahiga sa buhanginan wala ng malay. No!! Mabilis na lumapit siya dito at akmang itutulak ulit siya ng lalaki ngunit mabilis niyang nailagan. Nailagan niya ang pag tulak nito ngunit hindi niya nailagan ang kamao nito na tumama sa kanyang kaliwang panga. Wala na siyang oras makipag suntukan dito dahil si Jade nag aagaw buhay at andito sila nag babangayan.
Mabilis na lumapit siya sa lalaki at binigwasan niya ito ng isang suntok sa nguso na ikinasadsad nito sa buhangin.
Mabilis na umupo siya sa gilid ni Jade saka pinulsahan ito. Nanlumo siya ng hindi maramdaman ang pulso nito. Sinalakay na ng mas matinding kaba ang kanyang dibdib. Pinump niya dibdib nito ng ilang ulit saka niya bahagyang pinisil ang magkabilaang pisngi nito para bumuka ang bibig nito. Saka niya binigyan ng mouth to mouth resuscitation. Maka ilang ulit niyang ginawa ng ginawa hanggang sa naramdaman niyang malakas na pag tulak ng lalaki sa kanyang likod.
Tatayo na sana siya para patulan ang lalaki ngunit narinig niya ang bahagyang pag ubo ni Jade. Kaya napabaling ang kanilang tingin dito. Mabilis na lumapit ang lalaki kay Jade. Siya naman ay napako sa kinauupoan naiiyak sa tuwa ng makitang nagkamalay na si Jade. Gusto niya itong lapitan at yakapin ngunit alam niyang galit ito sa hinawa niya, nahawakan niya ang damit ni Jade na kanina lang hinubad bago maligo. Kaya tumayo siya hawak hawak ang damit nito at mabilis na ipinatong ang tshrt nito sa halos hubad na katawan ni Jade. Hindi parin ito nag mumulat ng mata at sunod sunod ang ginawa nitong pag ubo. Kaya alam niyang maayos na ang lagay nito. Kaya bago paman ito mag mulat at bigyan siya ng masasakit na salita ay mabilis na nag lakad na siya palayo sa dalawa.
How can I hate and love you at the same time Jade? How?! Tanong niya sa sarili habang nag lalakad pabalik ng hotel, ngunit wala din anman siyang maisagot sa sarili.
* 3 Years Ago *
"Sigurado ka na ba diyan tsong? Kaya mo ba?"
"Hindi ko alam Batch. Kakayanin, basta alagaan mo si tatay ha."
Naging maayos naman ang kalagayan ng kanyang ama. Nakakalakad na din ito ng mahina at hindi na paralisado ang kalahati ng katawan nito. Kahit hindi naging maganda ang takbo ng kanyang career dito sa pinas ay nakapag impok naman siya kahit papaano sa dalawang taon ng kanyang karera sa pag momodelo at mga ibat ibang shows. Nagmarka siya sa larangan ng modeling dahil sa kanyang intriguing personality. Nasira lang ito nuong lumabas sa eksina si Kathleen at ipinagkalat ang dati nilang relasyon. Sinira nito ang imahe niya sa publiko at nag tagumpay nga ito. Bumagsak ang kanyang career dahil nga sa hindi pa masydong open ang mga tao sa ganuong uri ng relasyon. May tumanggap ngunit mas maraming ng husga sa kanya, maraming ng iwan. Dahil na rin sa mga pinag sasabi ni Kathleen illiterate siya at kung ano ano pa. Bigla siyang nawala sa limelight, nawalan ng endorsements at mga kakilala. Dun niya naramdaman ang sinasabing pagkalaos. Kaya hindi siya masisisi na hindi niya pinag bibigyan ang local media kahit ambushed interview.